TSINA
Noong marinig ko ang sasakyan ni Franco na dumating galing sa paghahatid sa Papa at Lolo nya ay iniwan ko ang natutulog naming anak para bumaba. Seryoso ako na mag-uusap kami ng masinsinan. Hindi ko talaga nagustuhan ang ginawa nya kanina at ang nalaman kong ginawa nya nung nawala ako.
"Oh, bakit nandito ka pa? Hindi mo pa sinamahan magpahinga ang anak natin?" bungad nya pagkapasok palang sa pinto at saka madaling nilapitan ako at hinalikan banda sa sintido ko. I find it sweet but I need to focus on what we are about to talk.
"Hindi ba sabi ko sayo mag-uusap tayo?" sagot ko at saka hinarap sya
"Babe, kung tungkol kay Mama, please, drop it. Pagod ako at alam kong ganun ka din." Bakas sa mukha nya ang pagod pero kung hindi namin to pag-uusapan ngayon, malamang, malilimutan na namin to.
"Yes, tungkol sa Mama mo and No, I will not drop it. Tama ka, pareho tayong pagod pero Mama mo naman ang pag-uusapan natin." Malumanay kong sagot
"There's nothing to talk about her really babe." nag-iiwas ng tingin na sabi nya.
"Kailan mo pa sya hindi kinakausap? Gaano na katagal?" derechong tanong ko para may masimulan kami dahil puro pag-iwas lang ang isinasagot nya.
"Almost four.. five years?" patanong din nyang sagot, ni hindi nya matandaan kung kelan nya huling kinausap ang Mama nya.
"What? Natiis mo ang Mama mo ng ganun katagal? Bakit?" gulat kong tanong, tinitigan muna nya ako ng matagal na para bang alam ko ang sagot sa sarili kong tanong bago sumagot.
"Dahil sayo. Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras tumagal na pala ng taon." Napayukong sagot nya
"My God Franco! Hindi mo namalayan? Ano yun? Nakalimutan mo ng ilang taon na may Mama ka?" hindi ko napigilang mapasigaw.
"Hindi ko namalayan dahil naging busy ako sa paghahanap sayo nung mga sumunod na araw, linggo at buwan! Hindi ako umuuwi sa bahay, sinubsob ko ang sarili ko sa trabaho para kahit papano makalimutan kita. At ayokong makita sya dahil nagpapaalala lang yon kung bakit wala ka at miserable ako." Nasasaktan ako sa sinabi nya, it was partly my fault, noong time na yon, hindi lang pala ako ang nawala sa kanya, tinanggalan din nya ang sarili nya ng isang magulang.
"Franco, sa ilang taong yun, hindi mo man lang naisip na kausapin ang Mama mo? Ano ba naman yung ginawa nya sa atin kumpara sa ginawa nya sayong pagpapalaki?" Nahihirapan kong tanong, Nanay na din ako ngayon at siguro, gusto lang ng Mama nya kung anong best para sa anak nya. At nasasaktan ako na hindi man lang nya matawag ng Mama ang Mama nya, he refers his mom as "her" ang "sya"
"Hindi mo ako naiintindihan, hindi ikaw ang nasaktan nya nung araw na yun." Matigas nyang sagot
"Hindi lang ikaw ang nasaktan nung araw na yon, sa ating dalawa, ikaw dapat ang mas makaintindi sa kanya dahil ikaw ang anak!" tumataas na naman ang boses ko, nararamdaman ko kasing ayaw pa din nyang kausapin ang Mama nya.
"Siguro nga, parehas tayong nasaktan, pero iba yung sakit dito" sabi nya sabay turo sa kaliwang dibdib. "Hindi mo alam kung gaano kasakit na, yung buong buhay mo nagprotekta at nag-alaga sayo, yun pa pala ang mananakit ng todo sayo. Hindi mo alam yung pakiramdan na yung iniisip kong magko-comfort sa akin dahil nasaktan mo ko ay siya pa ang mananakit sa akin. Doble. Doble yung sakit ko nun. Pero Hindi nyo alam yun" sabi nya at saka ako iniwang natutula. Hindi ko alam na ganun kalalim ang sakit na naramdaman nya nung inakala kong ako lang ang nasasaktan. Pero nanay na din ako noon at katulad ng nanay nya ay gusto ko lang din protektahan ang anak ko. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak ng tahimik dito sa couch. Habang tumatagal ay inti-unti kong nalalaman ang damage ng pabigla-bigla kong desisyon noon. Oo, may kasalanan ang Mama nya pero kung marunong akong makinig at naging matapang lang sana ako. Ang daming Sana.. Sana ganito, sana ganyan.. Puro Sana..
BINABASA MO ANG
Tsina: The 15M Wife
General FictionA marriage for convenience that is not convenient at all.