Our First And Last Kiss written by Chologsabogsa
Ang paglayo ko siguro sa kanila ay isang magandang ideya. Bakit pa ako manghihinayang sa mga taong hindi ako binigyan ng halaga? Pero kahit na gano'n pa man meron pa rin sa akin na nanghihinayang, kaibigan ko sila simula't pagkabata. Sabay-sabay kaming lumaki, nagloko, at naging tarantado. Gagawin namin ang gusto namin at iyon ang mambully ng kaeskwela.
Nakakalungkot lang pero kailangan kona silang layuan. Parang ang laking lamat ng ginawa nila sa akin. Naalala ko yung mga panahong nantitrip kami, nambubully. Pero ang lahat ng iyon biglang nagbago. Sa isang iglap nagbago ang ihip ng hangin. At lahat iyon ay sa tingin ko dahil kay Putla. Hindi man nya malinaw na itinuro sa akin yung mga pagkakamali e nagawa ko naman turuan yung mismong sarili ko. Magbago.
Hindi na ako pinapakelaman ni Aries, tinginan na lang. Lagi ko ng kasama si Putla. Laking pasalamat ko pa rin dahil hindi ko nafefeel na nagiisa ako. Pakiramdam ko kapag kasama ko si Putla e simpleng tao na lang rin ako kagaya nya. Masaya akong kasama sya parang hindi kona kailangan pa ng maraming kaibigan dahil kuntento na ako kay Putla.
"Nicole!" Masayang bati nya sa akin. Ngumiti ako sa kanya, as of now okay na ako. Hindi man bagong taon pero pakiramdam ko nagbagong buhay ako. Pakiramdam ko nagpunta ako ng malayo lugar kung saan tuturuan ka magbago. Pasalamat na lang rin siguro ako kela Aries dahil natutunan ko makipag kapwa tao.
Hindi basura ang tingin ko sa tao.
Wala na akong pakialam sa pagmumukha nila pero kung panget, panget talaga. Hindi naman mababago yun di'ba? Hindi ko na lang siguro ija-judge. Baka ano lang masabi ko.
Iniwasan kona rin manlait. Kaya lang naman ako nanlalait kasi hindi ko maiwasan yung kumpara yung sarili ko sa kanila, pakiramdam ko kasi nasa akin ang lahat. Pakiramdam ko dapat nila akong sambahin at kainggitan.
"Magandang umaga!" Bati sa akin ni Putla. Mukhang naglagay sya sa labi ng liptint. Binili ko 'yon para sa kanya at ako mismo nagtulak sa kanya na gamitin 'yon. Maputla na nga kasi yung labi nya namamalat pa. Nahiya pa nga ako ibili yan e kase nagtanong pa ako sa isang cosmetics store kung ano yung binibili para pumula yung labi at sinabi naman sa akin na uso yang liptint kaya binili kona.
"Magandang umaga rin" bati ko kahit na alam kong hindi nya ako naririnig.
Sabay kaming naglakad sa Campus at tampulan kami ng usapan, kay Putla wala naman kaso 'yon kasi hindi naman nya naririnig yung mga bulungan na obvious naman na kami yung pinaguusapan. Pilit kona lang kinakalma ang sarili ko. Masasanay rin siguro ako.
"Kumain kana?" Tanong sa akin ni Putla.
Tumango ako sa kanya. Kumain naman na talaga ako. Napatingin ako sa kanya pati sa kutis nyang namumutla. Hindi kopa natatanong sa kanya bakit ganyan yung balat nya? Minsan mukha na syang bampira dahil sa putla nya. May ganyan ba talagang balat? O ako lang talaga 'tong maarte.
Nilabas ko yung sarili ko Notebook. Maliit rin ito at maganda yung klase ng papel. May kasama na itong pen. Binili ko ito para hindi kona hiramin yun kanya.
Note: Bakit ganyan ka kaputla?
Tinignan nya yung balat nya. Parang hindi pa sya sure sa sinabi ko. Hindi nya ba napapansin 'yon? Sabagay.. hindi nga nya magawang mag-ayos e. Kaya hindi na siguro ako magtataka.
"Hindi naman. Kulang lang siguro ako sa tulog." Dahilan nya.
Natawa ako sa narinig sa kanya. Baka naman hindi na sya natutulog?
Lagi na rin akong nasa The Farv at medyo close kona yung may-ari na si Kiyo yung baklang nasungitan ko dahil sa nakakairita ang katangahan nya. Hindi nya ko masisisi dahil may mga costumer na ayaw ng tanong ng tanong at isa nako ron. Naalala ko na nilait ko yung The Farv, panget naman talaga yung ambiance pero hindi kona sinabi baka mahurt si Kiyo instead nag suggest na lang ako sa kanya na baguhin yung ilan sa Bar nya. Hindi naman sila nagtataka kung bakit hindi ako kumakain sa Bar nila. Grab food pa rin ang ginagawa ko. Gusto ko sana sabihin na palitan o linisin yung taong nasa counter pero nag-aalangan ako sabihin.
BINABASA MO ANG
Our First And Last Kiss (Completed)
RomanceLaitero at mapanghusga at lahat iyon binabase nya sa hitsura. *** Lumaking bully si Cholo at sa kanyang palagay ay normal iyon dahil sa masaya sila ng mga kaibigan nya. Mataas ang tingin ni Cholo sa kanyang sarili kaya mataas rin ang kanyang standar...