TFF CHAPTER 25

190 11 0
                                    

Author's note:

Salamat nga pala sa mga bagong nag-add ng The Facebook Flirt sa reading lists nila. Suportahan niyo din po sana yung isa ko pang story, Eight-inch Gap. Sorry ngayon lang ulit nakapag-update. Pasukan na naman kasi. I'll try my best na makapag-update 4 times a week. Sana may magbasa parin. :)

Pili kayo ng itatawag natin sa love team nila. :)

1- Chielle

2- Bryllchie

3- Syrylle

Vote wisely! Lol. XD

[SYCHIE'S POV]

Nandito na kami sa loob ng kabahayan nila. Kung sa labas palang ay maganda na, lalo namang nakakamangha ang loob. Inilibot ko lang yung tingin ko sa kabahayan nila.

"Kumain na muna kayo." yaya ng mama ni Brylle sa amin. Tatanggi sana ako kaso biglang.

"Kruuuuuuu." Tunog ng tiyan ko yan.

"Wag ka ng mahiya, narinig ko yun." bulong sakin ni Brylle.

Kinagat ko nalang yung pang-ibabang labi ko. Nakakahiya ka talaga Sychie.

Pagpunta namin sa dining area, may nakaupo na dun na isang lalaki na sa palagay ko ay papa ni Brylle. Ang ganda naman ng lahi ng mga to. Ang sarap maging parte ng pamilya nila. Hahaha.

Siguro kumakain sina tita nang mangatok kami ni Brylle.

May kapatid kaya siya o nag-iisang anak lang?

"Good afternoon po." bati ko sa papa niya.

"Good afternoon din. May bisita pala tayo. Maupo ka iha." sabi ng papa niya.

Ano to? Meet the family? Ayieee. Level up na talaga kami.

Assuming ko talaga. Hahaha.

"Thank you po." Nakakahiya talaga. Bakit pa kasi sa bahay pa nila.

Nagsimula na kaming kumain. Billy pala pangalan ng papa niya then nag-iisang anak lang pala si Brylle. Pagkatapos naming kumain, dumiretso kami ni Brylle sa may sala nila. Yung mga magulang niya, may pupuntahan daw kami lang pati ng dalawang katulong nila ang maiiwan sa bahay nila.

"Anong feeling ng walang kapatid? Hindi ba nakakaboring?" Basag ko sa katahimikan. Hindi kasi ako sanay ng nanahimik lang eh.

Umupo na kami sa may sofa.

"Boring sobra pero nung nagkaroon ako ng mga kaibigan, hindi na. Lalo na si Wil, palagi yung nasa bahay. Ang kaso halos mag-iisang linggo na siyang hindi pumupunta dito." sabi niya.

Akala ko talaga nung una, napakasuplado niya yung tipong nakakatakot kausapin. Ang seryoso kasi ng mukha niya at mukhang suplado.

"Bakit naman?"

"Nagkaproblema yung pamilya nila. Nastroke yung dad niya. Hindi ko pa nga nabibisita doon. Kinukumusta ko lang sa text. Mamaya paniguradong dadalaw na talaga ako."

"So para mo na pala siyang kapatid."

Tumango siya.

"Ikaw may kapatid ka ba?" tanong niya sakin.

"Meron. Apat kami. Pangalawa ako sa panganay. Tapos nag-iisang babae lang ako."

"Ah."

"Ahm. Bakit mo nga pala ako hinila papunta dito?" Hindi ko na mapigilang maitanong kasi naguguluhan na talaga ako sa sitwasyon eh.

"Mamaya na natin pag-usapan pagkababa ako. Akyat lang ako, magpapalit ng damit." paalam niya sakin. Paakyat na siya pero naisipan niya ulit bumalik. Ini-on niya yung tv nila.

"Manood ka muna habang naghihintay sakin. Hawakan mo, ilipat mo nalang sa ibang channel kung ayaw mo niyan." Inabot niya sakin ang remote control at saka umakyat.

Hindi ko na inilipat. Nanatili lang akong nakaupo doon habang nanonood.

Napapahikab na ako. Sanay kasi akong natutulog pagkauwi galing school eh.

Haaaaaay.

[BRYLLE'S POV]

"Tsk. Ang init." reklamo ko.

Maligo muna kaya ako bago ako bumaba? Hindi naman ata yun magagalit kapag pinaghintay ko ng ilang minuto at tsaka malilibang naman yun sa panonood. So yun nga napagpasyahan kong maligo muna.

After 20 min., lumabas na ako ng banyo at nagbihis na at saka bumaba. Nasa may hagdan palang ako ay kitang-kita ko na ang natutulog na si Sychie.

Akala ko pa naman maaliw siya sa panonood. Antukin pala tong babaeng to. Tuluyan na akong nakababa at nakalapit sa kanya. Para siyang anghel kapag natutulog at nakangiti pa siya. Ang sarap talaga pisilin ng pisngi niya lalo na kapag napapahiya siya o napipikon o di kaya kinikilig kasi ang bilis mamula.

May boyfriend na kaya siya? Mukhang wala pa naman ata kasi hindi naman siya magmemessage ng ganun sa facebook kung may boyfriend nga siya. At bakit ba ako nangingialam? Ano naman kung meron o wala? Ah. Nevermind.

Kinuha ko yung unan na nasa tabi niya at ginamit kong pang-unan sa ulo niya. Naisipan kong huwag nalang siyang gisingin dahil mukhang sarap na sarap na siya sa pagtulog.

Kaya ang ginawa ko nalang ay kinuha yung laptop ko at gagawa nalang ng powerpoint para sa irereport ko habang hinihintay kong magising siya.

_______

Author's note:

Anong masasabi niyo sa chapter na to? Hmm. Comment na! Hahaha. :D

THE FACEBOOK FLIRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon