TFF CHAPTER 42

209 7 0
                                    

[SYCHIE'S POV]

"Oy goku wag ka namang humarang diyan sa pinto. Nagmamadali ako eh. Tabi!" sabi ko kay Mikhel na ngayon ay nakatayo sa may pintuan.

"Bakit ka nagmamadali chichi? May date ka ba?" Mas lalo siyang humarang. Naku naman. Maaabutan niya na ako. Maaabutan na ako ni Brylle sa room.

"Wala. Basta. Tabi na kasi. Nagmamakaawa ako tumabi ka na."

"Okay. Basta sa isang kondisyon." seryoso niyang sabi.

"Ano? Bilisan mo na sabihin mo na dali." Lumapit siya sakin at bumulong.

"Hahahahahahahaha." Bwisit na lalaking to.

"What?!" iritado niyang tanong.

"Wala. Sige bye goku torpe. Tabi na." Nagpapatulong kasi siya sakin na pormahan ang isa sa mga kaibigan ko, si Chelsie Eunice. Napailing nalang ako. Mukhang mahihirapan ako sa dalawang to, malaki ang galit ni Chelsie sa kanya eh.

"So pumapayag ka na?" I just rolled my eyes.

"May magagawa ba ako?" Ngumisi siya at agad namang tumabi.

Ang kaso nga lang huli na.

Pagkatabing-pagkatabi ni Mikhel ay siya namang pagtambad ng taong limang araw ko ng iniiwasan.

Si Brylle.

Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Oy sweetheaaaaaaart!" Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Isa lang ang masasabi ko, hulog siya ng langit.

"O bakit?" Nakatingin siya kay Brylle pero agad naman siyang bumaling sa akin.

"Ay wag nalang pala." bigla niyang sabi.

"Ha? Ano nga?" Please. Ialis mo ko dito Dave. Ayokong maiwan kasama si Brylle. Natatakot ako. Natatakot akong sobrang mahulog sa kanya dahil alam kong hindi niya ako masasalo.

"Magpapatulong sana ako ngayon sa project ko eh. Pasahan na kasi pero di ko parin tapos." Jusko. Hindi na pala siya hulog ng langit.

"Okay sige tara na." Hinawakan ko siya sa kamay. At hinila na para makalayo kay Brylle.

"Sychie." mahinang tawag sakin ni Brylle pero rinig ko parin kasi hindi pa naman kami nakakalayo ni Dave.

Huminto ako sa paglalakad pero hindi ko siya nililingon. 

"Iniiwasan mo ba ako?" sabi niya ng may nakakalungkot na boses.

Bakit ba siya umaaktong ganito?

Bat naman siya nalulungkot?

Nagugustuhan niya na ba ako?

Aysh. Syempre hindi. Ano ba tong pinag-iisip ko. Pinapaasa ko lang sarili ko eh.

Nilingon ko siya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang lakas parin talaga ng epekto niya sakin kaya buo na ang desisyon ko. Kailangan ko na talaga siyang layuan. Sila na nga ata ni Macy ulit eh. Nakita ko kasing nandito yung babaeng yun noong isang araw. Naku talaga kapag nalaman ko lang na tinatimer niya parin si Brylle. Wala talaga akong ititira sa buhok niya. Makikita niya.

"H-ha? A-ano bang pinagsasabi mo Brylle? Syempre hindi. Sige mauna na kami ah." Sorry Brylle. Ayokong mahulog ng husto sayo.

Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya. Tumalikod na ako at naglakad na kaming dalawa ni Dave palayo.

"Mali yung ginagawa mo." seryosong sabi sa akin ni Dave.

Tiningala ko siya. Ang tangkad naman kasi nito.

"Tingin mo?"

Tumango siya.

"Masakit na kasi." My voice broke.

"Masakit na din." malungkot na sabi niya. Napabuntong-hininga nalang ako.

Bakit kasi hindi nalang si Dave no? Hindi sana ako ngayon broken hearted.

***

[BRYLLE'S POV]

"Tingin mo babe saan mas magandang pagbakasyunan natin? Boracay, Tagaytay o Baguio?"

"Babe."

"Ano nga ulit?" tanong ko kay Macy. Kanina pa kasi siya salita ng salita pero hindi ko naman pinapakinggan kasi iniisip ko parin ang ginagawang pag-iwas sakin ni Sychie.

Nagkabalikan na nga pala ulit kami ni Macy. Pagkagising na pagkagising niya mula dun sa pagkakahimatay niya, sinabi niya agad na kami na. Dapat nga nagtatalon ako sa tuwa pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla kong naalala ang mukha ni Sychie. 

"Sabi na eh you're not listening. May nagbabother ba sayo babe?" Simula ng maging kami ulit, naging extra sweet siya. Biglang naging ibang Macy ang nasa harapan ko ngayon.

"Ahm. Wala babe. Iniisip ko lang yung report ko para bukas." pagdadahilan ko nalang.

"Okay. Pagod ka na siguro kasi galing ka pang school. Tara uwi na tayo babe." Ibang-iba talaga siya ngayon. 

Tumango lang ako at tumayo na.Tumayo na rin siya at agad na kumapit sa  braso ko. Tinawag ko yung waiter at inilapag sa mesa yung bayad namin saka umalis na. Narinig ko pang sinabi ng waiter na yung sukli ko daw pero hinayaan ko na.

Bakit ko ba kasi iniisip si Sychie ngayon?

Di ba dapat hinahayaan ko na siya tutal kami na naman ulit ni Macy?

Nakakainis tong ganito.

_______

Author's note:

Anong masasabi niyo sa chapter na to? Hmm. Comment na! Hahaha. :D

THE FACEBOOK FLIRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon