Chapter 57-2. Truth Bites, Rawr!

11.8K 340 98
                                    

Hahabaan ko pa sana 'to kaya lang baka umabot pa ulit ng isa pang linggo... kaya mabuti nang i-post ko na 'tong natapos ko ngayong gabi. Hahaha. :) Enjoy. <3 <3

===========

57-2. Truth Bites, Rawr!

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Noong unang beses kong nakilala ‘tong si Miguel Josef Uy Monteverde I thought why such a guy always smiles. ‘Di ba? Mukhang tanga kaya yan na laging naka-ngiti at laging tawa nang tawa. Kahit inis na inis na ako sa kanya panay pa rin ang pag-ngiti niya sa akin. I hate him for being so arrogant and I hate the fact that he stole my first kiss - that gaddamn first kiss na puno’t dulo ng lahat. Thinking back now, I knew he did that out of instinct to shut me up and to keep me from shouting. I knew that he did save me back then. Pero alam niyo, masaya ako na siya ‘yung first kiss ko. Haha. ‘Yun oh! Inamin din Ellie. Haha. Apir! Pero ‘wag kayong maingay. Shhh. Atin-atin lang ‘yun. Haha.

Medyo nayayabangan din ako sa kanya noon at sobrang lakas ng self-confidence niya… but as I get to know more things about him… the more reason I can’t stay away from him. Para bang merong kung anong laging humahatak sa akin papunta sa kanya kahit na ilang beses ko nang sinabi sa sarili kong lalayuan ko na siya. Unti-unti, I find myself falling for him. Nababaitan talaga ako sa gagung ‘to. Hindi ko naman lubos akalaing matino pala ang isang Miguel Josef Uy Monteverde. I mean, in a sense he’s a normal, nice guy. Hindi isnabero, pala-ngiti pa at grabe lang talaga ‘yan pag narinig niyong tumawa nakaka-in love lalo. Tulad nang sinabi ko dati, hindi siya mahirap mahalin. Madaling maging komportable sa kanya.

Alam kong napag-tripan lang niya ‘yung panahong nakipag-pustahan siya sa akin ng date. Alam kong wala naman talaga siyang planong mauwi kami sa ganito ngayon. Alam kong he was just trying to have fun, to keep himself busy kaya nga naging Clown niya ko at that time kasi nga raw naaaliw siya sa akin. Naisip ko, ito eh haka-haka ko lang naman, na siguro gusto niya lang makalimot nung mga panahong ‘yun. Gusto niya lang siguro mag-move on at nagkataong loka-loka ako kaya siguro natutuwa siya sa akin.

Never kong narinig mula kay Sef ang tungkol sa kanila ni Lianne, yung ex niya na kahit minsan eh hindi ko pa nakikilala pero laging nababanggit ng mga kaibigan at ng mga taong nakapalibot kay Sef. He never spoke of her. Minsan ko siyang tinanong noong nasa may duyan kami sa bahay nila Tita Yolly. (Refer to Chapter 40-5. Big BAG Theory!) He never spoke of her name. He only gave me a vague answer at that time. Para bang ayaw na ayaw niyang pinaguusapan ang tungkol kay Lianne. Oh ‘di ba? Ang galing ko lang? Never nabanggit ni Sef ang tungkol sa ex niya pero kilala ko! Haha.

Wala akong idea kung anong nangyari sa kanila. Kung paano na-sabog si Sef. Lahat naman ng tungkol sa kanilang dalawa eh na-ikwento lang sa akin ng mga friends niya at ni Yaya Kusing.

Siguro nagtataka kayo kung bakit biglang si Lianne ang naging topic ng intro ko ngayon… 

Katunayan, dapat ang pinaguusapan na natin ngayon eh puro pagkain. Dapat kinikwento ko na sa inyo ngayon ‘yung mga pagkaing niluto ni Sef para sa akin. Dapat kinikwentuhan ko na lang ulit kayo ng mga kalandian ko sa buhay… pero… nauna na kasi si Sef na bumaba sa kusina. At nakakainis kasi kung bakit sobrang bagal kong kumilos, kung bakit nag-unat pa ako at nag-hikab, kung bakit hinanap ko pa ‘yung isang pares ng tsinelas na pinahiram sa akin ni Yaya Kusing… kung bakit hindi na lang ako basta lumabas nung kuwarto kahit na narinig ko ‘yung sarili kong boses ~~~

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon