39

12.6K 288 0
                                    

TSINA

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal umiiyak sa dibdib ni Franco, ang alam ko lang, hindi maubos-ubos ang luha ko. Parang kulang yung luha ko sa mga dahilan na dapat kong iiyak. Ang laki ng kasalanan ko kay Franco at sa pamilya nya, pati ang anak ko, dinamay ko at may isang bata pang inosente na nadamay.


Nakagawa ng malaking kasalanan ang kapatid ko dahil sa ginawa ko. Yung hindi ko pakikinig o pagbibigay ng chance kay Franco to explain did a lot of damage. I wasn't thinking coherently that time. Ang inisip ko lang ay ang sarili ko at ang sakit na  nararamdaman ko at ang baseless fear ko sa sakit na pwedeng mararamdaman ng anak ko. I was so selfish back then. Paulit-ulit akong nagsosorry kay Franco habang umiiyak sa dibdib nya.


"Hush babe, ang kasalanan mo lang ay yung hindi ka nakinig, which is understandable that time kasi nasasaktan ka,  and the rest is my family's fault." Bulong nya sa akin habang marahang hinihimas ang likod ko.


"No, kung nakinig s-sana a-ako sayo, sana ay na lessen yung damage, at h-hindi g-gagawin ni Andrei ang ginawa nya." Paputol-putol kong sabi in between my sobs. Naunahan kasi ako ng sakit at takot nung time na yon.


"No babe, the problem is on us. Alam mo bang hanggang ngayon ay hindi pa kami gaanong nag-uusap ng Mama dahil sa ginawa nya?" May sasabihin sana ako noong bigla kaming parehas na napatayo dahil narinig namin ang iyak ng anak namin na nasa puno ng hagdan.


"Mommy love... huhuhu.. Mommy love!" agad syang inakyat ni Franco at saka kinarga pababa, naalimpungatan siguro, nahuli nya akong nagpupunas ng iyak.


"Mommy love, are you crying too?" he sobs again while hugging me.


"No baby love, napuwing lang si mommy." Pagpapalusot ko pero hindi ata sya naniwala dahil nilingon nya ang Daddy nya at saka sinimangutan.


"Pinaiyak mo ba ang Mommy  love ko Dada?" parang matandang bintang nya sa Daddy nya. Nanlaki naman  ang mata ni Franco at saka mabilis na sumagot.


"No baby, tears of joy yan! Masaya si mommy love kasi uuwi na tayo sa bagong bahay natin." Pagpapalusot ni Franco at saka nagpapasaklolong tumingin sa akin.


"Talaga po? Doon sa may bahay natin na may malaking swimming pool?" biglang nagbago ang mood ng baby namin. Nasabi na pala nya. Hindi pa kasi naiikot ni Franz ang bahay ko kaya hindi nya alam na may swimming pool din kami dito. Nasa rooftop kasi yon kaya hindi makikita kung hindi aakyatin.


"Yes baby, tuturuan kitang mag swim diba? So ano? Uwi na tayo doon?"


"Mommy love..." bulong ng anak ko sa akin. Hinihintay ang pagpayag ko


"Opo, uuwi na tayo doon, now na." And my son beamed at me.


"Kukunin lang ni Dada ang gamit ni mommy love at baby love para makauwi na kami" masiglang sabi ni Franco at saka nagmamadaling umakyat sa kwarto at kinuha ang mga bag naming na inayos kanina.

Pagkarating namin sa bahay ay excited na bumaba ang mag-ama, karga ni Franco ang bata na nililibot ng tingin ang paligid.

Tsina: The 15M WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon