Chapter 15 - Privacy

10 3 0
                                    

Our First And Last Kiss written by Chologsabogsa

Nasa Campus ako nang harangin ako ng isang Teacher, sya yung may hawak ng Teatro na sinalihan ko. Me-edad na ang babaeng ito at sa tingin ko kahit anong oras sasakit ang batok nya dahil sa ilang ugat nya ang makikita mo sa ulo nya. Parang stress na stress naman sya. Ano naman kaya ang kailangan nya sa 'kin--ah!! Alam kona! Hindi na kasi ako uma-attend ng Club kaya siguro kakausapin ako.

"Bakit hindi kana umaattend ng meetings? Kung hindi ako nagkakamali dalawang beses ka lang nagpunta. May problema ba?" Tanong nya sa 'kin. Kung alam lang nya na wala naman talaga dahil hindi ko lang trip sumali sa ganyan. Paano koba sasabihin sa kanya na ayuko na in a good way?

"I'm quit." Ayon lang ang sinabi ko and I did my best para maging pormal ang boses ko. Sarcastic kasi ako makipag-usap sa mga Teachers e. Ewan koba, basta nasesense ko minsan na pakitang-tao lang yung ginagawa nila masabi lang na mabuting guro. Katulad nung sa Teacher ko na nagtanong kung sino yung naglagay ng glue tapos hindi naman pala inasikaso yung kaklase namin. Nakukuha mo ba yung point ko?

"What?! But why? Meron ka bang hindi nagustuhan?" Tanong nya pa sa akin.

"Wala naman ma'am, sadyang hindi lang talaga ako interesado. Katamad na magpunta sa Club nyo. And to be honest ayuko talaga sumali sa Club nyo, wala lang akong choice. Kaya bakit pa ako magtatagal sa Club nyo kung ayuko naman talaga? I just wasting my precious time. Hope na maintindihan nyo ko." Mahabang paliwanag ko. Ginawa ko ang lahat para hindi maging sarkastiko at kontrol talaga ang tono ng pananalita ko.

"Sutil na bata! How can you talk to me like that! Give me some respect! I'm a Teacher! You should know your place!" Nagiiba na ang tono nya. On the way nya sa galit na aso.

Napakunot ang noo ko. Anong mali sa sinabi ko? Mahirap bang intindihin 'yon? Baka naman kailangan may 'po' at 'opo pa like wtf!! I swear on my life! I never gonna use it! Tsaka ang kapal naman ng mukha nitong matanda na 'to? Sino ba sya sa akala nya? Makapag sabi ng sutil e wala pa nga kong nasasabi foul! Mabait pa nga ko e! I calmed myself. Ayuko magbitiw ng salitang tatagos sa buong pagkatao nya. Matanda naman na sya e, mahirap na ako pa ang maging dahilan ng pagkamatay nya. Mamaya atakihin sya sa puso.

"I think.. wala namang masama sa sinabi ko. Kung hindi nyo maintindihan na ayuko na. Hindi kona problema 'yon." At bago ako umalis. "Have a good day ma'am!" Maglalakad na sana ako palayo nang..

"Good Morning ma'am Aurico!" Bati ni Putla sa Teacher na nakausap ko. Napahinto ako at parang nagbackward yung mga sinabi ko sa matandang 'yon. Iniisip ko kung may mali ba akong nasabi? Pero sa palagay ko wala naman.

Ipagpapatuloy kona sana yung paglalakad nang..

"Nicole?" Tawag nya sa akin. Napalunok ako tsaka dahan-dahan humarap sa kanya. Para akong bata na may kasalanang ginawa. Kung hindi ako nagkakamali Teacher nya yang matanda na yan dahil binati nya.

Kinalabit sya nung Teacher tsaka nag sign language. Nabigla ako dahil marunong sya at bukod pa ron may ideya akong nagsusumbong sya. Para akong kinabahan! Aish! Bakit ba ako kinakabahan? Dahil ba sa magiging reaksyon ni Putla kapag nalaman nya na ang gaspang ng ugaling pinakita ko sa matandang 'to? Pero kanina lang ay sure ako na wala naman akong masamang ginawa?

Tangina ang gulo!

"Bakit ganon ka naman makipag-usap kay Ma'am?" Tanong sa akin ni Putla. Meron sa tono nya ang makapangyarihan sa akin na kahit anong bangis ko ay titiklop ako.

Note: Wala akong sinabing masama. Sya 'tong nauna at sinabihan nya kong sutil na bata kaya medyo nainis lang ako..

Pagkabasa nya sa note agad syang napatingin sya sa Teacher tsaka sunod-sunod na yumuko. "Pasensya na po kayo sa inasal ni Nicole.. mabait naman po sya sadyang pilyo lang. Ako na pong bahalang pagsabihan sya, nakikinig po sya sa 'kin." Banayad na ngumiti si Putla.

Our First And Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon