Chapter 19 - Paglayo

11 3 0
                                    


We spend time together. Minsan na kaming nag picnic ni Putla, naisipan ko rin manuod kami ng sine. Kumain rin kami sa labas. Kasama nya rin ako sa trabaho nya minsan sa ospital, tinutulungan ko sya para mapabilis ang trabaho nya. After non syempre makikipaglaro muna sya kay Sassy.

Close sila ng Lil Sis ko bagay na ikinatuwa ko. Madalas ko rin syang ayain mag date at ginagawa ko ang lahat para maging romantic. Nagkakamabutihan na nga kami ni Putla hanggang sa dumating ang isang araw. Hindi na lang nya ko pinansin. I don't know why, okay naman kami kahapon pero nung nasalubong ko sya nitong umaga sa campus ay nagmamadali itong naglakad papalayo.

Hindi ko sya hinabol at nagisip na lang ako ng pwedeng idahilan kung bakit ganoon ang inaakto nya. Iniisip ko kung may mali akong nagawa pero wala akong maisip. Bakit kaya nagkaka-gano'n sya? Kung may problema man sya dapat ay sabihin nya sa akin hindi yung ganito nanghuhula ako sa inaakto nya.

Nasa room ako at kasalukuyang nagtuturo si Sir. Aragon sa harap. Kanina pinagmumura nya yung mga kaklase namin na walang gawa kasama sila Aries. Kung dati ay tatlo lang kami, ngayon halos nasa kalahati na kaming may gawa. Napilitan lang siguro yung iba na gumawa dahil sa ayaw matalakan ni Sir. Aragon, grabe naman kasi ang tabas ng bunganga ni Sir.

Humarap sa amin si Sir. Aragon at masama ang tingin nya sa likod. Napatingin ako roon at nakitang nagcecellphone ang dalawa. Si Aries at Alvin, ang mga gago nakuha pang gamitin ang cellphone sa ganyang sitwasyon.

"Hoy Norales! Stanford! Gusto nyong kumpiskahin ko yan?!" Sigaw ni Sir. Aragon at kaagad nilang tinago 'yon.

"Ahhh ser! Emergency lang!" Pagdadahilan ni Alvin tsaka kumamot sa likod ng ulo at ngumiti ng labas lahat ng ipin.

"Kung ano-anong pinaggagawa nyo! Ikaw Norales puro ka Tiktok ni-hindi mo maisipang gumawa ng assignment! Yang app na yan ang magpapabobo sa 'yo lalo!" Sigaw ni Sir. Aragon

"Uyyy.. si ser... Pinalow ako sa Tiktok! Ibase nyo na lang yung grade ko ser sa hearts ng vids ko." Pilyong si Alvin.

Binato sya ni Sir. Aragon ng eraser pero nakailag si Alvin. Nakangiti pa ito at talagang nang-aasar pa sya.

"Bobo! Hindi ka naubusan ng my day sa Facebook! Puro pasarap ka lang wala namang kwenta ang content mo! Hindi kaba marunong magdamit?!" Angil ni Sir. Aragon na parang wala lang kay Alvin.

"Ayieeee si ser! Pinagnanasaan ako sa Facebook! Alam kong masarap ako ser! Ako lang 'to!" Biro pa ni Alvin kaya lalong na high blood si Sir. Aragon sa kanya.

"Get ouuut!!!" Tinuro ni Sir. yung daan palabas. Madali naman kausap si Alvin kaya masayang naglakad ito palabas. "Dalin mo sa akin ang magulang mo Norales! You too Stanford!" Tumingin si Sir kay Aries.

"Huh? Ba't nadamay ako?" Tanong ni Aries.

"Eh gago ka pala e! Bakit kaya?!" Sarkastikong tanong nya.

Wala ng nagawa si Aries at naglakad na rin ito palabas pero bago sila umalis ay nangasar pa sila. "Baklang chup**!!" Sigaw nilang dalawa tsaka tumakbo papalayo. Napahilot sa sintido si Sir. Aragon at mahinang natawa yung iba kasama ako dahil sa narinig kela Aries. Nang nilibot ni Sir ang tingin ay natahimik kami dahil sa galit ang hitsura nya, para syang mangangagat anytime.

"Wag nyong tularan ang mga gagong binatilyong 'yon. Napaka bastos! Palibhasa asa sa impluwensya ng pamilya! Mga wala na ngang alam mga basura pa ang paguugali." Tumingin sa akin si Sir. Aragon at napako ang tingin nya sa akin.

"Ikaw Mariano? Mabuti't lumayo ka sa gano'ng klase ng kaibigan. Hindi mo matatawag na kaibigan ang mga gano'n klase ng tao. Tama lang yang paglayo mo sa kanila." Payo sa akin ni Sir.

Our First And Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon