Ang akala ko ay makikita ko pa sya rito pero ayon na pala yung huling beses na makakausap ko sya. Palagi akong sinasamahan ni Pusit pero parang akong lantang gulay sa harap nya. Hindi kona rin magawang makipag-usap ng matagal sa kanya. Palagi na akong tuliro. Madalas nililipad ang isip ko lalo na kapag naaalala ko sya.Madalas rin ako magpunta sa room nya kaya lang palagi itong wala. Sinabi sa akin ng isa sa classmates nya na hindi na raw papasok si Putla sabi sa kanila ng Teacher nila. Gusto ko syang puntahan sa bahay nya pero wala akong lakas. Masakit pa rin sa akin yung nangyari, parang hindi ko pa kayang harapin sya. Papano kung pumunta ako? Baka itaboy nya lang ako. Baka mas lalo lang ako masaktan.
Pinapalayo nya ko. Ikakasal ba talaga sya? Pero kanino? Hindi naman nya kasi sinabi kong sino pero naalala kong tinanong ko sya kung yung Step-father ba nya yung tinutukoy pero umiling sya. Ibig ba nyang sabihin hindi? Kung hindi man e sino?
Ayon yung masasabi ko na isa sa pinaka malungkot kong araw. Ang pangyayari iyon ay labis na tumatak sa akin. Ang luha ko nung araw na 'yon lahat totoo. Mahal nya ko pero hindi pwede? Kalokohan. Ewan ko ba! Gusto kong mainis pero mas nangingibabaw sa akin yung lungkot. Nanghihinayang ako sa kanya! Gusto kong baguhin yung ganito! Pero hindi ko kaya! Parang bahagi na sya ng buhay ko.
"Uyy.. hindi mo na naman ginagalaw yung pagkain mo." Rinig kong si Pusit, nakatulala lang kasi ako sa pagkain ko.
Nakakawalang gana sa lahat. Sa pagkain. Sa pagligo. Pati na rin ang pagsisipilyo. Nakakatamad na kasi! Kaso lang nang maisip ko na ang dumi at ang baho ng bunganga ko e kahit papano napilit ko yung sarili ko. Kahit naman na broken tayo wag nating hahayaan na mabantot tayo.
Broken hearted ako hindi dugyot!
Hindi ko pinansin si Pusit, napapansin ko lang na sobra ang bait nya sa 'kin. Sa kinikilos nya kasi parang nakikita ko si Putla, kahit mismong pagkabanayad ni Putla ay parang ginagaya nya. Bigla tuloy ako napaisip. Hindi ko kasi tinatanong si Pusit about sa hindi na lang pagpasok ni Putla, besides parang hindi nya rin iniisip. Parang wala syang pakialam. Basta masaya sya kasama ako.
"Anong balita kay Putla?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin ako sa kanya at mapakla itong nakatingin sa akin. Siguro naman may silbi yung pagiging magkapitbahay nila?
"Bakit ba Putla tawag mo sa kanya?" Balik tanong nya pero alam kong palusot nya lang iyon. Bahagya pa syang tumawa at hindi ko mawari kung totoong tawa ba 'yon.
Nasanay kasi akong tawagin syang Putla, parang sa gano'n na pangalan ko sya nakilala. Kaya ayon na yung tinawag ko sa kanya. Kahit pa natuto na syang mag-ayos ay ganoon pa rin yung tawag ko. Kahit pa siguro maging pula ang labi nya at maging natural ang kulay nya. Putla pa rin ang itatawag ko sa kanya dahil doon ko sya minahal.
"Anong balita kay Putla?" Ulit kong tanong.
Nahinto sya sa pagtawa at napatikhim ito tsaka umayos ng upo. Seryoso akong tumingin sa kanya para iparating na hindi ako nagbibiro at wala akong oras para makipagbiruan. Ang totoo sinubukan kong kalimutan si Putla pero hindi ko kaya.
"Wala rin akong balita sa kanya. Pero ang alam ko lilipat na sila.." sabi ni Pusit na ikinakunot ng noo ko.
"Lilipat? Papano mo naman nalaman?"
"Nagpaalam kasi sa amin si Kuya June, gusto ko nga kausapin si Eva kaya lang n-nilalagnat raw.." mahina lang yung pagkakasabi nya sa dulo. Parang ayaw nya ipaalam sa akin na nilalagnat si Putla.
Nag-alala ako bigla. Kamusta kaya sya? Nakakakain pa ba sya ng maayos? Teka! Baka naman dinadahilan lang 'yon ng Step-father ni Putla na nilalagnat pero ang totoo ayaw nyang palabasin.
BINABASA MO ANG
Our First And Last Kiss (Completed)
RomanceLaitero at mapanghusga at lahat iyon binabase nya sa hitsura. *** Lumaking bully si Cholo at sa kanyang palagay ay normal iyon dahil sa masaya sila ng mga kaibigan nya. Mataas ang tingin ni Cholo sa kanyang sarili kaya mataas rin ang kanyang standar...