I woke up in an unfamiliar ambiance, at halos mapatili ako noong makita ko kung saan ako nakahiga! My god! I really did it with him again! Akala ko isa na naman ito sa mga panaginip ko! Sinubukan kong tumayo pero humigpit ang pagkakayakap nya sa bewang ko. Tinitigan ko syang mabuti para alamin kung nagkukunwari lang ba syang tulog pero base sa pantay na paghinga nya ay alam kong tulog talaga sya. Bakit nga ba ako napunta dito?
Flashback
"What is it James?" I asked irately, ilang araw na nya kasi akong kinukulit na lumuwas ng Manila para lang pumirma ng contract ng isang maarteng businessman, sinabi ko naman na icancel na lang nya ang deal pero ayaw pumayag ni James, malaking pera daw ang mawawala pag nag cancel kami, at ang maarteng businessman, gusto pang sa harap nya ako pipirma. Bwisit talaga! Napaka demanding! Hindi ko alam kung gaano ba kalaking pera ang ipapasok noon sa amin at pinagtyatyagaan sya ng ganun ni James.
"You need to come here or we'll go at your place, you choose!" Aba at talaga naman! Hinahamon ako! Alam naman nyang bawal ang ibang tao sa Farm!
"Okay, I'll come. I call you tomorrow or the day after tomorrow pag nandyan na ako." Napipilitan kong sagot. Sisiuraduhin kong huling contract na ito ng maarteng businessman sa amin, kahit pa Malaki ang ipinapasok nyang pera.
"Copy. Bye!" masigla ng paalam ni James, parang excited pa nga.
Second day ko na sa manila nung tinawagan ko si James, actually, kinabukasan ng umaga pagkatapos ng phone call ay bumiyahe na ako Pa-Manila. Gabi pa lang ay nagpaalam na ako sa magtiyuhin, umiyak pa nga si Franz noong sinabi kong three days akong mawawala, buti na lang to the rescue ang tito/papa Andrei nya kaya napapayag ko din sya. Nagpupumilit ding sumama pero tinakot sya ng loko-loko nyang tito and being a child that he is, naniwala syang madaming monster na nangunguha ng cute na baby sa Manila. Pinagpromise lang nya ako na tatawagan ko sya ng madalas pag nandoon na ako at ibibili ko sya ng mga toys na pinalista nya sa tito nya.
Katatapos ko lang pirmahan yung kontrata ng magdecide akong pumunta sa Mall para bilihin ang mga bilin ng anak ko. Jusko! Ang siraulong Andrei ang may kasalanan kung bakit ang mamahal ng mga nakalistang laruan na pinapabili nya. RC toys? Tapos yung pinaka mahal pa ang ipinapabili? Robot na hindi ko alam kung saan gawa at ganoon kamahal? Action figure? My God Andrei! Kukutusan kita pag-uwi! Ibinigay ko na ang card ko kasama ang Address naming sa Farm, ipapadeliver ko na lang iyon. Saktong pagkabalik sa akin ng card ko ay nagring naman ang phone ko. Agad kong sinagot iyon.
"Mommy love, I forgot something" malambing na sabi ng nasa kabilang linya
"What is it baby love?" I asked sweetly
"Mommy love, can you please buy me a stuffed toy as big as me?"
"Sure baby love."
"Nabili mo nap o yung nilista naming ni Papa?" excited nyang tanong
"Yes baby love, nabili ko na po lahat ng bilin mo. Wala po akong nakalimutan sa mga inilista natin. I have a surprise for you when I get home." I heard him gasped, Oh! My son loves surprises!
"Talaga mommy love? Be home fast po! You take care! Baby love misses you much already! Baby love love love you!"
"Opo baby love. I love love love you too po! Babye! Mwah!" I ended the call and then the next thing I knew ay kinakaladkad na ako papunta sa God knows where! Kahit ang gwardya ng mall ay hindi nakapalag sa takot sa itsura ng galit na galit na si Franco! Ako lang ata ang malakas ang loob na hinahampas hampas sya habang naglalakad kami. And you know the rest of the story.
BINABASA MO ANG
Tsina: The 15M Wife
General FictionA marriage for convenience that is not convenient at all.