Yung sinabi kong bababa ako ng dinner ay hindi nangyari dahil ng magising ako ay maliwanag na. Nagising ako na kumakalam ang sikmura o parang hinahalukay kaya mabilis akong bumangon at pumunta sa bathroom. I sat on the tiled floor and tried to vomit pero dahil nga sa wala naman akong kinain kagabi ay wala akong mailabas na lalong nagpasakit sa tyan ko at nagpasama sa nararamdaman ko. Agad akong nagmumog, nag-ayos at bumaba upang makakaain. Mas mahirap kasi magsuka ng walang laman ang tyan at isa pa, baka nagugutom na din ang anak ko. Silly me, alam ko namang fetus pa lang sya, but still, ayoko pa din magpagutom. Mabuti na lang at gising na si manang at nakapagluto na din ng almusal. Lalong kumalam ang tyan ko ng makita ko ang sinangag, tapa, at itlog na pulang madaming kamatis na nakahain, idagdag pa ang umuusok pang tsokolate. Alam na alam talaga ni manang ang gusto kong kainin sa umaga.
"Magandang umaga po manang" bati ko sabay halik sa sintido nya.
"Oh hija, hala, kumain ka na. Hindi na kita ginising kagabi at mukhang masarap ang tulog mo." Paliwanag nya at saka ipinaghila pa ako ng upuan at nagsalin din ng tsokolate sa tasa ko bago naupo sa tabi ko.
"Salamat po. Kain na din po kayo, sabayan nyo ako." Aya ko sa kanya habang kumukuha ng ulam.
"Tapos na ako ineng, alam mo namang hindi nakakakain ang tatang mo ng hindi ako kasabay. Kuu! Mamamatay ng maaga ang matandang yun kung wala ako." Natatawang sabi ni manang. Sumasama kasi si Tatang - ang asawa nya sa mga naghaharvest ng saging, buko at manga dito sa farm. Yun ang ikinabubuhay ng mga tao dito pero ang dalawang matanda hindi naman kailangan magtrabaho dahil sa pera, dahil sinisigurado naman ni Andrei na hindi maghihirap ang mag- asawang matanda ditto, nagpipilit lang silang gumawa ng kung ano-ano dahil ikamamatay daw nila ang kawalang ginagawa. Nakitawa na din ako. Hanga ako sa mag-asawang ito, walang araw na hindi nagtatalo kahit sa maliliit na bagay, parang aso at pusa. Pati channel ng television, presidente ng pilipinas, kulay ng apple mango, kapeng barako at krema, name it, kaya nilang pagtalunan, pero ni minsan, hindi sila naghiwalay, o nagloko man lang ang tatang kahit na hindi naman sya kahit minsan nanalo kay manang. Kitang kita mo ang pagmamahalan nilang dalawa. I wanted a love like this. Sila yung isa sa mga dahilang kung bakit ako patuloy na naniniwala sa love. May mga pagkakataon din na nag-aaway sila pero hindi tatagal ng oras ay okay na sila.
"Hija, tumawag nga pala si Andrei kagabi pero noong sinabi kong natutulog ka na ay hindi ka na pinagising at tatawag nalang daw ulit." Putol nya sa pag-iisip ko.
"Ganon po ba? Pakisabi po pag tumawag ulit ay maayos naman po ako." Sagot ko bago sumubo
"Kayo bang magkapatid ay may hindi pinagkakasunduan? Aba'y dadalawa na lang kayo tapos mag-aaway pa kayo?" May himig pag-aalalang tanong nya
"Nako manang, hindi ho kami nag-aaway" natatawa kong sagot
"Oh e anong problema nyo? Tila ayaw mo syang kausapin? Kilala ko kayong dalawa, hindi kayo makakapagkaila sa akin. Dulo pa lang ng buhok nyo, kilala ko na. Mukhang galit na galit si Sean (Andrei's real name)." Mahabang litanya ni Manang
"Manang hindi ho sa akin galit 'yon. Huwag ho kayo mag-alala at hindi kami mag-aaway" sagot ko, pagkalunok ng nginunguya ko.
"Ako'y nagpapaalala lamang, para ko na din kayong mga anak"
"Opo Manang, alam ko po iyon. Salamat po."
"Oh sya, ako'y maglilinis muna ng paligid. Mag-usap kayong dalawa at ako'y nababahala, bihirang magalit ang isang yon, dahil sa inyong dalawa, sanay akong sya ang maloko at ikaw ang nagsesermon sa kanya." Aniya sabay tayo at labas ng kumedor. Pagkatapos kong kumain ay ako na ang tumawag kay Andrei, isang ring lang ay sinagot na nya agad.
"Hey? You okay? Do you need anything? I was about to call you." Parang natatarantang tanong nya.
"Am fine kuya and I need nothing" I mocked him
BINABASA MO ANG
Tsina: The 15M Wife
General FictionA marriage for convenience that is not convenient at all.