Our First And Last Kiss written by Chologsabogsa
Napairap ako matapos kong tawagan ang dalawa kong magaling na magulang. Nagaantay kasi ako sa kanila na pumunta rito sa bahay. Si Mommy ay hindi makakadalaw dahil sa nilalagnat yung anak nyang si Xian, kaya bantay sarado sya doon. Si Daddy naman ay sinamahan si Sandy sa hospital at nalaman nyang buntis ito kaya todo asikaso rin. Really? Nabuntis nya yung babaeng 'yon? Sabagay malandi kasi kaya hindi na dapat ako magtaka. Naka move on na rin naman ako sa kanya kaya okay lang. Tsaka kahit sino naman siguro kapag ganoong klase madali lang rin makakalimutan.
Magisa na lang ako pumunta dahil hindi naman sila hadlang para hindi ako bumisita. Nung nasa tapat na ako ng pintuan ay napabuntong-hininga pa muna ako. Naawa kasi ako kay Sassy, biniyayaan sya ng mga walang kwentang magulang. Pagbukas ko napahinto ako ng makita si Putla na kasama ni Sassy sa hospital bed. Parehong may unan sa lap nila at napatingin sila sa akin. Nanunuod pala sila ng Movie.
Pumasok ako sa loob at tumayo si Putla at naglakad papalapit sa akin. Minsan ko lang sya makita rito kadalasan kasi busy sya sa kanyang trabaho. Napatingin ako sa suot nya, kupas na itim na tee shirt tapos pants na panlalake. Seryoso? Nagpunta pa naman sya sa higaan ni Sassy mamaya madumi sya! Kung iisipin mo para syang lalaki na totoy pomorma.
"Nicole.." nakangiting bati nya. Pinausog ko sya kaya umatras sya ng kaunti at saglit na napatingin sa suot. "Ahh wala na kasi akong masuot." Malapad na ngumiti sya.
Hindi pa rin excuse 'yon. Bakit hindi sya maglaba? Susuotin naman nya. Hindi ko maiwasang hindi mandiri sa kanya kase sa totoo lang andumi nyang tignan. Nilahad ko yung palad ko sa kanya at nakuha naman nya agad 'yon dahil ilang beses kona ginagawa ang ganito imposibleng hindi nya pa makuha.
Note: Andumi mo tignan. Next time wag kang lalabas ng ganyan hindi kana nga maganda, andumi mo pang tignan.
Saglit nyang binasa at awkward na ngumiti sya.
"Naligo naman ako."
Note: Mukhang hindi.
"Sa mukha ba binabase ang kalinisan? Hinuhusgahan mo ako ng hindi mo naman alam. Naligo ako Nicole wag kang magalala. Kaya pala ayaw mo ako palapitin sa 'yo. Pasensya kana ah, ito lang yung merong damit ako." Pagkasabi nya non naglakad sya palabas.
Naiwan akong nakatanga. Iniisip ko kung meron ba akong maling sinabi? Totoo naman ah, nagsasabi lang ako ng totoo anong masama sa gano'n? Anong gusto nya? Plastikin ko sya kesyo ang fresh mo ngayon. Parang nangongonsensya pa yung boses nya. Ako na nga 'tong nagbigay payo sa knya para maging malinis ako pa 'tong lumabas na masama!
Naramdaman kong sinuntok ako ni Sassy. Napatingin ako sa kanya at nanlilisik ang mata nya. Tinuro nya ang pinto. Nagmake face ako sa kanya. Ito namang si Sassy, ako na naman ang mali sa kanya. Palibhasa parehas silang bingi. Parang sinasabi nya na sundan ko sya kaya naman bago ko sya habulin nagsulat muna ko.
Ilang minuto ko rin sya hinanap. Nakita ko sya sa maliit na garden nitong hospital. Nasa gilid nya yung mop na ginagamit nya. Naglakad ako palapit. Naupo ako sa tabi nya. Sa mga oras na 'to ayaw kong isipin nya na nandidiri ako sa kanya. Napaduwang sya tsaka umusog ng kaunti. Inabot ko naman sa kanya yung notebook nya. Binasa nya rin agad bago tumingin sa malayo.
Note: kung na offended ka sa sinabi ko sorry. Nagsasabi lang naman ako ng totoo e. I have no intention na masaktan ka sa sinabi ko.
"May mga bagay na hindi na dapat sinasabi para hindi kana makasakit."
Napaisip ako sa sinabi nya. Parang bigla akong tumiklop at lahat ng paniniwala ko ay nagbago nung sya na ang nagsabi. Siguro nasasaktan yung iba sa mga sinasabi ko, never kong inisip yung nararamdaman ng iba dahil ang importante sa akin ako at ang mga kaibigan ko lang. Ang sama tuloy ng tingin ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Our First And Last Kiss (Completed)
RomanceLaitero at mapanghusga at lahat iyon binabase nya sa hitsura. *** Lumaking bully si Cholo at sa kanyang palagay ay normal iyon dahil sa masaya sila ng mga kaibigan nya. Mataas ang tingin ni Cholo sa kanyang sarili kaya mataas rin ang kanyang standar...