8

14.4K 341 1
                                    


Ilang araw na ang nakalipas, nandito na ko sa office. Nasundan pa ng ilang beses yun inuman namin sa bar kaya laging masakit ang ulo ko, nasobrahan sa inom, panigurado si Mark na naman nag uwi sakin, lagi naman ganun eh. Sanay na sya sakin hahaha, ang lakas kasi ng tolerance nun sa alcohol, tinatamaan pero never pa ata nalasing yung ugok na yun, tapos kung dati, pinagtutulakan nya ko mag flirt, ngayon, walang makalapit sakin, hinaharang nya, mas loyal ata to kay Tsina kesa sakin, pero maiba tayo, hanggang ngayon di pa din mawala sa isip ko yung problema nya, may alam kaya si Tsina dun? Kaaalis lang naman nya dun eh, di kaya nya napapansin na may anomalyang nangyayari sa company ni Mark? Matawagan nga, medyo bothered talaga ako eh. Sa cellphone ko na sya tatawagan para di na dumaan sa PA nya yung tawag ko.


-TSINA-


"Hey let's have lunch together Tsin." Franco said on the other line pagkasagot ko palang ng phone.


"Hey! I'm good! How are you too?" sarcastic kong sagot.


Di ko napigilan na di maging sarcastic, the way he said it, parang utusan lang nya ko ehh. "Let's have lunch at La Briza" sabi nya, not minding my sarcasm.


"Wow bigtime! Yaman talaga. Hahaha" sabi ko, well La Briza is a famous restaurant that caters big time business personalities.


"Labas na dyan, I'm waiting for you here at the parking." Sabi nya, then he hung up, pagkakaba ko,  there he is, leaning sexily on his car, lakas talaga ng sex appeal nitong mokong na to. People are giving him second look.


"So what's with today?" diretcho kong tanong, I know, may kailangan sakin to kaya biglang nag-aya, matagal din syang di nagparamdam eh, busy siguro.


"Just want to ask you something about Mark, medyo worried kasi ako sa kanya eh." Sabi nya na nakapagpakunot ng noo ko.


"What about Mark? May sakit ba sya or something?" medyo worried na din ako. Busy ako eh kaya di ko sya gaano nakakausap, hindi din naman sya tumatawag sa'kin. Pinaandar muna nya yung car nya bago sya sumagot.


"No, he's not sick or anything that's got to do with health, it's about his company, someone is trying to bring the company down, he's losing most of his best  deals these past few days sabi nya may nag li-leak daw ng mga information sa kalaban nyang company, meaning may mole dun, and may nagmamanipulate din ng investigation. PA nalang daw nya ang napagkakatiwalaan nya dun sa ngayon." Mahabang kwento nya.


"So nasaan pumasok yung tanong mo sakin dun? Tanong ko sa kanya,


"Noong nandoon ka pa, wala ka bang napapansin na kakaiba sa mga kinikilos ng mga tauhan nya dun? I mean something na kahina-hinala?" tanong nya.


"Franco, bakit kailangan mong makielam dun? I'll talk to Mark nalang. Alam nya ang gagawin dun" Sagot ko.


"Sa tingin mo kung alam nya ang gagawin aabot sa ganito? May sarili din akong problema sa company at dumagdag pa sya sa iniisip ko." inis na sagot nya.


"Exactly my point Franco! May sarili kang problema so it's better if you mind you own  problem first" I said, a bit irritated. Lakas ng loob makielam eh may sarili naman pala syang problema. Hmmmnnn, on the other hand, ano naman kaya ang problema sa company nila? I've heard in the news na maganda ang takbo ng company nila.

Tsina: The 15M WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon