Chapter 4 - Naantig ang Puso

20 4 0
                                    

Our First And Last Kiss written by Chologsabogsa

Pinapasayaw namin sa harap yung mga lalaking kaeskwela. Andami pa nga namin sinabi e. Sasayaw rin pala. Mukhang wala kaming Teacher kaya naisipan namin pagtripan yung mga kaklase. Ang saya kaya naman gusto pa namin ihataw nila. Para kasi silang walang kinain. Nasa pagmumukha naman nila yung hitsura ng gutom.

"Aries nakasimangot yung isa oh!" Tinuro ni Alvin yung lalaking napilitan lang sumayaw.

"Tangina mo ngumiti ka!" Pananakot ni Aries pero nag-alangan lang yung lalaki. "Hindi ka ngingiti?" Nababadtrip nyang tanong.

Unti-unting sumilay sa labi nya ang ngiti. Ngiting aso HAHAHAHA! Kaya naman tawa kami ng tawa dahil mukha silang mga gago. Para silang mga puppets na kami yung nagpapagalaw. Bigla na naman may naisip si Aries na patok sa amin ni Alvin.

"Gusto kong mag-sayaw kayo at isipin nyo JS prom ito! Yung mala-romantic dance!" Aries requested.

Ilang beses kaming napatango. Magandang ideya! Para ibalik yung JS feels!! Kaya naman nagpresenta na si Alvin yung kakanta. Hindi naman maganda yung boses nya, trip nya lang kumanta.

"Tangina nyo! Ayusin nyo! Isipin nyo last dance na!" Sigaw ni Alvin sa kanila. Pare-parehong nagkatinginan yung mga sasayaw na lalaki na nasa harap.

"Mamili na kayo ng kapartner nyo." Sabi ko. No choice sila kundi mamili ng kapareho. Napatingin ako sa mga babae at yung iba natatawa sa nakikita nila.

"Kakanta na ako ah!" Nakangisi si Alvin.

"3.. 2.. 1.. action!!" Si Aries na akala mo director.

Kumanta si Alvin at ang kinanta nya is yung Mabagal by Moira dela Torre, tawa ako ng tawa to the point na napahawak na ako sa puson ko at nananakit na ito. Grabe! Sobrang saya. Nakakarinig rin ako ng ilang tawa sa ilang babaeng studyante.

Hanggang sa magsawa kami at binati pa namin sila dahil lahat ang gagaling at lahat mukhang gago. Nagaantay kami sa next subject. Pinaupo na namin yung mga lalaki, at nagusap na lang kami.

"Ito yung number ni Samantha oh!" Inabot ni Alvin yung cellphone kay Aries. Kinuha naman ni Aries 'yon.

"Natira mo ba?" Tanong ko sa kanya. Napatingin sa akin si Alvin. Magkakaharap ang upuan namin at kami lang yung nagdecide na gawin ganito yung set-up ng upuan namin since wala pa namang Teacher.

"Ako paba!" Pinakita nito yung biceps nya. "Two rounds!" May bahid ng yabang nitong sabi.

"Hina mo naman pre! Two rounds lang kaya mo?" Si Aries tsaka inabot yung cellphone kay Alvin.

"Sa hindi nako tinigasan e, palibhasa sa 'yo sago-sago na HAHAHAHA! Puro jak*l ka lang brad! Ako kasi laging may napapaligaya. " May pagmamalaki sa boses nito.

Napailing ako. "Tangina nyo! Magka-tulo kayo sa ginagawa nyo!" Singhal ko sa kanila. Binuksan kona lang yung snapchat app ko tsaka nag selfie. Kahit anong anggulo ang gwapo ko.

"Ulol! Safe 'to! Ginagawa ng condom?" Depensa ni Alvin sa sarili.

"Mas maganda pa rin kapag live!" Si Aries na ayaw mag condom.

Mabuti na lang ako inosente. Hindi nila ko tularan. High class at masasabi kong mataas ang standards ko. Meron kasing babae na magaganda pero may mga amoy. Mahirap na maisahan pa ako.

"Oo nga pala yung tungkol ron sa bago? Papaiyakin mo talaga?" Tanong ni Alvin bigla.

Bigla kong naalala si Putla. Naalala kong sinabihan ko syang iwasan kami pero bakit kinakabahan ako para sa kanya? Aish!! Bahala sya basta sinabihan kona sya! Sapat na siguro 'yon.

Our First And Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon