Ven and Zandro stayed for three days tapos ay kinailangan na nilang bumalik ng Manila for Ven's monthly check up schedule, unlike me, maselan ang pagbubuntis ng isang iyon, medyo mahina daw ang kapit ng bata kaya kailangan ng matinding pag-iingat. Mauuna syang manganak sa akin ng almost two months. Binilinan ko din si Zandro na alagaan nyang mabuti ang asawa nya at wag na nyang binibigyan ng stress.
"Ingat na ingat nga ako dyan eh, wala ka pa naman sa paligid kaya hindi ko alam kung anong mangyayari pag ginalit ko yan."
"Sa bahay na sya nagwowork babe para iwas trouble." Singit ni buntis
"Okay na din yun para mas mabantayan kita." Sagot ni Zandro, napatango tango naman ako. Mabuti naman at okay lang sila. Zandro is taking real good care of her. Isiniksik ko sa sulok ng puso ko ang inggit na nararamdaman ko. I also want to feel how it's like to be taken care of by the father of my child. I want to know what he'd do pag pinaglalaruan ni baby ang hormones ko. I want to see him puyat pag may pinahanap akong kakaibang pagkain sa kanya dahil nagkicrave ako, but I know, I lost my chance of feeling those because I chose to be alone in this. I choose the life I am living now because I don't want to get hurt anymore if I stayed. I don't want to risk my child's happiness.
"Babe you're spacing out." Zandro noticed, Sabay pitik sa ere malapit sa mukha ko para makakuha ng atensyon.
"You guys were saying something?" nabigla kong tanong.
"Hindi nga nakikinig. Sabi ko dalawin mo ako pagkapanganak mo."
"Baby baka mabinat si Tsina non."
"Dumalaw kayo ulit dito pagkapanganak mo babe."
"Pero hindi pwede sa chopper pag new born diba?" nakangusong sabi ni buntis
"I'll take care of that baby Ven, susunduin ko kayo, promise." Singit ni Andrei na umakbay pa sa kin. Nagliwanag naman agad ang mukha ni Ven sa narinig nya. Alam nya kasing pag si Andrei ang nagsabi ay tinototoo nito. Mas naniniwala pa nga yan kay Andrei kesa kay Zandro eh. Hahahaha Wala pa daw kasing sinabi si Andrei na hindi nito tinupad.
"We'll go now. You take care here A'right?" Paalam ni Zandro, I nodded and kissed them both on the cheeks. Ganun din ang ginawa ni Andrei pero syempre, kay buntis lang, baka masapak sya kung pati si Zandro. Hahaha. I just waved them goodbye at noong tumaas na ang chopper ay pumasok na kami.
Days passed at napakibagayan ko na ang nararamdaman ko. Naiiwasan ko na din isipin ang mga what ifs and what could have been ko. Andrei really did helped me a lot. Sya lahat ang gumagawa ng mga bagay na dapat ay ang tatay ng anak ko. Yes, nakasanayan ko na syang i-regard as tatay ng anak ko, ayoko kasing marinig ang pangalan nya, paano pa kaya pag sa sarili ko maririnig di ba? I might go crazy kung hindi pa man!
***
Nagluluto ako nang makaramdam ako ng pananakit ng tyan.
"Ahhhhhhhhhhhh Andreeeiiiiiii!" Tili ko sa sobrang sakit. Nabitawan ko na din ang sandok na hawak ko. Naisip ko din na patayin ang gas stove na basta ko na lang inikot ang regulator. Hindi yung stove ang pinatay ko sa sobrang taranta sa sakit na nararamdaman ko.
"Babe what happened? Bakit dyan ka umihi?" He asked, confused.
"Idiot! My waterbag broke! Manganganak na ak.. ahhhhhhhh!"
"What? Why?" natataranta nyang sagot, sinamaan ko lang sya ng tingin.
"I mean, kukunin ko yung gamit nyo ni baby! Ay mali, yung susi pala ng kotse dahil nandoon na ang gamit nyo." At saka nagmamadaling umakyat. Pababa na sya noong mapasigaw ulit ako sa sakit at nagulat sya kaya nabitawan nya ang susi at lumapit agad sa akin?
BINABASA MO ANG
Tsina: The 15M Wife
General FictionA marriage for convenience that is not convenient at all.