*Franco*
Palabas na ako ng building ng mag ring ulit ang phone ko, sinagot ko agad yun sa pag aakalang si Tsina iyon at may nakalimutang sabihin.
"Hello Franco, dumaan ka nga sandali sa bahay at may ibibigay ako sayong importanteng papeles." - lolo
"Pero lo, may usapan kami ni Tsina, hinihintay nya ako." Pagtanggi ko
"Saglit lang ito, hindi ko lang talaga maipagkatiwala sa iba." Pamimilit ng lolo
"Sige po." Napipilitan kong sabi, at nagmamadaling lumabas na at pinaharurot ang kotse ko papunta sa bahay, malelate ako sa usapan namin ni Tsina neto eh. Pag dating ko sa bahay, hinanap ko agad si lolo pero sa kamalas malasan nakita ako ng mama! Alam kong wala na akong lusot nito.
"Oh anak! Mabuti naman at nagkusa kang umuwi dito! Tamang tama!" Masiglang bati ng mama at hinalikan ako sa magkabilang pisngi
"Ma, may pinapakuha lang si lolo sa akin, nasaan ba sya? Nagmamadali ako." Paliwanag ko sabay tingin sa oras, almost 7pm na. Mga 30 mins. Lang naman ako malelate kung titigilan ako ng mama na malabong mangyari.
"At bakit ka naman nagmamadali? It's dinner time, halika na at kumain, nasa komedor na siguro ang papa, hindi kita paaalisin pag di ka kumain dito." Pangungulit ni mama, napailing na lang ako, at sumunod sa kanya alam ko hindi ito titigil hanggang hindi nakukuha at napagbibigyan ang gusto nya.
"Lo, yung mga papeles na sinasabi mo?" Bungad ko agad pagkakita kay lolo
"Franco, mamaya na yan, kumain muna, masamang pinaghihintay ang pagkain." Pananaway ni mama. Wala na akong nagawa at umupo sa pwesto, nagulat pa ako ng mapansin na may katabi pala ako, hindi ko napansin na may bisita pala ang mama, pasimple kong kinapa ang bulsa ko para sana kunin ang phone ko at itext si Tsina na malelate ako ng konti pero wala akong makapa, naiwan ko ata sa kotse ko, di naman ako makapag paalam na kuhain iyon saglit. Nakakainis! Nakaka badtrip!
"Franco, why the serious face?" Puna ng katabi ko pero di ako sumagot, kunwari di ko narinig.
"Franco, kamusta kayo ng nobya mo?" Biglang tanong ni papa kaya bigla akong nag angat ng ulo para sana sumagot but mama butt in.
"Pwede ba, wag natin dito pag-usapan yan? May bisita tayo oh?" Inis na sabi nya.
"Inday, pakikuha nga ang camera sa kwarto at kuhaan mo kami ng picture! Minsan lang mangyari ito!" Dugtong pa nya.
"Ay tita! Dito nalang po sa iphone ko para maipost ko sa Instagram ko!" Singit na naman ng katabi ko at iniabot sa kasambahay ang phone nya. Blanko lang ang mukha ko pero nagulat ako nung bigla dumikit lalo sa akin si Pinky. Hinayaan ko nalang at nagpatuloy kumain, inabot na ako ng 8:30pm sa bahay kaya pagkabigay ni lolo sa akin ng papeles ay agad agad akong umalis ng walang paalam, si lolo lang ang nakakaalam dahil sya ang huli kong kausap. Nagmamadali akong mag drive para makarating agad sa bahay ni Tsina, at pag ka minamalas ka nga naman, matatrapik ka pa, nakita ko sa dashboard ang phone ko at doon nakita kong may missed call si Tsina, I called her back pero ring lang ng ring, nag aalala ako na baka may emergency o may nangyari kaya sya tumatawag. Kaya nung maka lagpas sa trapik ay pinaharurot ko agad ang kotse, at nang makarating ako sa bahay nya ay dali dali kong binuksan ang pinto gamit ang spare key na ibinigay nya sa akin pero ayaw bumukas ng pinto, it's as if it was locked inside! Kinabahan ako kaya kinalampag ko ang pinto nya pero sa kasamaang palad ay matibay iyon dahil gawa sa magandang materyales. Wala din akong marinig na ingay sa loob kaya ipinasya kong bumalik sa kotse para tawagan ulit sya pero hindi nya padin sinasagot. I tried Andrei's number na ibinigay nya bago umalis and luckily it's ringing! Hopefully sagutin nya.
"Hello" he answered in a husky voice, parang kagigising lang
"Andrei, it's Franco, itatanong ko lang sana kung alam mo kung nasaan si Tsina." Walang ligoy na tanong ko.
BINABASA MO ANG
Tsina: The 15M Wife
General FictionA marriage for convenience that is not convenient at all.