Our First And Last Kiss written by Chologsabogsa
Third POV
Kakauwi lang ni Evaline galing School. Alam na nya ang nag-aantay sa kanya, pagbukas nya pa lang ng pinto ay bumungad na sa kanya ang kalat ng Stepfather nya na inaasahan na nya. Wala namang bago dahil lagi naman ganito. Amoy na amoy ang alak, sumisingaw ito at talagang nanunuot ang amoy. Nagkalat ang bote sa sahig. Nagalat rin ang ilang gamit sa kanilang bahay.
Napangiwi si Evaline nang makita ang kanyang Tito June na nakasalampak sa sahig dahil sa sobrang kalasingan. Madalas itong mag-inom kaya palagi ang kalat at sya palagi ang naglilinis. Ayaw kasi ng Stepfather nya na magising ito ng ganito pa rin. Obligado na syang linisin ang kalat nito.
Nilinis ni Evaline ang lahat ng kalat. Halos masuka na nga ito nang makitang sumuka pa ang Tito nya sa sahig. Nandidiri man ay buong pwersa nya binuhat ang Stepfather nya sa Sofa para duon na makapag-pahinga. Nang maipunta nya roon tsaka nya nilinis ang suka nito.
Matapos maglinis ng halos dalawang oras ay umakyat na sya papunta sa kwarto nya. Hindi maganda ang mga gamit sa kwarto ni Evaline. Luma na ang tukador nya na halos ilang dekada na. Kupas at butas-butas na rin ang kurtinang nasa bintana nya. Luma na rin ang kutson na hinihigaan nito. At marurupok na ang kahoy sa kwarto nya.
Kahit na ganoon ang makikita mo sa loob ng kwarto nya ay masisiguro mong malinis ito.
Sanay sa hirap si Evaline, nabubuhay pa man noon ang Mama nya ay talagang dukha na sila. Isang kahig isang tuka ang ganap nila ng Mama nya kung minsan yakap kaldero pa. Bata pa lamang sya nang mamatay ang Ama at walang awa itong pinatay ng kaaway nilang grupo. Miyembro ng Sindikato ang kanyang Ama at iyon ang nakagisnan na hanap buhay nito.
Kaya nung magkaroon ng pagkakataon ang Mama nya na makapag Asawa ay ginawa nito. Pinatulan ng Mama nya ang Tito June nya na matalik na kaibigan ng Ama at isa rin itong miyembro ng Sindikato na kabilang ng Ama ni Evaline. Walang awa silang pumapatay kapag inuutos ng kanilang Amo kaya naman ng malaman iyon ni Evaline ay natakot sya na baka patayin sya nito.
Namatay ang Mama nya kasama ang Stepsister nito sa isang Car accident. Kasama sya nung araw na 'yon at sa kabutihang palad nakaligtas sa gitna ng kamatayan. Kaya lang nawala ang pandinig nya kaya magmula nung araw na 'yon ay hindi na sya nakarinig pero nagagawa naman nya makapag salita.
Sinisisi sya ng Stepfather nya sa pagkawala ng Asawa at nagiisang anak nya. Hiniling ng Tito June nya na sana sya na lang raw ang namatay. Wala namang dating iyon kay Evaline dahil hindi naman sya naririnig nito pero alam nyang galit sa kanya ang Tito nya. Sa kabila man ng mga nangyari sa kanya ay nakukuha nya pa ring ngumiti dahil ayon ang sabi ng Mama nya.
Kalimutan na nya ang lahat pero hindi ang ngumiti. Nakangiti sya kahit na anong mangyari.
Nagpalit lang ng damit si Evaline pagkatapos ay natulog. Sinigurado nyang ni-lock nya ang pinto ng kwarto sa takot na baka pasukin na naman sya ng stepfather nya. Kaagad rin sya nakatulog dahil na rin sa pagod. Ni-hindi na nga nya nakuhang kumain. Wala rin naman kasing pagkain.
Sariling gastos ni Evaline ang pagkain nya sa bahay nila. Sa konting kinikita nya sa trabaho nya ay nakuha nya pang bigyan ng kaunting pera ang Tita nya. Hindi sya pinapakain nito kaya para kay Evaline ang makakain ng isang beses sa isang araw ay sapat na. Masyado nya kasing tinitipid ang sarili nya kaya gano'n na lamang kaputla ang kutis nya at kagaan ang timbang nya.
Kinaumagahan gumising si Evaline ng nakangiti. Gusto nyang simulan ang araw na may ngiti at magandang gising.
Nang lumabas sa kwarto si Evaline tapos na nyang ayusin ang sarili nya. Sabik itong pumasok dahil sa bago nyang kaibigan na si Cholo. Noong una beses nyang makita ang binata ay talaga namang humanga na sya dahil sa angkin kisig nito kaya hindi nya namamalayan na napapangiti sya sa tuwing makikita nya ito nuon. Palihim pa nga syang nanunuod minsan kapag naglalaro ito ng basketball.
BINABASA MO ANG
Our First And Last Kiss (Completed)
RomanceLaitero at mapanghusga at lahat iyon binabase nya sa hitsura. *** Lumaking bully si Cholo at sa kanyang palagay ay normal iyon dahil sa masaya sila ng mga kaibigan nya. Mataas ang tingin ni Cholo sa kanyang sarili kaya mataas rin ang kanyang standar...