11

12.1K 308 0
                                    

Warning: Medyo SPG


"Hello cess, any updates?" tanong ko agad pagsagot palang nya sa phone.


"Almost done na, yung ikakasal na lang ang kulang." Pabiro nyang sagot.


"Seriously? That fast? Update lang hinihingi ko ah!" tuwang tuwa kong tanong


"Yeah, alam mo naman kung gaano kabilis kumilos ang pera, I'll reimburse it to you after the wedding na lang." sagot nya,


"No problem, kahit mag over price ka pa, singilin natin si Zandro ng mahal." Biro ko sa kanya, pero totoo, sisingilin ko talaga si Zandro, pwede ko sana sagutin na lang kaya lang ininis nya ko sa atraso nya kay Ven, kaya pagbabayarin ko sya.


"Hahaha sabi mo yan ahh, anyway, you might want to see the venue baka may ipapadagdag ka pa sa details." Sagot nya.


"Yes, yun nga sasabihin ko, naunahan mo lang ako, I'll call you kung kelan, ipapalinis ko pa kay paola yung sched. ko. Bye." Sagot ko sabay paalam na din dahil may tumatawag sa mobile ko, and it's Zandro.


"Hey Tsin, Zup?" bungad nya pagka sagot ko ng phone.


"I'm good, ano balita? Kamusta si Ven?" pangungumusta ko.


"Okay naman sya, Papunta kami kila mommy bago umuwi jan, pero balak ni Ven magpaiwan doon at mauna na ko umuwi, pumayag naman ako, para mas mapaghandaan ang wedding namin at para na din ayusin yung problema. Nandyan na ko ng Tuesday morning tapos sabay sabay na daw sila ni mommy sa Friday morning ang dating" Mahaba nyang paliwanag


"Uh, okay so Tuesday morning may meeting tayo then afternoon, let's check the venue baka may gusto ka pa ipagawa at ipadagdag, sinasabi ko sayo, wala kang karapatang mamahinga Zandro, hawak ko na yung big project tapos pati wedding mo ako pa din, kung sana ba simple lang gusto mo, eh grand church wedding pa naman." Dire-direcho kong sermon sa kanya, nyaaaaaahh I feel old.


"Chill lang Tsin, I know kaya ka ganyan kasi galit ka sa nangyari, aayusin ko yun promise! And yes, walang pahi-pahinga 'to hanggang sa matapos ang wedding." Paawa nyang sagot. Leche! Akala nya maaawa ako sa kanya!


"Nandyan na eh! Wala na tayo magagawa, basta ayusin mo yan! Kung hindi ka ba naman kasi aanga-anga, at marunong kang sumunod sakin, eh di sana..."


"Hey! Hey! Kala ko ba aayusin nalang? Bakit nagagalit ka na naman?" putol nya sa sasabihin ko. Grrrrrr nanggigigil talaga ako pag si Ven ang concern eh!


"Whatever! Hang up na, ayaw kita kausap. Nakaka leche lang." sabay end ng call, nabibwisit lang ako sa pinag-uusapan namin. Tatawagan ko na lang ulit si Cess.


"Hey cess, Tuesday afternoon, iche-check namin ni Zandro yung venue. Got to go, Bye." I ended the call as soon as I finished talking. Nabago bigla yung mood ko, ang harsh ko ba? Well, naiintindihan na yun ng kausap ko, mas harsh pa ko jan dati. Yung tipong ayaw nila sana sagutin yung phone pag ako tumatawag pero wala sila choice because malalagot sila sakin.

Tsina: The 15M WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon