I'm having a luncheon meeting at La Briza when I glanced at the two couple who came in, di ko na sila pinansin, busy ako sa pakikipag usap ko, I'm all focus.
"Table for four please" said by a familiar voice that made me turn my head, Sabi na eh! Di ako pwede magkamali, boses nya yun. Yeah! It was Franco with Pinky na kung makakapit eh akala mo may biglang aagaw kay Franco, Psh! Parang tuko lang, tapos sa likuran nila si Mark na may kasamang babae na familiar sakin yung mukha, parang nakita ko na sya eh, infairness ang ganda pa din kahit nakasimangot at mukang badtrip at nanlilisik ang matang nakatingin kay Pinky.
Ughhh, don't tell me isa to sa nahuhumaling kay Franco, at naunahan sya ni Pinky kaya ganyan makatingin, sayang, ang ganda pa naman nya. Inalis ko na yung tingin ko sa kanila nung nagsalita yung ka meeting ko na pupunta lang daw sya sa washroom, I just nod and tinitignan ko lang sila Franco, medyo nasa sulok kasi yung pwesto na kinuha ko para sa ka meeting ko ngayon, yung tanaw mo yung halos buong place pero di ka pansinin, nakita ko yung kasama nilang magandang babae, nagme-make face sya kahit na sinasamaan na sya ng tingin ni Mark, Diko alam kung sila talaga yung ang nag-iinisan kasi yung pagmemake face at irap nung babae, sumasabay sa pagsasalita ni Pinky.
Ewan ko pero, kahit na possible na karibal ko sya kay Franco, parang natutuwa ako sa babaeng yun, naks, karibal talaga, hahahah, natatawa ako sa naiisip ko at the same time, naiinis ako sa nakikita kong kalandian ng Pinky na yan ha, pigilan nyo ko, sasalaksakin ko yan ng bread knife! Natigil lang yung pag usyoso ko sa kanila nung bumalik na yung client ko, the meeting went well, then nag paalam na sya na mauna na dahil may meeting pa daw sya, nag paiwan pa ko, tapos sinenyasan ko yung manager na lumapit sakin.
"Liza, the bill on that table" sabay turo ng table nila Franco na puno ng pagkain, "it's on the house, okay? At pwede pakilagyan ng lason yung inumin nung naka pink?" seryoso kong sabi, habang yung manager, nanlalaki yung mata at utal-utal na sinabi "M-ma'am? A-ano po yun?" di makapaniwala sa sinabi ko, akala nya siguro nagkamali sya ng dinig kasi mahina lang naman yung pagkakasabi ko.
"Nah, just kidding Liza, basta it's on the house okay? I'll go now." Sabay tayo at lakad palabas ng resto, making sure na mapapansin nila ako, but acting at the same time as if I didn't notice them. I know, nakita nila ako dahil narinig ko si Franco na tinawag ako, pero dire-diretcho lang ako, nung nakasakay na ko sa kotse ko, pinaharurot ko yun papuntang office, I go straight to the penthouse gamit ang private lift ko para walang maka alam na nandito na ko, I didn't bother to inform anyone na nasa penthouse ako ng building ng office namin, not even my PA knows I am here.
Ang kapal ng mukha ng Franco na yan! Busy pa sya ng lagay na yan ha! May pa miss miss at mahal mahal pa syang nalalaman pero kung sino-sinong dinedate behind my back! The nerve! Tignan ko lang kung makita nya ko. Ang walanghiyang yun! dinamay pa si Mark eh may Grace na yun! Pag-untugin ko silang mag kaibigan eh, Makita nila, kalalaking tao eh, napakalandi! Pinatay ko na din yung iphone ko, baka matrace pa ko, nagsasalitan yung pasok ng tawag niya at tawag ni Mark eh, mapudpod sana mga daliri nila kakadial! Ayoko sila kausap! Mga taksil! Kaka highblood!
Pag bukas ko ng phone, puro text ni Franco na "We're the hell are you" ang nabasa ko, nakatulog pala ko habang nag momovie marathon kanina, pag gising ko, gabi na kaya binuksan ko yung phone ko kasi baka may text sakin sila Zandro pero puro ganun lang ang message. Leche, alam palang nasa hell ako, tatanong tanong pa ang hinayupak! Nakakagigil!
BINABASA MO ANG
Tsina: The 15M Wife
General FictionA marriage for convenience that is not convenient at all.