TFF CHAPTER 20

218 12 3
                                    

Author's Note:

Thank you sa mga sumusuporta sa TFF. Loveyouuuuuu. XOXO :*

[SYCHIE'S POV]

"Ano?!" sabi ko habang nanlalaki ang mga mata.

"Meron nga ata siguro siyang malaking problema. Tara na sunduin na natin siya."

Ang pinag-uusapan namin ngayon ay ang bestfriend ni kuya na si kuya Dennis. Sa pagkakaalam ko, ni isang beses ay hindi pa yun nakakatikim ng alak. Hate na hate nun ang uminom. At ngayon, mababalitaan ko na lang na naglalasing siya.

"Pagbihisin mo muna ako kuya. Ayaw mo naman siguro akong pumunta dun ng nakapantulog lang?"

"Fine. Make it faster. Sa baba nalang kita hihintayin." Pagkalabas niya, sinarado ko na agad yung pinto.

Nagmadali akong kumuha ng isang jeans at t-shirt sa drawer ko. Nagbihis ako kaagad. Ipinusod ko yung buhok ko at nagpulbo then lumabas na.

"Tara na kuya." Tumango lang si kuya.

Pumasok na kami agad sa kotse.

"Nasaan ba daw siya kuya?" tanong ko agad pagkaupo ko.

"Sabi nung babaeng kausap ko sa phone, nasa WDPM siya. Tinry niya daw tawagan yung mga nasa contacts ni Dennis sa phone dahil lasing na lasing na daw at hindi na kayang magdrive."

"Ang laki nga siguro ng problema niya kuya. Wala ba siyang nababanggit sayo?"

"Sa pagkakaalam ko, his ex was the reason but I'm not sure."

"Pero kahit na. Hindi nainom yun si kuya Dj. Ayaw na ayaw nun ng alak." Dj tawag ko kay kuya Dennis kasi Dennis James yung buong first name niya.

"Iba ang nagagawa ng mga bigo sa pag-ibig, babygirl."

"Naks kuya! Nilalagnat ka ata. Talagang sayo pa nanggaling ang salitang pag-ibig? Wow!" Pumalakpak pa ako niyan. Si kuya na never pang nagkagirlfriend sa edad na 20 ay magsasalita ng ganyan? Unbelievable!

"Tsk." sabi niya habang umiiling.

"Sagutin mo na kasi si Aj kuya para magkagirlfriend ka na at hindi mo na ako guguluhin sa pagtawag tuwing natutulog ako." I am pertaining to Ann Jeneth.

Bigla naman siyang napapreno. What's with Ann Jeneth? Hmm.

Pinaandar niya ulit yung sasakyan.

"Wag mong binabanggit sakin ang pangalan niya." Liningon ko siya. Huh? Bat mukha siyang galit na galit?

"Oh-kay?"

Hindi na siya ulit nagsalita at patuloy lang sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa WDPM.

Pagkapasok namin ni kuya, sumalubong sa amin ang halo-halong ingay ng mga tao kasabay ng ingay ng tugtog. Ngayon pa lang ako nakapasok sa ganitong lugar. Hindi naman kasi ako party girl. Mas gugustuhin ko pang magstay sa bahay.

Hinanap namin si kuya Dj.

"Ayun kuya oh!" Sabi ko habang tinatapik si kuya.

Pinuntahan na namin kung nasaan si kuya Dj. Nakaupo si kuya Dj habang nasa right side naman niya ang isang babae. Yun siguro yung tumawag kay kuya. Mukha naman siyang mabait. Ang amo kasi ng mukha niya.

"Bro, tama na yan." Sabi ni kuya habang inaagaw ang baso na may alak sa kamay ni kuya Dj.

Aysh. Ngayon pa ako nakaramdam ng pagkaihi.

Binulungan ko si kuya na magsiCR muna ako saglit. Tumango lang siya.

Ano ba yan. Hindi ko nga pala alam kung nasaan ang CR dito. Hay. Bahala na kahit nakakahiya.

"Ahm. Ateng kasama ni kuya Dj, pwede magpasama sayo sa CR? Hindi ko kasi alam kung saan banda eh." sabi ko habang nagkakamot ng ulo.

"Sure." sabi niya at ngumiti.

Pagkadating sa CR, pinabalik ko na siya kina kuya baka kailanganin siya dun.

Pagkatapos ko magCR ay nagsalamin muna ako ng kunti at saka lumabas na.

Habang naglalakad ako pabalik kina kuya, may biglang humatak sa akin at isinandal ako sa pader. 

_______

Author's note:

Anong masasabi niyo sa chapter na to? Hmm. Comment na! Hahaha. :D

THE FACEBOOK FLIRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon