"I'm going to Singapore and will be staying there for a week" paalam ko sa kanya while having dinner, he frown at me as if I said something wrong, nilunok nya muna yung laman ng bibig nya bago sumagot.
"Anong gagawin mo don? Bakit ang tagal?"
"Business. Matagal naba yung one week? Pinakamabilis na nga yun eh?" Takang tanong ko, for sure he knows that, afterall, he's a businessman himself. Lalo na kapag malaking investment ang pinaguusapan, mas mahaba talaga ang deliberation nun panigurado.
"Eh bakit ikaw ang pupunta? Bakit hindi si Zandro?"
"Because his wife is pregnant, Ven can't travel and Zandro isn't willing to leave his wife alone here." I reasoned out as if explaining something to a child.
"But Ven can stay with you for a week like the last time right?" He asked again
"What is your problem with me going to Singapore Franco?" I asked pissed.
"And besides, I am not asking for your permission, I am just informing you." I added. Anong akala nya? Mababawalan nya ako? Akala ba nya he can order me around? Did he think he can control me just because we have a f*cking relationship? This is the reason why I don’t want any relationsip with anyone.
"Fine! I was just asking! Hindi na ba ako pwedeng mag tanong? One week yun eh, kahit na alam kong normal sa business yun, eh sa mamimiss kita? Bawal na din ba yun?" He said then stormed out of the dining room. Natulala ako. Okay, inaamin ko, mali ako sa huli kong sinabi, di ko dapat sinabi yun. And I misunderstood him. Mamimiss lang daw nya ko kaya sya madaming tanong. Wala sa sariling napangiti ako mag-isa doon. Iniligpit ko muna yung lamesa bago ako sumunod sa pag akyat sa kwarto. He's in a bathroom right now kaya naisip kong sa kabilang kwarto nalang mag shower para mabilis. Hindi ko alam kung nagmadali lang ba akong mag shower or matagal lang talaga sya sa bathroom dahil mas nauna pa akong natapos at naghintay pa saglit bago sya lumabas. Whew! I almost whistle, buti nalang napigilan ko. Damn, he looks so sexy with just my towel on. Water still dripping from his hair to his chest. Pasimple kong hinawakan yung gilid ng labi ko dahil baka may tumutulong laway na. Nakakapanuyo din ng lalamunan. Hahaha joke lang..
"Like what you see?" He asked in a masungit tone saka naupo patalikod sa akin sa kama. Uh ohh.. Mukhang hindi nadaan sa shower yung init ng ulo nya. I went near him and put both my hands on his shoulder.
"I'm sorry." Sabi ko saka itinukod ang baba ko sa balikat nya, ang mga kamay ko ay nasa braso na nya. Tumango naman sya.
"Sorry din, it is just that.. I wanna come with you but it is so frustrating that I can't. My hands are tied with lots of work load" he explained.
"Yeah, I know, madami kang trabaho plus ilang araw ka pang hindi pumasok so tambak na talaga. You'll be busy naman for the week kaya hindi mo mamamalayan nandito na ulit ako" pagkonsola ko pa sa kanya.
"Baka lalo kamo ako walang matrabaho kakaisip sayo." Medyo naka ngiti na nyang sagot. Ganun padin ang pwesto namin, nagustuhan ata ng mokong pero ako ngawit na kaya umayos ako ng upo sa tabi nya.
"Tapusin mo lahat ng dapat mong tapusin para pagbalik ko we can go out of town. Kahit sa Batangas or Quezon lang. Yung pwedeng one or two days lang tayo mawawala." I suggest. Pansin ko kasi wala kaming gaano bonding. Lagi lang kaming bahay, kain sa labas pag tinatamad magluto, sa kwarto pag sexy time. Hahaha yes! Sa kanya ko natutunan yan. Yun ang tawag nya eh, nung una medyo naiiskandalo pa ako pag sinasabi nyang magsesexy time daw kami pero dahil sa manyak tong kasama ko, nahawa este nasanay na din ako.
"I like the idea, sige, pagbalik mo, sa Batangas nalang tayo. Have you been to Taal Lake?" Tanong nya saka inakbayan ako.
"Taal? Di ba sa Tagaytay yun?" Takang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Tsina: The 15M Wife
General FictionA marriage for convenience that is not convenient at all.