27

12.7K 276 6
                                    

Certain people just cannot resist being angry or mean or hurtful. Our world is full of these folks and there's nothing you can do to avoid them, except...avoid them.  -unknown 

***

“Nakaka inggit naman, partner partner pala dito, dapat nagdala din ako ng akin” bungad ni Andrei sa amin pag pasok nya, may bitbit sya na dalawang paper bag na puro pagkain at inilapag iyon sa lamesa at naupo sa harap namin sa couch.

“Baka may dadalin?” pambabara ko, saka tinaasan sya ng kilay, well alam naman nyang off limits sa bahay ko ang mga flings nya, knowing him, wala yang babaeng sineseryoso, sabi nga ni Venisse, Playboy of the Century sya.

“Eh pag may nadala ako?” panghahamon pa nya.

“You know my rules Ands.” Biglang seryoso kong sabi, mukhang may gusto talagang dalin ang loko, and that’s his way of getting my permission.

“Yeah, yeah.. Hindi ko nakakalimutan. Kuntento na kami sa condo ko” ngingisi ngising sabi nya sabay kindat kay Franco, now, what was that? Parang may alam silang dalawa na hindi ko alam pero pag lingon ko kay Franco, mukha namang wala din syang alam.

“Siraulo ka! Bakit ka nga pala nandito?” tanong ko

“Tinawagan ako ni baby Ven eh, pinabili nya yang mga yan, tapos sabi nya andito nga daw sya, kaya dito na ko tumuloy.” paliwanag nya, uh, okay, basta talaga si Ven ang nagsabi, daig pa ang express service sa bilis sumunod eh. Hindi pa kasi umuuwi yung mag-asawa eh, at home na at home dito, not that I mind, pero kasi may mansion naman sila eh, tapos di nila ginagamit, mas madalas pa ata sila dito sa bahay. Hindi mapakali tong mag-asawa na to.

“Kelan nga pala ang alis mo?” pag-iiba ko ng usapan ng maalala ko na tumatagal na sya sa Pinas. He’s usually outside the country.

“Hintayin ko pa manganak si baby Ven bago ako umalis ng bansa” sagot nya, but I know better, he’s just kidding, ewan ko ba, allergic sa Pinas yan eh, hindi tumatagal ng isang buwan dito yan pero three weeks na to dito kaya malamang bigla nalang mawawala to dito, kilala ko to, hindi to makakatiis.

“Tignan natin kung mahintay mo.” Hamon ko sa kanya

“Sabi ni baby Ven, gusto daw nya dito lang ako eh, alam mo na.” naka ngisi nyang sabi,

“Hoy, kung makapagsalita ka parang wala ako dito ha! Parang ikaw ang tatay ng anak naming ah?” hindi na nakatiis na sabat ni Zandro while hugging Ven possessively na akala mo may biglang aagaw sa asawa nya, eh alam naman nyang inaasar lang sya ng siraulo kong kapatid. Natawa na ako, pikon talaga.

“Ikaw nagsabi nyan pare, saka asawa mo naman ang may gusto nun, I’m just wiling to oblige” sagot ng bwisit kong kapatid na ayaw tumigil sa pang-aasar.

“Eh babe, gusto ko talaga yun, wag mo sya awayin, baka umalis.” Lambing na bulong ni Ven sa asawa nya, now, I’m confused kung sino talaga ang pinaglilihian nya o baka trip lang din nya asarin si Zandro.

“Fine!” napipilitang pagpayag ng pobreng asawa nya. Hindi ko na napigilan, natawa na ako ng malakas, tapos si Franco, natawa na din, nagpipigil lang pala ng tawa kanina, yung kapatid ko naman, akala mo nanalo sa lotto kung maka ngisi, sinamaan naman kami ng tingin ni Zandro bago nagsalita

“Pag si Tsina naman ang naglihi, ako naman ang tatawa sayo Franco, at ikaw Andrei, humanap ka na ng aanakan mo para hindi ka nakiki asawa sa akin.” Pikon na pikon nyang sabi, habang natahimik naman ako bigla sa una nyang sinabi, nararamdaman ko pang nag-init ang mukha ko, si Andrei, sa amin na ngayon nakatingin habang naka ngisi pa din kay Franco na may malaking ngiti sa labi na ikinatuwa ata ang sinabi ng pikon na si Zandro.

Tsina: The 15M WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon