Our First And Last Kiss written by ChologsabogsaKanina kopa sya nakikita. Habang naglalaro kami ng basketball, naligaw yata ang babaeng yan rito. Ewan ko pero mas lalo kong ginalingan kasi tinawanan nya ako ng makita kanina na natamaan ako ng bola sa pagmumukha kakatingin sa kanya. May mga ilang babae naman ang nanunuod sa amin at 'di hamak na mas maganda sa kanya. Pero sa kanya natutuon ang atensyon ko!
'Bakit sa madumi pa Cholo? Andaming fresh na babae dyan pero bakit laging nasa kanya ang atensyon mo?'
Nang matapos ang game ay panalo kami laban sa kabilang School. Practice game lang naman pero ayaw namin patalo syempre. Mabuti naman at umalis na yung babaeng weirdo or I say Putla. Habang umiinom ako ng tubig ay naalala ko na naman yung pangyayari nung nakaraang araw.
Flashback
"Tumayo ka nga dyan!" Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Nanatili pa rin syang nakaluhod. Hindi ko sure kung may ibang nakakita sa sitwasyon nya ngayon pero the hell I care!
Did I hear it right? Bingi ang babaeng ito! Hindi ko alam itong kakaibang feeling. Binabalot ako nito animong may mabigat na nagawa. Okay I feel guilty dahil naalala ko ang kapatid ko sa kanya na si Sassy! Damn. I feel sorry pero ayukong mag-sorry!
Labag man sa loob kong hawakan sya ay sapilitan ko syang itinayo. I wonder kung kumakain paba sya sa sobrang gaan nya. Hindi na ako magtataka kung mahirap lang sya kase its to obvious naman para itanong pa.
"Bingi ako, hindi kita marinig.." she look at me and smiled widely.
Napaisip ako kung bingi ba talaga sya. Kasi si Sassy hindi nakakapag salita sabagay pipi at bingi ang sister ko. She said na bingi lang sya. Imbis na magsalita naglakad ako palapit sa tenga nya at sumigaw ng sumigaw. Napaduwang sya ng malayo dahil sa sobrang lakas non. Narinig nya kaya? Baka naman nagkukunwari lang ang gagang 'to?
"M-Masakit.." may bahid ng pananakit ang tono ng boses nya.
Nakaramdam ako ng awa for unknown reason. Sa mga oras na ito naisip ko na sana hindi na lang ako nagpunta para hindi ako naguguilt ng ganito. Naalala ko kasi dati na palagi kong pinagtatanggol si Sassy sa mga nangaasar sa kanya ukol sa kapansanan nya. Tapos ngayon.. kabilang pala ako sa mga taong nangaasar sa mga katulad ni Sassy.. pero hindi ko naman alam. Siguro kung mas maaga kong nalaman maybe hindi ko ginawa ang mga 'yon.
Tinalikuran kona lang sya. Pansin ko lang na lagi akong ganito. Para akong gumawa ng problema tapos palagi kong tinatakbuhan.
"Pre natulala ka dyan?!" Malakas na tanong ni Alvin. Doon lang ako nabalik sa huwisyo tsaka tumingin sa kanila.
"Napaisip lang," dahilan ko.
"Ano naman naisip mo?" Tanong naman ni Aries.
Parang nahiya ako sabihin sa kanila "Sa akin na lang siguro 'yon." Napailing pa ako. Muli akong napasulyap sa kinaroroonan nya kanina.
"Nyay!! Lihim pa nga!! Baka naman tungkol yan ron sa babaeng trip mo!" Panghuhula nya. Agad akong umiling.
"Mag ML na lang tayo!" Suhestyon ni Aries and since tapos na kami sa practice game ay naglaro na lang kami ng Mobile Legends.
Naka-ilang laro kami bago kami nagdesisyon maligo sa shower room. Pagtapos maligo ay kanya kanya kami ng punas sa katawan tsaka sa buhok. Pare-pareho kaming nakatapis ng tuwalya. May iba kaming teammates rito but no one dare to talk to us. Kahit naman kasi teammates kami they should know kung sino kami. Mas mataas kami compare sa kanila.
"Tiktok tayo pre! Pasarap lang!" Alvin suggest.
Sabay kaming nagmake face ni Aries. Wala kaming amor sa ganyan. Twitter, Ig, ML lang kami. Hindi ko maimagine ang sarili ko na nagti-titok. Binigyan namin sya ng What-the-hell-look.
BINABASA MO ANG
Our First And Last Kiss (Completed)
RomanceLaitero at mapanghusga at lahat iyon binabase nya sa hitsura. *** Lumaking bully si Cholo at sa kanyang palagay ay normal iyon dahil sa masaya sila ng mga kaibigan nya. Mataas ang tingin ni Cholo sa kanyang sarili kaya mataas rin ang kanyang standar...