Our First And Last Kiss written by Chologsabogsa
Weeks passed nakasanayan kona siguro ang makipag asaran kay Pusit. Wala naman syang ibang maasar sa akin sa gwapo ko ba naman and knowing her ang panget nya. Kaya we end up na hindi nya ko papansinin at wala naman akong pakialam. Kung hindi lang ako sinasabihan ni Putla na maging nice sa kanya ay baka inabot sya sa 'kin. Hahaha! Trip ko lang si Pusit at ang asarin sya ay nakakapag-pasaya sa akin.
Ngayong araw ako mag o-Audition sa Teatro Ala Phantians. Nakapag decide na ako na sumali at kapag nakasali ako siguro tatagal lang ako ng ilang araw then I quit. Ganoon lang kasimple. Ang sabi kailangan may salihan pero wala naman sinabing hindi pwedeng mag quit. Hindi ko sure kung pwede ba pero bahala na basta hindi ako a-attend.
Yung tungkol sa talent ay tinulungan ako ni Putla, tinuruan nya ako mag gitara sa mga lumipas na araw. Basic chords lang naman yung tinuro nya pero nahirapan pa rin ako pero habang tumatagal natutunan kona rin. Ang alam ko skills 'to hindi talent pero ang sabi ni Putla tumatanggap raw sila kahit hindi marunong basta willing sumali at may ipresent lang.
Sabi ko nga dapat sa Music Club na lang ako but sadly ang hinahanap ng Club nila is yung skilled talaga. Sayang kung kela Putla siguro ako sasali baka mag stay ako hehehe..
Bigla kong naisip si Pusit. Pinipilit nya ako sa Dance Troupe kesyo kahit hindi raw marunong basta willing matuto at yung masipag mag practice ay pasok raw sa kanila. Napairap nga ako sa kaka-paliwanag nya. As if naman sasali ako e nandon sya. Hate na hate? Hindi naman mamaya kasi magulat na lang ako in love na sya sa 'kin. Mukha pa namang easy to get yung ganyang mukha. Kahit panget na lalaki mage-get yung ganyang mukha e.
"Good luck!!! Kaya mo yan Nicole!!" Pagpapalakas loob sa akin ni Putla na gumana. Matamis akong ngumiti sa kanya tsaka marahang hinaplos ang kanyang buhok. Nasa tapat kami ng Rosca Hall. Building ito ng mga iba't ibang clubs.
"Syempre ikaw nagturo e! Tataob ko yung buong Clubroom kapag hindi ako nakuha." Nakangiti kong sabi. Alam kong hindi nya naririnig pero sa reaksyon ko, gusto ay maging masaya sya.
"Hindi ko man marinig pero salamat.." sabi ni Putla.
"S-Sana matanggap ka Ni--"
"Oooopppsss!! Si Putla lang ang pwedeng tumawag sa 'kin nyan!" Putol ko sa sasabihin sana ni Pusit.
"Arte mo!! Tawagin pa kitang Totoy! Dudong! Call sign lang naman yan!" Lumaki ang butas ng ilong nya. Sa ayukong tawagin nya kong Nicole e? Mahirap bang unawain 'yon? Nasa paa siguro ang utak nito kaya ayaw mag function ng maayos. Ilang beses na kasi syang nagtakang tawagin ako sa ngalan na 'yon.
"Alam mo sa sarili mo na hindi babagay sa akin yung ganyang endearment! E ikaw? Fit na fit sa 'yo tawaging Nene, Inday, Ineng! Ginang!" I smiled widely at sa aking palagay ay ako na naman ang nanalo. Nagsulat sya para magsumbong kay Putla, hindi ko alam kung sino sa amin yung mas pinaniniwalaan pero I hope na sana ako at sana ibase na lang nya sa mukha. Yung mas katiwala-tiwala.
"Tama na yan! Napipikon na si Gwen. Sige na Nicole pumunta kana sa Clubroom ng sasalihan mo. Good luck ulit!" Nung marinig ko kay Putla masaya akong kumaway sa kanya. Hindi na ako tumingin kay Gwen baka makalimutan ko lahat ng chords.
Nung nasa pasilyo na ako lumingon ulit ako sa kanila. Kinakawayan nila ko pareho, tignan mo 'tong si Pusit parang kanina lang g na g sya pero kung umakto akala mo walang nangyari. Naglakad na lang ulit ako para libutin ang first floor. May mga studyanteng napapatingin sa akin, hindi ko man tignan sila pero alam kong nakatingin sila sa 'kin.
Sa second floor ko nahanap yung Teatro Ala Phantians
Pangalan pa lang ng Club ang baduy na, wag sana ganong kasasama yung mga mukha ng tao rito. I mean sana yung hindi masakit sa mata, hindi yung nakakabadtrip o laughtrip. May malaking nakasulat sa dingding which is yung pangalan nga nitong Club. Matapos suruin ay pumasok ako sa loob, hindi nako kumatok dahil sa tingin ko hindi na kailangan since marami naman siguro ang naglalabas-pasok rito.
BINABASA MO ANG
Our First And Last Kiss (Completed)
RomanceLaitero at mapanghusga at lahat iyon binabase nya sa hitsura. *** Lumaking bully si Cholo at sa kanyang palagay ay normal iyon dahil sa masaya sila ng mga kaibigan nya. Mataas ang tingin ni Cholo sa kanyang sarili kaya mataas rin ang kanyang standar...