21

12.9K 323 2
                                    


Pagpasok ko sa bahay, napakunot-noo agad ako nung makita ko si buntis na tahimik na umiiyak.


"Oh anong nangyari? Isang buong araw na di pa din ayos? Nasaan si Zandro?" I asked, annoyance is visible on my face, kaimbyerna di pa sila tapos?


"Umalis, bumili ng twister fries" nakangusong sabi nya. Sus! Pinaglilihian siguro yung asawa.


"Oh anong iniiyak iyak mo dyan?"


"Eh! Kasi eh! Si Andrei!" pasigaw nyang sagot. Napakunot lalo ang noo ko.


"Ano na namang ginawa nung Andrei na yun?" asar kong tanong, bwisit talaga yung kapatid ko na yun e, walang magawang matino.


"Umalis na sya, gusto ko sya bibili ng twister fries ko eh! Di ko naman masabi kay Zandro kasi kakabati lang namin baka mag away na naman kami." maktol nya, aba matindi tong isang to, may particular na tao na gustong bumili ng gusto nya.


"Tawagan mo nga yang Andrei na yan! Pabilin mo ng twister fries ng asawa ko!" biglang bungad ni Zandro, narinig nya. Hahaha napalingon ako sabay abot nya sakin ng isang supot ng twister fries, susme! magpupurga ba yung asawa nya sa fries sa dami na binili nya?


"Sayo na yan, yung bibilin ni Andrei ang kakainin ng asawa ko."


"No! ayokong kainin yan! Baka antukin ako!" biro ko, na sana di ko na sinabi dahil ang talim ng tingin ni buntis sa akin. Napangiwi na lang ako dahil parang iiyak na ulit si buntis, seriously? Ganun sya ka sensitive? Mabilis kong kinuha ang phone ko at nag excuse sa kanila. Para na din makatakas sa matalim na tingin.


"Wait, I'll just call Andrei to buy you your twister fries!" iwas ko at bigla syang ngumiti pagsabi ko noon, I almost roll my eyes but stopped on time dahil baka  magreact na naman sya ng kakaiba. I search for Andrei's number on my list and pressed the dial button.


"Andrei, ibili mo daw si buntis ng twister fries sa Mcdo. Gusto nya ikaw ang bibili" I said as soon as he answered his phone.


"What? Paalis na ko, chinecheck ko lang yung chopper. Bakit di yung asawa nya an bumili?"


"I don't care kung anong ginagawa mo, get your ass here with Ven's twister fries pronto! Wala ng madaming tanong, basta bumili kana, kanina pa to umiiyak dahil ikaw daw ang gusto nyang bumili ng twister fries nya! Magmadali ka." I used my authoritative tone and at the same time, sinabi ko na din ang magic words, alam kong matitiis nya ko pero hindi si Vennise.. He loves her rotten, he loves Ven to destruction, but I know better, naipagkakamali nya yung brotherly affection nya kay Ven into a romantic one. I know how much he wants a little sister, lagi nya iyong request kila mommy dati dahil mas matanda ako sa kanya at hindi naman nya ko kayang i-baby lalo na at palaban din ako, si Ven ang nakikinabang sa protective instinct nya kaya akala nya inlove na sya. Ayoko naman sabihin sa kanya ng diretsa, I'll wait until he meet his match.


"Papunta na yun dito, wait na lang natin. Akyat lang ako sandali" Paalam ko, agad namang nagliwanag ang mukha ni Vennise while Zandro looked away, ayaw ipakita sa asawa nya yung pagkaasar nya. Nag shower lang ako tapos nagbihis ng manipis na sleeveless shirt and shorts at bumaba na para magluto

Tsina: The 15M WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon