Chapter 12 - Katanungan

13 3 0
                                    

Our First And Last Kiss written by Chologsabogsa

Naglalakad ako sa Campus nang saktong makita ko si Putla na may hawak na sketchpad. Naglakad ako palapit sa kanya. Napangiti ako sa hindi ko malaman na dahilan. Kinalabit ko ito at nung makita ako malapad syang ngumiti. Naalala ko na naman yung pasa na nakita ko nung nagpunta ako sa kanila. Paano ko kaya sya mapapaamin? Meron kasi sa akin na gustong malaman talaga. Kapag nagtatanong naman ako sinasabi nya na aksidente lang 'yon. Kahit anong pilit ko ayaw nya patinag.

Nagsulat na lang ako.

Note: Sa Linggo Putla! Labas tayo! Libre ko!

Ayan yung nakasulat nung iniwan ko sya sa second floor. Nahihiya kasi ako pero ngayon ay gagamitin kona syang pagkakataon para malaman kung saan galing yung pasa na 'yon. Gusto ko rin syang kilalanin.

Binasa nya yung nakasulat at nakita kong namula sya bagay na nakapagpasaya sa akin. Ikinumpol nya pa muna yung buhok nya bago iyon nilagay sa likod ng tenga. I find her some cute! Ang kyut!! Parang gusto ko syang yakapin. Napahinto ako sa pagiisip! Bakit parang ang weird ko nitong mga nakaraang araw? Parang may mga bagay na hindi ko maipaliwanag..

Nagiging masaya ako kapag nakikita ko si Putla..

Kumakabog yung puso ko kapag masaya ang mga mata nya..

Humahanap ako ng paraan para makasama sya..

Ayukong nakikita syang malungkot..

Kompleto ang araw ko kapag kasama sya..

Hindi kaya nagugustuhan kona si Putla? Pero imposible!! Bakit naman ako magkakagusto sa kanya?!! Hindi sya yung mga tipo ko!! Mataas ang standards ko sa babae at ni-katiting walang wala si Putla sa mga 'yon! Kung tutuusin kabaligtaran nya kaya bakit ko sya magugustuhan?

"Hindi ba nakakahiya na gastos mo lahat?" Nahihiyang tanong ni Putla.

Nabalik ako sa huwisyo!

"Hindi!! Date natin 'yon-" napahinto ako sa pagsasalita ng marealize ko yung sinabi ko. Parang nagdadalawang isip ako kung ikoconsider ko bang date 'yon? Parang inaya ko lang naman kasi syang mamasyal at hindi pang-date si Putla!

"Ano? Isulat mo.." sabi sa akin ni Putla.

Iwinasiwas ko ang dalawang kamay ko sa ere. Nakaramdam ako ng matinding hiya dahil sa sinabi ko. Bakit koba nasabi 'yon? Natatanga na siguro ako nito lately. Naguguluhan ang tingin nya sa akin na para bang ako na ang pinaka weidro'ng nakilala nya.

"Ano ba?" Tanong nya.

Sa hiya ko iniwan kona syang nakatanga roon. Aish! Sa pagkakakilala ko sa sarili ko ay straight forward akong tao pero anong nangyayari? Pakiramdam ko hindi kona kilala ang sarili ko. Masasabi ko bang nagbago na talaga ako? Pero hindi! Tingin ko gano'n pa naman rin ako magisip hindi nga lang gano'n kalala tulad ng dati.

Nasalubong kopa si Samantha. Wala syang kasama at nakatulala lang ito sa akin. Inismiran ko lang sya, alam nyo yung feeling na ayaw nyo sa tao? Parang kahit anong gawin nya ay kinaiinisan kona. Yun na yung nafefeel ko kay Samantha. Naiinis akong ng walang dahilan. Normal naman siguro ang ganito kapag ayaw mo sa tao.

Tsaka allergic ako sa malalandi. Kaya rin siguro gano'n ako kay Pusit kase feel ko may malamdi vibes sya. Ayuko talaga sa malalandi, it reminds me kay Sandy. Yung malanding pinatulan yung magaling ko Ama.

Araw ng linggo. Sinabi nya sa akin na antayin kona lang raw sya sa kanto. Nag-ayos ako ng sobra to the point na ginamit ko yung bago kong pabango. Sinabihan ko rin sya na wag nyang kakalimutang maligo at mag-ayos. Mamaya ka sa sobrang casual ng suot e magmukhang katulong sya.

Our First And Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon