Chapter 55-3. Fifty Shades of Pepita!

29.8K 424 149
                                    

AUTHOR'S NOTES: Oh shoot!!! THIS IS PERHAPS THE LONGEST UPDATE THAT I HAVE EVER WRITTEN IN MY 3 YEARS OF WRITING LOVE-NAT. Yep, 11 pages toh!!! Usually hanggang 9 lang ako eh. Haha. :) Guess I ended up enjoying writing this chapter. Sana ma-enjoy din kayo. Hugs hugs everyone!!! Pasensya na ulit sa matagal kong pag-update. So, here it is... VOILA!!! Kayo na po ulit bahala. Sana lang talaga pagpasensyahan niyo po ang SUPER TAGAL kong updates. I am tyring to keep every update LONGER as possible, para makabawi naman sa matagal na di pagpaparamdam. :) 

PS. Visit love-nat fb page is you have the time, andun din lahat ng pics ng casts and everything else related with the story -- http://www.facebook.com/lovenatstory

I'm also active on twitter - usap tayo if u guys have the time. :) Just look for @elliedelights. :)

Peace out y'all.

xoxo Elliedelights xoxo

---------------


Chapter 55-3. Fifty Shades of Pepita

Eleonor Malicsi Dimaculangan

At certain points in our lives, we get to meet a stranger – yung bigla mong makakakwentuhan sa loob ng fx, yung biglang ngingiti sayo, yung bigla mong mababangga habang nagmamadali ka sa pag-pasok sa school or office – the stranger who we never thought could possibly change the course of our lives forever.

Yung akin? Heh. Nakilala ko doon sa MUP, sa BOY’s CR to be exact. Funny, really...akala ko pa nga multo siya noon. And from that point on... from the moment I saw his face against the bathroom mirror... HINDI NA BUMALIK SA NORMAL ANG TAKBO NG BUHAY KO!!

Minsan, iniisip ko... I was right to think na MULTO siya. He really was a ghost... for he never stopped haunting me since then... mula sa pag-gising hanggang sa pag-tulog, he was always there!!! Always.

How many times did I pray to God... na sana... sana... wag Niyang hayaan na mahalin ko ang multong ito... wag siya, wag ang isang tulad ni Miguel Josef Uy Monteverde, wag ang ALIEN na toh! But to no avail... kahit naman ata anong dasal o hiling hindi pa rin gagana sa napaka kulit kong puso!!!

I watched from afar as Sef chatted animatedly with his friends – si Ian lang at si Dimples yung namumukhaan ko na mga nasa tabi niya. He was wearing a simple grey shirt, jeans and rubber shoes. His hair was dishevelled in that usual sexy fashion. Anakshutang animales... Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na in love sa akin ang gagung yan!!! Buwahahaha.

Lechugas ka Ellie, ang haba talaga ng hair mo!!! Baka gusto mo namang ipa-kulot minsan, para maiba naman!!! Hahaha. In love daw siya sakin. Ahy, talagang kailangan paulit-ulit? Haha. Eh bakit ba?!?! Ang sarap pakinggan eeeeeeeeeeeh... MIGUEL JOSEF UY MONTEVERDE IS IN LOVE WITH ME!!!

Sabi ko mahal kita...

... Mahal kita.

I could still hear his voice in my head. Dapat talaga paulit-ulit?. “Ayiiiee.” I giggled out loud despite of myself.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon