Chapter 8 - Suntukan

12 3 0
                                    

Our First And Last Kiss written by Chologsabogsa

Magmula nung marinig ko sa kanila ang mga salitang 'yon iniwasan kona sila. Humilay ako ng upuan. Hindi na rin ako sumasabay sa kanila tuwing break. Pakiramdam ko napaka loner kong tao. Sobra akong na disappointed sa sinabi nila. Parang ayaw kona sila kausapin o lapitan, miski ang makita ayuko na rin. Parang nagsisi pa ako na nakilala ko sila. I thought we're friends, pero akala ko lang pala lahat iyon.

Sa tuwing nakikita kong inaano nila si Putla umaalis na lang ako. Hindi sa ayaw kong tumulong. Ayuko sila kausapin parang natrauma ako sa sinabi nila. Buong buhay ko ang akala ko magkaibigan kami. Pero ang lahat ng iyon kasinungalingan. Paulit-ulit ko ng iniisip ang mga 'to at hanggang ngayon hindi ako maka move on.

Napatunayan ko rin sa sarili ko na ganoon sila kasama. Bakit pati ako? Akala ko magkakapanalig kami pero bakit kailangan pati ako? Kaibigan nila ko di'ba?

Tahimik kong tinatahak ang daan papuntang Canteen. Tulala at wala ako sa sarili ko habang naglalakad. Sa isang iglap ang bully na katulad ko ay naging friendless, ganito nga siguro ang buhay hindi lahat ng naririnig o nakakasama mo totoo. Ang buhay puno ng peke. Hindi ko maiwasang hindi maging negatibo sa lahat ng bagay.

Naupo ako sa bakanteng table. Malayo ito sa nakasanayan kong pwesto pero okay na sa akin ngayon. Katulad ng gusto ni Aries hindi kona sila pinansin. Hindi naman nila ko tinanong kung bakit. Hindi na rin nila ko pinansin at para na lang akong kaluluwa sa kanila. Wala na rin akong pakialam kung hindi man nila ko tanungin.

Hindi pa man ako nagsisimulang kumain nang makita ko si Putla sa kabilang table. Nitong mga nakaraan hindi ko muna sya masyadong pinansin dahil masyado akong malungkot at sa tingin ko hindi nya ako madadamayan. Kaya mas pinili kona lang magisa kesa magsabi sa iba. Wala rin naman kasi may interesado sa sasabihin ko kaya para san pa?

Sinenyasan ko syang lumapit sa akin. Nag-aalangan pa sya pero sa huli lumipat rin sya. Wala na akong pakialam sa mga makakakita. Anong bang pake ko? Kahit sa iisipin nila Aries wala na akong pakialam. Bahala na kung anong kahihitnan ng paglapit ko sa kanya. Ewan ko kung ano bang meron dito kay Putla, kahit naman ganyan ang hitsura nya nararamdaman ko naman na mabait sya.

"Baka awayin ka ng mga kaibigan mo." Banayad nyang sabi bago tumingin sa kinauupuan nila Aries. Medyo may kalayuan naman 'yon dito at isa pa maraming studyante. Napapatingin yung ilang studyante na ilang dipa lang ang layo sa amin. Tinignan ko naman sila ng masama at nakuha sila agad sa tingin.

Inabot nya yung notebook at panulat.

Note: Hindi kona sila kaibigan.

Tumabingi ang ulo nya animong pinag-aaralan ang bawat anggulo ng mukha ko. I feel awkward, parang kahapon lang sobrang kampante ko humarap sa mga tao at ipamukha kung gaano sila kapanget. Bakit ko nafefeel kay Putla yung ganito? At kay Putla pa talaga! Napaiwas ako ng tingin.

"Kaya ba nagiisa ka Nicole? Napansin ko nitong mga nagdaan na araw hindi mona sila nakakasama."

Note: Oo. At ayaw nila sa 'kin. Akala ko kaibigan ko sila pero akala ko lang pala 'yon. Nagkamali ako Putla... Sorry sa lahat ng nagawa ko.. nagsisisi nako..

Parang maiiyak pa ako. Sobrang emosyonal ko kung iisipin pero hindi ko mapigilan. Ang buong akala ko totoo ko silang kaibigan. Nagulat ako nang hawakan ni Putla ang kamay ko. Kung ako pa rin siguro yung dating Cholo agad kong isasaboy ang kamay nya. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Siguro nga tama sya. Ito na yung karma ko. Yung mga kinikilala ko pa lang kaibigan ay hindi totoo.

"Pwede mo kong maging kaibigan.. pwede mo kong awayin kung gusto mo.. kahit ano para sa nagiisang si Nicole.." nakangiting si Putla.

Natawa ako. Tangingang Nicole na yan. Masyadong kakaiba at bukod tangi talaga ang tawag nya sa akin. Kapag tinawag nya ako sa ganyan alam kong sya na 'yon. Napaisip ako sa sinabi nya wala naman sigurong masama kung makikipag kaibigan ako sa kanya. Pakiramdam ko kasi mas okay sya kesa kanila Aries, mas simple at payapa.

Our First And Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon