Our First And Last Kiss

124 9 1
                                    

Our First And Last Kiss written by Chologsabogsa

Siguro nga napaka-gago namin ng mga kaibigan ko para mantrip araw-araw sa mga kaeskwela. Pero anong bang pakialam namin? They're just nothing but a trash para sa amin ng mga kaibigan ko. And besides last school year na ito as a high school student so we need to enjoy and trip more para makagawa kami ng mga memorable things katulad ng mga kalokohan namin nuon nila Aries at Alvin. Hanggang ngayon pa rin naman.

Sabay-sabay namin binuhusan ng glue yung upuan ng kaklase namin. Natatawa pa kami habang ginagawa iyon. May mga iilang napapatingin sa amin at takot lang nila kung magsusumbong sila. Para na rin sila nagtraydor sa hari.

Wala pang Teacher kaya napag-diskitahan namin yung kaharap naming upuan sa pangunguna ko. Hindi na ako makapag-antay na maupuan ng kaklase namin ang upuang yan. We act na akala mo walang nangyari ng pumasok na ang kaklase kong taken sa seat na 'yon. Siniko ko si Alvin para patigilin sa paghagikgik, parang hindi na kasi nya matagalan na hindi tumawa. Magkakatabi kaming tatlo at nasa gitna nila ako.

Sabay-sabay kaming humagalpak ng tawa matapos upuan ng kaklase namin yung upuan. Tinuturo pa namin sya at hindi alintana ang mga matang tumitingin sa amin. Tinignan ko ang mga 'yon at halos sabay-sabay rin nagiwas ng tingin. Mga takot naman pala. Walang kwenta.

Napatingin sa amin yung kaklase naming lalaki, yung napaupo sya. Napansin nya siguro na parang may mali sa mga nangyayari. Hinawakan nya yung pwetan atsaka tinignan yung palad. Lalo namin nilakasan yung pagtawa, ito yung mga bagay na nakakapag-pasaya sa amin. Nageenjoy kami sa ganito, hindi naman kasi namin sila kaibigan kaya wala silang halaga sa amin. Tumayo yung lalaki at sakto namang pagpasok ng Teacher.

"Ma'am! Nireregla oh!" Natatawang tinuro ni Alvin ang kaklase namin. "Dinatnan ka brad!" Nakuha pang biruin ni Alvin yung lalaki. Takot naman syang tumingin sa amin at nagmemake face kami at pinaparating namin na subukan lang nya kami sisihin. Malalagot talaga at hindi lang yan ang aabutin nya.

Tumingin na lang sya sa Teacher "May naglagay po ng glue sa upuan ko ma'am" parang maiiyak pa ito.

Tumingin ang Teacher sa buong klase. "Sinong naglagay?" Tanong nito sa aming lahat. Walang nagtangka dahil lahat takot. Sigurado ako ron. Takot lang nila sa amin lalo na kay Aries, kilalang siga pa naman ang kaibigan ko.

Napabuntong-hininga na lang ang Teacher "Magpalit kana lang" utos nya sa kaklase namin. May ideya na yan si Ma'am na kami 'yon kaya lang hindi nya kami pwedeng sisihin dahil walang evidence.

"Wala po akong baong pants." Napayuko pa ito at halatang kabado.

"Hindi kona problema 'yon"

"P-po?"

Halos pigilan ko ang pagtawa ko. Tignan mo 'tong si Ma'am kunwaring concern lang pala may patanong-tanong pa kung sino yung salarin e wala rin naman palang gagawing tulong! Bida-bida lang ang ganap. Tama naman ako di'ba? Kung talagang mabuting Teacher sya edi sana gumawa sya ng paraan para sa basura naming kaklase.

"Nasa sa iyo kung lalabas ka o magkaklase tayong ganyan ka." Pinapili pa sya ni Ma'am bandang huli. Kita sa mukha ng kaklase namin na dehado sya pero wala syang magawa. Nakita kong lumobo ang pisngi ni Alvin at nahihirapan na naman sya siguro pigilan yung pagtawa.

Nakangiti lang si Aries at nag-aantay lang sa mga susunod na mangyayari. Ako natatawa na rin katulad ni Alvin, bagay lang yan para sa mga katulad nya.

Sa huli napapahiyang lumabas yung kaklase namin. Sana lang sa basurahan sya dumiretso. Halata naman kase sa pagmumukha non na wala syang ipagmamalaki plus yung hitsura nya pa. Dapat pag ganon mukha kinakahiya na e

Discuss

Discuss

- Break -

"Naalala ko na naman kanina pre! Napaka epic nung nangyari sa lalaking 'yon. Daig pa babae! Niregla ang puta!" Natatawang sabi ni Alvin.

Natawa kaming tatlo. Si Alvin ang madalas magbiro sa amin. Kaming tatlo ay walang preno ang bibig kaya foul kung foul kahit magkulay pula pa ang flag ng pilipinas ay hindi kami magiingat sa pananalita namin.

"Hahahaha! Bobo kasi non! Nakakabadtrip pa yung pagmumukha!" Ako na ginatungan yung sinabi ni Alvin.

Siguro nga totoo yung kasabihan na 'Birds with same feather flock together' pare-parehi kasi kami ng trip at gusto. Madalas kami magkasundo-sundo pero madalas si Aries ang nagdedecide kung anong trip ang gagawin.

"May naisip ako!" Si Aries and he smiled devilishly. "Dito muna tayo." Naupo kami sa may bench "at kung sino yung pansampung babaeng dadaan ay bubuhusan mo ng basura." He pointed a trashbin near here. "Uubusin mo yung laman non ah" natatawa pang sabi ni Aries.

Ako ang nautusan ni Aries para sa kakaibang trip na naisip nya. Okay lang naman sa akin. Masaya naman ako sa gagawin kong ito.

"Gago pre! Sino kaya yung masuwerteng mapipili!" Ramdam mo ang excitement sa boses nya. "Oh isa na!" Turo nya sa babaeng dumaan. "Shit!! Nakita nyo 'yon pre?! Ang sexy nung chix pare!! Nakakagigil!" Halos hubaran na ni Alvin yung chix sa pamamagitan ng tingin.

"Teka nga bakit babae ang naisipan mong pagtripan?" I asked.

"Para may twist! Puro na lang kasi lalake, kaya babae naman. Challenge ko yan sa 'yo Cholo." Sabi ni Aries habang tumitingin sa mga kuko nya. Winawari nya ito at pinagmamasdan, tinatanggalan pa ng dumi kahit wala naman.

Napangiti ako. First time kong gagawin sa babae ang ganito. Kadalasan kasi ang ginagawa ko lang sa babae ay inaasar at nilalaet hanggang sa umiyak sila. It feels relaxing to my ears.

"Ayan na yung pang siyam! Laki sana ng suso pre kaso mukhang pusit!" Sabi ni Alvin at nagmake face pa sya na nandidiri.

Nakatutok kami ngayon sa masuwerteng babaeng dadaan, kinuha na rin ni Alvin yung trash bin at iniabot ito sa akin. Ilang minuto pa ang inantay namin bago kami may nasipat na dalawang babae na naglalakad at dadaan ito sa harap namin.

"Dalawa sila! Sino sa kanila pre? Pagsabayin mo na lang kaya! Hahaha!" Demonyong tumawa si Alvin.

"Your choice, pwedeng sabay o mamili ka isa sa kanila." Kaswal na sabi ni Aries.

Hindi nako nagpaligoy-ligoy pa at agad akong lumapit sa kanila. May hawak na sketchpad yung isa at yung isa naman may hawak na maliit na kuwaderno. Short hair yung isa at yung isa naman long hair. Pipili na lang ako kung sino yung panget sa kanila. Syempre kung sino yung panget at nababagay lang para buhusan nitong hawak ko.

Magkaharap na kami ngayon at bakas agad ang takot sa isa. Yung isa naman parang wala lang at nanatiling ganoon ang hitsura nya. Napili ko yung long hair dahil sa tingin ko match sila nitong hawak ko.

Lumapit ako sa kanya at...

*WOOOSH*

Naligo sya ng basura. Napaduwang yung kasama nya at malapad naman akong ngumiti. Narinig kopa yung pagtawa nila Aries at Alvin kaya naman hindi ako nakaramdam ng konsensya. Nangingibabaw yung tawa ni Alvin.

Nakapikit sya at dahan-dahan sya nagmulat. Hindi nya ako tinignan ganoon rin ang kasama nya. Parang nainsulto naman ako sa ginagawa nila. Tinulungan sya nung kasama nya na tanggalin yung ibang kumapit sa buhok nya. May noodles kasi, at habang tinutulungan sya ng kasama nya ay tumingin sa akin yung babae habang pinapagpagan ang sarili.

"Opppss.. sorry---" natigilan ako.

Hindi ko inaasahan na ngingitian nya ako. Napatitig ako sa kanya, ramdam kong natural ang mga ngiting iyon. Hindi ko lubusang maisip kung bakit nakuha nya pang ngumiti? Ibang-iba sa inaasahan ko.

Parang ang weird kasi hindi kona alam bigla ang gagawin ko kaya tumalikod ako at naglakad pabalik sa kasama ko.

Our First And Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon