Chapter 6 - Salamat

14 3 0
                                    

Our First And Last Kiss written by Chologsabogsa

Dalawang linggo ang lumipas at halos araw-araw yata binubully namin si Putla. Araw-araw rin ako nakokonsensya parang hindi ko kasing magawa na saluhin sya kela Aries dahil sa ayukong magisip sila ng kung ano sa akin. Nagaway na kasi kami nuon ni Aries at ang dahilan ng pinag-awayan namin is pinagtanggol ko yung babae kase sobra na. To the point na nagdudugo na yung ilong ng babae sa paraan ng pagsampal. Bully ako pero alam ko naman kung kailan ititigil. Hindi naman ako sobra.

Inisip ni Aries na kinakampihan ko raw yung babae, bakit raw?! Sino ba raw ba kaibigan ko? So ako hindi ko matanggap yung baluktot na sinasabi nya kaya nagtalo kami. Nabato kasi sya ng bola ng baseball nung babae kaya sobrang galit sya. Halos mapatay na nya yung babae nung araw na 'yon kaya maraming takot sa kanya.

Buwan rin ang tinagal ng hindi namin pagpapansinan. Kung hindi pa dahil kay Alvin ay hindi pa kami magbabati. Ako ang unang humingi ng tawad kesyo hindi ko dapat sya pinigilan at dapat mas pinuruhan nya pa yung babae. Sa ganoon paraan kase natutuwa si Aries.

Kaibigan ko e. Marami na kaming pinagsamahan kaya hindi ko rin matagalan na ganoon kami kaya kinain ko yung pride ko para sa samahan na meron kami.

Nasa Campus ako ng makita ko si Putla na may hawak na sketchpad, mukhang nagdadrawing sya. Lumapit ako at nagtungo sa likuran nya. May iilang studyante ang napapatingin sa akin pero ano bang pakialam ko sa mga basura na yan? Nakita ko dinadrawing nya yung gusali at kuhang-kuha nya yung anggulo. Kahit pala sabihin mo ganyan sya e gifted pa naman rin. Ako gustong gusto ko matutong mag drawing.

"Cholo!" Rinig kong si Alvin.

Sa pagkabigla kinuha ko agad yung sketchpad nya para sa palabas na gagawin ko. Walang kahirap-hirap kong nakuha 'yon sa kanya. Hindi ko tinapunan ng tingin si Putla sa halip kay Alvin ako tumingin.

"Biruin mong gifted rin pala 'tong si Putla!" Sabi ko kay Alvin.

Napatingin si Alvin kay Putla bago lumapit sa akin at tinignan yung hawak ko. "Oo nga, bat Putla?" Tanong ni Alvin.

"Tignan mo naman kasi yung balat."

"HAHAHAHA! Sabagay.. anong gagawin mo dyan?" Tanong ni Alvin.

Dumating si Aries kaya naagaw ang atensyon namin at napunta sa kanya. Halos magkakasunod lang kami dumating. Napatingin sya kay Putla na nakatingin sa sementadong daan. Napatingin si Aries sa hawak ko.

"Ano yan?" Tanong nya.

"Ah ito?" Pinunit-punit ko 'yon. Ramdam kong napatingin sa akin si Putla at hindi man ako nakatingin sa kanya ay alam kong nagulat sya.

"Wag! Wag yan! Pakiusap!" Nakikiusap nitong sambit. Tinawanan lang sya ni Alvin at si Aries naman nagtataka sa ginawa ko.

"Mga drawing ni Putla girl!" Sabi ni Alvin kay Aries.

Napangiti si Aries tsaka napailing-iling sa amin. "Aga-aga pinagtitripan nyo sya." Tukoy nya kay Putla.

Narinig namin ang paghikbi nya kaya heto na naman yung konsensya na pilit kong nilalabanan.

"Wag ka ngang umiyak drawing lang naman yan!" Singhal sa kanya ni Alvin.

"Hahahaha!" Pekeng tumawa ako. "Hindi ka naririnig nyan." Dagdag ko.

Lumapit si Alvin tsaka ito sinabunutan paangat. "Tahimik!" Sumenyas ito na i-zipper ang bibig. Kita ko ang pamumuo ng luha ni Putla. Mapait na ngumiti ito. "Tignan mo 'to parang gago na naman na nakangiti." Alvin.

"Sampalin mo nga Cholo," utos sa akin ni Aries, malawak na nakangiti ito. Medyo nakakanakaw na kami ng atensyon sa ibang studyante.

"H-Huh?" Maang-maangan. Hindi paba sapat yung ginawa ko? Umiyak naman na sya bakit gusto nya pang saktan ko.

Our First And Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon