Franco
Tuloy tuloy ako sa pagpasok sa office ng kaibigan ako. Napalingon sila sakin, most probably employee nya lang tong kausap nya, she looks familiar eh, buti na lang, dahil kung investor or business partner nya to, lagot ako. I was too occupied by my anger at hindi ko na naisipan pang kumatok.
"Oh pre, aga aga nandito ka? At anong mukha yan? Nakangiting bati sakin ni Mark kaibigan ko..
Tumingin ako sa ka meeting nya na mukhang nakahalata naman at nag paalam ng lumabas.
"Pre, ayoko sa lahat ay yung pinangungunahan ako sa mga desisyon na ako dapat ang gumagawa." Dire-diretso kong sabi pagkalabas nung babae at saka padabog na naupo sa binakanteng upuan ng kalalabas lang na babae.
"Oh bakit? Pinapakialaman ba kita? Anong pinapangunahan pinagsasasabi mo?" Nagtatakang tanong nya. Akala nya siguro sa kanya talaga ako galit.
"Tado pre, di ikaw, sila lolo at papa. Damn, ako ang mag papakasal pero sila ang magdedesisyon?" inis na sagot ko at kung di lang ako seryoso, mapapatawa ako sa reaksyon nya. Biglang napatayo, nanlalaki ang mata at napasigaw pa.
"ANO? Bakit daw? Arranged marriage? Uso pa ba yun pre? Anung nakain nila tito at lolo para maisip at ipagawa nila sayo yan? Kelan nila sinabi?" Sunod sunod na tanong nya.
"Di ko alam pre, dipa nila sinasabi sakin yang lintik na balak nila. Narinig ko lang na pinag-uusapan nila kagabi sa study." Seryoso kong sabi.
Ano nga ba yung narinig ko na pinag uusapan nila?.
Flashback
Lolo: Matanda na si Franco, he needs a family of his own. Kailangan na nya gumawa ng sarili nyang pamilya. Para sa kumpanya at para na din sa sarili nya.
Dad: Pa, hindi ganun kadali yun, nag eenjoy pa sya sa pagka binata nya.
Lolo: Hindi ko naman sya mamadaliin, bibigyan ko sya ng sapat na oras. Hindi ko naman sya ipapakasal ng biglaan sa kung sino. I don't want to call it arranged marriage because I am giving him the chance to choose a girl to marry. Matatawag lang tong arranged kung magmamatigas sya.
Dad: Paano naman natin sya mapapapayag dyan? Magagalit yun pa.
Lolo: Well, I'll give him three choices, one: to marry a girl of his choice; second: lose his inheritance or third: I'll be the one to pick a wife for him.
End of flashback
"Grabe pare, anong pumasok sa isip ni lolo? Dahil lang sa kumpanya nyo? So unlike him." Said Mark after ko ikwento yung narinig ko.
"Di ko alam pre, I know he's a manipulator, pero sa kumpanya lang yun, di ko akalain na pati ako gusto nya kontrolin." nanggigigil kong sagot.
"Anong balak mo pag sinabi na ni lolo sayo yung balak nya?" Tanong ni Mark.
BINABASA MO ANG
Tsina: The 15M Wife
Ficção GeralA marriage for convenience that is not convenient at all.