Naalimpungatan ako noong may marinig akong mahinang ingay, nagmumula iyon sa batang nasa gilid ko at mahinang humahagikgik.
Nakasubsob ang mukha ko sa may leeg ni Franco at nakayakap ako sa kanya! Nagkunwari akong tulog pa din.
"Mommy love loves Dada!" pumapalakpak pang sabi ng bata.
"Mommy love told baby love that hugging is love that's why she is always hugging baby love." Kwento pa ng bata na nakapagpangiti sa akin ng maluwag.
"Dada, hug mommy love too.. i-love natin si mommy love" sabi nya pa, at saka ako niyakap. Hindi nagtagal ay hindi na nakatiis ang anak ko kaya hinalik-halikan nya na ako at hindi tinigilan hanggang hindi ako "nagigising".
"Hey, baby love.. what's up?" malumanay na sabi ni Tsina
"Mommy love... gutom baby love po." Nagpapaawang sabi ng baby ko
"Baby love, kakakain lang natin diba?" gulat na tanong ni Tsina sa anak
"No mommy love, kanina pa po yun maliwanag pa, but now, it's almost dark outside." Sagot ng nakangusong bata saka lumingon sa window ng kwarto. Akala ko sandali lang kaming natulog, eh past 6p.m. na pala, halos apat na oras ata kaming natulog. Napabalikwas ako ng bangon sa gulat.
"Bakit di mo ko ginising?" matalim ang matang sabi ko kay Franco.
"Kagigising ko lang din po mommy love.. Si baby love din ang gumising sa akin." Malambing at nagpapaawang sagot nya. Inirapan ko nga. Kasalanan nya to, pinagod nya ako kanina!
"Kawawa naman ang baby love ko, nagugutom na." lambing ko nalang sa anak at kinandong. Tuwang-tuwa naman ang bata sa paglalambing ko.
"Dada, get up. Eat na po tayo." Masayang aya sa Dada ng baby namin, napakalambing nya talaga, laging ganyan yan, pati yung care taker namin sa bahay pag nakikita nya, inaaya din nyang kumain.
"Dada Look! They are playing with fire! Mommy love said that's bad ah?" sabi nya sabay turo sa nagpa-fire dancing.
"Baby, they are already adults and professionals kaya pwede na silang maglaro ng apoy, ikaw kasi, baby ka pa namin kaya hindi pa pwede." Matiyagang paliwanag nya sa napapangusong bata.
"Baby love is hungry. I want pork barbeque Dada" malambing nyang sabi, mukhang gutom na gutom na talaga ang baby namin.
"Yes baby love, Dada will look for a restaurant that serves barbeque." mabilis na sagot ni Franco
"Nako Franco, sinasanay mo ang bata. Kung gutom na talaga, kahit ano kakainin nyan." Sabi ko, pero nakangiti naman ako,
"Minsan lang naman babe." Depensa nya, nakikita nya kasi na ngumunguso na naman ang baby namin, hindi pa kasi sya sanay pag sinusumpong ang bata.
We eat our dinner in silence. Gutom nga ang baby ko dahil kahit sya ay hindi dumadaldal. Magana syang kumakain ng hinimay na pork ng Dada nya.
"Mommy love, busog na baby love." Nakangiting sabi ng bata habang hinihimas pa ang tyan.
"Dada, swim po tayo?" baling nya sa kin.
"Baby love, gabi na kasi, bukas na lang tayo ng morning mag swim? Laro na lang muna tayo sa bahay" mabilis kong sagot pero sa Dada nya padin sya nakatingin at inaabangan ang isasagot sa kanya.
"Pero Dada, wala naman po akong dalang toys." Pangangatwiran ng bata habang nagpapaawa noong hindi agad nakasagot si Franco dahil sinamaan ko ng tingin.
BINABASA MO ANG
Tsina: The 15M Wife
General FictionA marriage for convenience that is not convenient at all.