TFF CHAPTER 39

209 11 3
                                    

Author's Note:

Nagulat and at the same time natuwa ako pagkalog in ko kasi ang daming notifications. Salamat sa mga bagong nagvote at nagcomment sa mga chapter at nag-add ng TFF sa reading lists nila. Napasaya niyo ko grabe. ;)
Sorry ngayon lang ulit nakapagupdate. Sobrang busy, malapit na kasi finals namin. Huhuhu. Ito na update mga babyloves. Enjoy. :* <3

[SYCHIE'S POV]

"Bye kuya pasabi nalang kina mama na hindi ako dito makakapaglunch." rinig kong paalam ni Gio.

Pababa na ako ngayon para mag-almusal.

"Saan yun pupunta?" tanong ko kay kuya na nakaupo sa sofa at hawak-hawak ang cellphone niya.

Inangat naman niya yung ulo niya pagkarinig sakin.

"Ewan. Nagmamadali eh." Napatango lang ako. Ibinalik niya naman ulit ang tingin niya sa phone niya at nagtataka ako dahil ang lawak ng ngiti.

Hmm. Nangangamoy lovelife. Hahaha.

Pabagsak akong umupo sa sofa sa tabi niya. Nakakapagtaka lang kasi hindi naman yan mahilig gumamit ng cellphone ng ganito kaaga.

"Kuya para kang baliw diyan. Mapupunit na yung bibig mo sa lawak ng ngiti mo." sita ko sa kanya pagkaupong-pagkaupo ko.

"Just eat your breakfast babygirl. Huwag mo nalang akong pansinin." sabi niya nang hindi pa din inaalis ang tingin niya sa cellphone niya.

"Asus. Sino yang katext--" pinutol niya yung sasabihin ko.

"Kachat babygirl." pagtatama niya.

"Fine. Kachat. Sino yan? Ayeee. Bagong ate ko na ba?" panunukso ko sa kanya na may kasama pang pagsundot sa tagiliran niya.

"Ang kulit mo talaga babygirl." sabi niya sabay kurot sa magkabilang pisngi ko.

"Aw!" Tinanggal niya na yung mga kamay niya sa mga pisngi ko. Feeling ko pulang-pula na ng pisngi ko. Nakakaasar talaga to si kuya.

"Secret." sabi niya pa habang nakakalokong ngumiti.

"Pasecret-secret pang nalalaman. Malalaman ko din naman yan." sabi ko at binelatan siya.

Tumayo na ako at nagpunta kitchen. Nadatnan ko naman doon sina lolo at lola na nag-aalmusal.

"Good morning lolo at lola." bati ko sa kanila at humalik na din sa mga pisngi nila.

"Gising ka na pala apo. Join us." - lola

Tumango ako at kumuha na ng pagkakainan ko at umupo sa upuang nasa harap ni lola.

"Kumusta ang 2nd semester apo?" tanong sakin ni lolo.

Sumubo muna ako saka sumagot.

"Ayos naman po lo. Sisiguraduhin kong may award na naman akong matatanggap sa inyo. Hahaha." Nagtawanan kami.

"Kelan mo naman ipapakilala samin ng lolo mo ang boyfriend mo apo?" Bigla akong nasamid sa itinanong ni lola.

"La naman eh! Nambibigla ka. Soon. Hahaha." sabi ko sabay kindat.

Marami pa kaming pinag-usapan hanggang sa matapos na kaming kumain.

"Akyat na muna kami sa taas apo." Paalam nila sakin.

"Sige po."

Bumalik ako sa sofa. At naisip kong kulitin nalang ulit si kuya.

"Kuya sino kasi yan? Dali naaaaa." sabi ko at sinundot-sundot ang tagiliran niya.

"Secret. Hahaha." sabi niya at tumawa ng nakakaloko.

"Dali na kasi kuyaaa. Ang daya mooo." Susundutin ko na naman sana siya ulit sa tagiliran kaso umiwas na siya.

"Isa. Kapag di ka tumigil, ako kikiliti sayo." Napasimangot naman ako dun. Isa kasi sa mga weakness ko ang kiliti.

"Hmp. Ang daya talaga."

"Nga pala, ano yung sinasabi ni Brent na may dalawa ka daw boyfriend na pumunta dito kahapon?" Napailing nalang ako habang tumatawa.

"Makukurot ko na naman yung batang yun."

"Sino ba yung mga yun?" tanong niya ulit. This time, ibinulsa niya na ang phone niya. Sasagutin ko na sana siya nang biglang may nagdoorbell.

"Buksan mo na babygirl." utos niya sakin.

Tumayo na ako at binuksan ang gate.

Tumambad sakin ang mukha ng dalawang naggagwapuhang nilalang.

"Hi babe." bati ni Wil sabay kindat sakin. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagsiko sa kanya ni Brylle.

"Baliw to." I rolled my eyes.

"Tara na?" tanong sakin ni Brylle.

Ay oo nga pala. Kasama nga pala ako sa panliligaw namin sa Macy na yun. Hmp. Kung ibang babae lang sana, hindi sana ako ganito kabitter.

"Pwedeng maligo muna ako? Ang aga niyo naman kasi." reklamo ko.

'"Okay." sabi ni Brylle.

"Sychie pakain." Natawa naman ako bigla kay Wil.

"Pasok muna kayo. Sa sala niyo nalang ako hintayin." Nauna akong maglakad at sumunod lang sila sakin. Pagkapasok namin, nandun parin si kuya at seryosong nakatingin saming tatlo.

"Kuya Clyde, mga kaibigan ko nga pala sina Brylle at Wil. Brylle, Wil, kuya ko nga pala si kuya Frank." pagpapakilala ko sa kanila.

"Sino ang boyfriend ng kapatid ko sa inyo?" Nanlaki naman ang mga mata ko and at the same time namumula ang mukha ko dahil sa tanong ni kuya sa kanila.

"Kuya! Ano ka ba!" Pinandidilatan ko siya ng mga mata. Nakangisi lang siya.

Nilingon ko naman yung dalawang nasa tabi ko. Nagtawanan sila.

"Ayoko sa maliliit at maingay. Hahaha." Brylle. Nagulat ako ng makipag-apir sa kanya si kuya. Nagtawanan silang tatlo.

Pinagkakaisahan nila akong tatlo. Kainis. Bakit ang bilis naman ata nilang magkasundo?

"Che! Maiwan ko na nga kayo!" sabi ko at padabog na umakyat sa taas.

"Hmp. Kapag talaga ikaw Brylle nainlove sakin, papahirapan kita ng bongga saka kita sasagutin!" inis na sabi ko pagkapasok ko sa kwarto ko.

Naligo na ako at nagbihis na saka bumaba. Nadatnan ko silang nagtatawanan at nagkakainan ng cookies.

"Oh nandito na yung date niyong dalawa. Ingatan niyo yung kapatid ko ah! Ibalik niyo ng buo." sabi ni kuya.

"Baka nga kami ang dapat mag-ingat eh." Wil at may kung anong ibinulong kay kuya.

"Nadali mo! Hahaha." Kuya habang tawa ng tawa.

"Tara na. Mauna na kami kuya Clyde." Brylle at hinila ang kamay ko. Nakikikuya na si Brylle myloves ko. Improving! Hahaha.

Huwag ka ng umasa.

Ang kj talaga minsan ng utak ko. Ay palagi pala. 

"Nakakainis ka Brylle." sabi ko pagkapasok namin sa sasakyan niya.

"Bakit?" Isinuot niya sakin ang seatbelt at binuhay ang makina.

"Sabi mo kasi ayaw mo sa maingay at maliliit. Ako yung pinapatamaan mo eh."

"Hmm..Medyo okay ka na rin naman sakin. Maganda ka naman." sabi niya dahilan para magwala na naman ang mga paru-paru sa tiyan ko kasabay ng pagbilis ng pagtibok ng puso ko.

At makakalimutan niyo rin bang mabilis akong mamula?

_______

Author's note:

Anong masasabi niyo sa chapter na to? Hmm. Comment na! Hahaha. :D

THE FACEBOOK FLIRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon