"Ser.. nandito napo tayo.." I heard my driver said. Nasa bintana pa rin ang tingin ko at patuloy pa rin nililipad ang isip ko.Napaka-bilis ng oras.. parang kahapon lang kasama ko pa sya. Hindi kopa rin tanggap na wala na sya.. na iniwan na nya ko. Parang ang hirap paniwalaan na wala na sya. Ganito pala ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay. Ang hirap at ang sakit. Hindi ko kaya yung ganitong klase ng sakit.
Lalo kapag naiisip ko yung nakangiting mukha.. tapos.. kapag tinatawag nya ko Nicole.. bigla-bigla na lang akong naluluha. Hindi ko alam kung paano ko pa sisimulan ang araw ko. Parang nakakatamad na mabuhay.
Kaagad kong kinuha ang panyo sa bulsa ko. Pinunasan ko ang nanunubig kong mata bago ako nagpasyang bumaba. Nandito ako ngayon sa ambassador kung saan naka-burol si Putla, parang nanghihina ang tuhod ko. Ito kasi ang unang beses na pumunta ako. Simula nung unang burol hindi ako pumunta dahil hindi ko kaya.
At kaya ako nagpunta rito dahil huling lamay na.
Kaagad akong sinalubong ni Pusit nang makita ako. Naka plain white dress ito. "Mabuti naman bumisita kana.. akala ko hindi ka pupunta.." sabi nya. Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam ang sasabihin instead I gave her small smile.
Naglakad kami papasok. Konti lang ang tao, napatingin sa akin ang mga ito pero diretso lang ang tingin ko sa harap. May frame sa harap ng kabao kung saan ang litrato ni Putla na malawak na nakangiti. Nag-init ang mata ko hindi pa man ako nakakapunta sa harap.
I walked slowly.. at sa bawat hakbang ko pabigat nang pabigat. Hanggang nakarating ako sa harap at nakita ko ang mukha nya. Para lang syang natutulog. Sunod-sunod tumulo ang luha ko kaya pinunasan ko agad ng panyo iyon.
I breathe heavily. Angat-baba ang dibdib ko kasabay ng paghagulgol ko. Naramdaman kong hinahagod ni Pusit ang likod ko. Iyak-iyak lang ako nang iyak. Hindi ko maipaliwanag yung sakit tanging pagluha ko lang ang nagpapaliwanag ng pagdadalamhati ko sa taong mahal ko.
Bakit kinuha ka agad sa akin ng diyos? Bakit sa lahat ng tao ikaw pa? Bakit kailangan mong sapitin ito? Napapikit ako sa impit na ungol kasabay ng pagluha ko. Parang habang tumatagal na nakatingin ako sa kanya mas lalong sumasakit. Mas lalong bumibigat. Mas lalo akong nahihirapan.
"A-Ang daya mo.." I took a deep breath. "S-Sabi ko s-samahan mo 'ko.." sabi ko kasabay ng pagtangis. "I-Iniwang mo 'kong n-nagiisa.." pinunasan ko ng panyo ang luhang sunod-sunod sa pagpatak. "P-pero kahit i-iniwan m-mo ko, M-Mahal pa rin k-kita.." I dramatically said. "M-Mamahalin pa rin kita kahit iniwan mo 'ko.."
Matapos kong sabihin iyon nagpahatid ako kay Pusit sa labas. Hanggang sa makasakay ako ay nandoon pa rin sya. Bago ko isara ang sasakyan nagsalita ito. "Cholo nandito lang ako." She said kaya napatingin ako sa kanya.
Panigurado namamaga ang mata ko. Dahil ang hapdi nito kakaiyak.
"Kung kailangan mo ng karamay, nandito lang ako handa akong makinig sa mga kwento mo." She gave me an encouraging smile.
Nagpahatid ako sa bahay nila Putla. Binili ko 'yon nung makulong ang Step-father ni Putla kasama ang mga ka-miyembro nitong sindikato. Nung araw rin na 'yon muling bumalik yung mga armadong lalaki sa bahay nila Putla at mabuti na lang nakatawag na non si Pusit sa mga pulis.
Nahulihan sila ng Droga at mga armas na walang lisensya.
Pagbaba ko ng sasakyan napatingin ako sa gate. Luma at kinakalawang na ito. Pumasok ako sa loob at umakyat sa itaas kung saan ang kwarto ni Putla. Naluluha kong hinihimas ang lahat ng gamit ni Putla.
Napansin ko ang isang bote na may lamang sulat. Kinuha ko iyon at pinagmasdan saglit. Posible kayang may mensaheng nakapaloob rito? Sa sobrang kasabikan binasag ko ang bote at kinuha ko ang papel na lamam non.
BINABASA MO ANG
Our First And Last Kiss (Completed)
Roman d'amourLaitero at mapanghusga at lahat iyon binabase nya sa hitsura. *** Lumaking bully si Cholo at sa kanyang palagay ay normal iyon dahil sa masaya sila ng mga kaibigan nya. Mataas ang tingin ni Cholo sa kanyang sarili kaya mataas rin ang kanyang standar...