It'd be nice if we learn from our mistake and we'd be guaranteed to never repeat that same mistake twice. But reality is, we're prone to repeat the same mistakes sometimes. Learning from our mistakes requires humility.
***
"Hindi ka pa ba uuwi? Dalawang gabi ka nang dito natutulog ha?" masungit na bungad sa akin ng magaling kong kapatid pagdating nya, hindi to umuwi kagabi kaya malamang galing to sa kandungan ng kung sinong babae nya.
"Pinapalayas mo na ba ako?" Matalim ang titig na tanong ko. Nagbago naman yung ekspresyon ng mukha nya at naupo muna sya sa tabi ko bago sumagot
"More like pinapauwi baby love, pinapalayas is so harsh a word." Malambing nyang sabi sabay yakap sa akin, ganito to pag kami lang eh, medyo clingy, haha
"Pinapalayas o pinapauwi, isa lang ibig sabihin nun, ayaw mo na ako dito! Para dalawang gabi pa lang akala mo naman dalawang buwan na ako ditto kung makapag pauwi ka." May himig tampong sabi ko, inaartehan ko lang naman sya dahil ayoko pa umuwi, alam ko naman na ang dahilan eh hindi sya makapagdala ng flings nya sa gabi kaya gusto na nya ako umuwi. Kaya lang dito lang ang hindi alam ni Franco puntahan kaya no choice.
"Eh kasi naman baby love, alam mo naman na may basic needs ako bilang lalaki, at hindi ko magagawa yun dito habang nandito ka. Nagtry naman ako sa hotel e pero hindi ako kumportable plus nagmamadali pa ako umuwi dahil nandito ka. Nabibitin tuloy ako" reklamo nya sa akin.
"Hoy Sean! Ang bastos ng bunganga mo!" Sabay tampal sa bibig nya.
“At nagmadali ka pa umuwi ng lagay na yan ha? Inumaga ka na!” dagdag ko pa
"Baby love naman, masakit yun ha! Jinajustify ko lang naman yung pagpapa uwi ko sayo. Antok na antok pa kaya ako pero pinilit ko na umuwi" Natatawa nyang sagot sabay ilag sa hampas ko! Ang loko, may pagjajustify pang nalalaman sa kamanyakan nya. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Sige, uuwi na ko, ganyanan tayo ha! Ipagpapalit mo ko sa mga flings mo lang. Buhusan kita ng kumukulong tubig nang mawala yang kakatihan mo e!" Pagdadrama ko pa, well uuwi naman na talaga ako pero kung mailulusot ko na pwede pa ko mag stay dito hindi muna ako uuwi. Alam ko naman na andun sa bahay yung walangya kong asawa. Gusto ko ugatin muna sya sa paghihintay bago ako umuwi. Hindi ko naman ineexpect na magsosorry sya at kung pagsasabihan lang din nya ako, mabuti pa na hindi muna kami magkita.
"Ang hard mo naman sa akin baby love! Hindi nga kasi ganun yun! Alam mo naman kung gaano kaimportante sa atin ang privacy natin. Ano ba gusto mo gawin ko para hindi mo isipin na ipinagpapalit kita sa mga flings ko?" Pang-aamo nya sa akin. Inirapan ko muna sya bago ako sumagot.
"Fine! Ibili mo ako ng unit dito! Ngayon na!" Hirit ko na ikinalaglag ng panga nya. Yeah, I know, I am being a brat here, pero minsan lang naman, actually, ngayon nga lang. Ayoko pa lang talaga umuwi.
"Are you sure about that?" Tanong nya ng makabawi sa pagkagulat, tinitigan pa akong mabuti.
"Yes! Go! buy me a unit. Now!" hamon ko, alam ko naman na kaya nya ako ibili pero syempre alam ko din na may proseso yun kaya hindi pwedeng agad-agad.
"You're weird, alam mong hindi.." Yun pa ang ang sinasabi nya e nag walk out na ko! Nakakabwisit! Hindi iyon ang gusto kong marinig, ang gusto ko hayaan muna nya ako mag stay sa unit nya, di naman ako tatagal ng isang linggo dun! Bwisit na yan, di pa kasi lumayas ng pinas para solo ko ang unit.nya. Hinabol nya ako hanggang sa elevator, sinamaan ko lang sya ng tingin.
"Fine! You can stay here for as long as you want!" Pagsuko nya.
"No. Ayoko na. Tandaan mo tong araw na to ha! You are not welcome in my house too!" Sabi ko sabay pindot ng close button ng elevator. Iniwan ko syang nakatulala doon. Bahala sya dyan! Dumirecho ako sa parking para kunin ang sasakyan ko at saka pinasibad iyon. Alam ko na kung saan at sino naman ang guguluhin ko. Napag-isipan ko na iyon kanina habang nagbibreakfast.
BINABASA MO ANG
Tsina: The 15M Wife
General FictionA marriage for convenience that is not convenient at all.