TFF CHAPTER 22

219 11 0
                                    

[SYCHIE'S POV]

Aysh. Asan na ba yung necktie ko? Alam ko iniready ko na yun eh. Malelate pa ata ako dahil dito. Tsk.

First day ng second sem namin ngayon. At heto nga ako naghahagilap ng necktie. Kinuha ko yung flashlight sa drawer ko. Then dumapa ako at pinailawan ko yung ilalim ng kama ko.

Ayun! Paano naman to napunta dito? Inabot ko yung necktie kaso medyo malayo. Naman eh! 6:30 na! 8am pa naman yung pasok ko. At balita ko yung first subject ko ngayong MWF ay nanarado ng pinto.

Tumayo ako then inusog ko yung kama ko. Ang bigat pala. Lumabas muna ako at naghanap ng tutulong sakin. Yun nga nakita ko yung kapatid kong si Gio na nakapikit habang naglalakad. Inaantok pa ata ang isang to. Mamayang 1:00pm. pa naman pasok niya pero ang aga niya atang nagising ngayon?

Kinalabit ko siya. Agad naman niyang idinilat ang mga mata niya.

"O?" Nakakunot yung noo niya.

Hindi na ako sumagot at hinila nalang agad siya papasok sa kwarto ko.

"Buhatin mo yan at may kukunin ako sa ilalim." utos ko sa kaniya.

"Tsk." Mabuti naman at sinunod niya agad ako. Kinuha ko na agad yung necktie ko.

"Thank you!"

"May bayad to." Ngumisi siya.

"Mukha ka talagang pera!"

"Hindi pera."

"Ano?"

"Tulungan mo ako sa panliligaw kay Sofia." Seriously?

"Bat sakin? Ano namang alam ko sa panliligaw? Kay kuya ka nalang magpatulong." sabi ko sa kaniya. Kinuha ko na yung bag kong nakapatong sa kama ko.

"Hindi pa nga nagkakagirlfriend yun eh. Sayo nalang kasi medyo pareho kayo ng taste ni Sofia."

"Fine. Sige pasok na ako."

Pagkalabas ko ng bahay, sakto namang paalis na si kuya.

"Kuya hatid mo muna ako!" Sabi ko para tipid pamasahe. Hahaha.

"Okay babygirl." Yes!

Kapag walang traffic, 30 minutes lang naman ang biyahe papuntang school pero kung traffic ay inaabot ng isang oras. Sa tingin ko naman, hindi traffic ngayon.

Makapagselfie nga muna! Hahaha. Kinuha ko na yung cellphone ko. Click dito, click doon, iba't-ibang pose. Napapailing nalang sakin si kuya.

Pinost ko na agad yun sa facebook. Nilagyan ko ng captio na, "First day of second semester. :D"

Nagfacebook muna ako saglit habang hinihintay na makarating sa school.

May mga nagmessage sakin pero tanging kay Brylle myloves lang yung binuksan ko.

Brylle Art Mendez

Hindi ako nawrong send. Hindi naman to text. Huwag mo na ulit ako tatakbuhan.

Hindi ko naman na talaga siya tatakbuhan eh. Tutulungan ko siya kahit medyo naguguluhan pa ako  a pangyayari. Sineen ko nalang yung message niya. Wala akong maisip ireply eh.

Nandito na pala kami sa tapat ng gate.

"Thank you kuya!"

"Magpakabait ka!"

"Matagal na akong mabait."

"Hindi halata. Hahaha." sabi niya sabay ginulo yung buhok ko. Argh!

"Kuya naman eh!" Tumawa lang ulit siya at pumasok na agad sa sasakyan at pinaandar na ito.

Hindi pa ako nakakapasok sa gate nang harangin ako ng isang guard. Mukhang bago siya dito. Saan na si manong guard na panot?

"ID mo?" Sabi ni manong guard na pogi.

Mukhang nasa 20+ ata to. Pwede ngang pangmodel ng bench eh. Hm. Mas okay siya. Hahaha. Aga-aga landi ko na namn.

"Nawawala po eh. Nakakapasok naman po ako dito dati gamit yung registration form habang nagpapagawa pa ng panibagong ID."

"Asan na yung registration form mo?" Kinuha ko na agad sa bag. Hala. Wag niyong sabihing naiwan ko? Hinalungkat ko yung bag ko. Binuksan ko na lahat ng bulsa sa bag ko pero wala talaga.

Lumingon ako kay kuyang pogi. Nagkamot ako ng ulo. Kapag tinamaan ka naman ng kamalasan oh. Tsk.

"Naiwan po ata. Hehe."

"Uwiin mo muna." Hala. Seryoso ba siya? Tiningnan ko yung relo ko, 20 minutes nalang first subject ko na.

Joke lang pala yung sinabi kong mas okay siya. Ang sungit eh.

"Pero po malelate ako kapag bumalik pa---" Naputol bigla yung sasabihin ko nang biglang may nagsuot ng kung ano sa leeg ko. Pagtingin ko, yung ID ko pala. Hala.

Teka. Paanong?!

Nilingon ko yung nagsuot nun sakin. Tumambad sakin ang ubod ng gwapong mukha ni Brylle. Napanganga ako. Bumilis agad yung tibok ng puso ko. May kung ano sa tiyan ko. Halos hindi ako makahinga.

"Pinabibigay yan sakin ng kaibigan ko, naiwan mo daw sa SCOOPy-doo. Pumasok ka na baka malate ka pa." Nagsimula na siyang maglakad palayo pero nanatili parin ako sa pwesto ko. Nakatitig lang ako sa kanya. Bat ba lagi akong natutulala sa kanya? Ni hindi man lang ako nakapag thank you.

Nilingon niya ako. Hindi pa naman siya masyadong nakakalayo kaya rinig ko pa din ang huling sinabi niya.

"Susunduin kita after class. Wag na wag mo akong tatakasan." sabi niya at tumalikod na.

Napatulala pa ako ng ilang minuto.

Tiningnan ko yung wrist watch ko.

Hala. Oh my Gosh!

Malelate na pala ako!

Dali-dali akong tumakbo papunta sa room ko.

_______

Author's note:

Anong masasabi niyo sa chapter na to? Hmm. Comment na! Hahaha. :D

THE FACEBOOK FLIRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon