TFF CHAPTER 7

314 16 0
                                    

[SYCHIE'S POV]

Brylle Art Mendez accepted your friend request. 2 hours ago.

Yes! Natupad na yung wish ko. Sabi na eh totoo yung 11:11 na yan eh. Araw-araw ko kayang inaabangan yan tapos nagwiwish ako. Wish granted na sa wakas. Magpapakastick to one na akoooooooooo.

Good bye na sa mga kalandian koooooooo. Hahahahaha.

Ang saya talagaaaaaaaaaa.

Para akong ewan dito sa loob ng kwarto habang ang lapad ng ngiti ko tapos nagtatalon pa ako sa kama ko. Kinikilig kasi talaga ako. Kayo kaya? Yung 6 months mahigit mo ng pinagpapantasyahan sa fb ay inaccept yung friend request mo. O diba ang saya?

Tiningnan ko kung nakaonline pa siya kaso nakaoffline na pala. Haaay. Sayang naman.

Binisita ko na lang yung timeline niya. Kinlick ko yung yellow star so meaning kabilang na siya sa 3 na nakaclosefriend sa fb ko. At ibig sabihin din nun ay updated na ako sa mga posts niya. Eng seye de be?

Pero mas okay sana kung idinadagdag ng fb sa list yung heart tapos meaning nun loved ones. Panigurado si Brylle lang nakalagay dun.

Pero pwede ring ilipat ko na siya sa list ng family kasi siya na yung soon to be husband ko. Tae ang landi ko.

Ano ka ba Sychie? Ang layo niyan, pano mo mapapakasalan? Ano yun hihilain mo palabas ng screen?
Utak 1

Yep. Tsaka sa gwapo niyan, malamang may girlfriend na yan. Masasaktan ka lang.
Utak 2

Love at website? Duh!
Utak 3

Ang dami kong utak no?

Lahat pa sila komokontra sakin.

Mga bully. Psh.

Tumambay muna ako sa timeline niya. May nakuha na naman akong dalawang picture. Ang hilig din nitong magselfie eh. Mayaya ko nga tong makipagselfie sakin. Joke. Nasa ibang lupalop pala to. Imposible.

Oops! May nagmessage. Tiningnan ko kung sino yun. Si Raymond Perez pala. Isa sa mga nilalandi ko sa fb world. Sineen ko lang. Sabi ko nga sa inyo seryoso ako dun sa pagpapakastick to one eh.

Umalis na ako sa timeline niya. Baka kasi mabaliw na ako dito kakangiti habang nakatitig sa picture niya. Ipinunta ko na sa timeline ko.

Hmm. Makapagpost nga.

Sychie Arielle Martin

Inaccept niya na yung friend request ko. <3

Like  Comment  Share

Uusisahin na naman ako nito ni kuya panigurado. Chismoso yun eh. Hahahaha. Shhh. Huwag niyo kong isumbong.

Nang magsawa na ako sa kakafb, nagbasa nalang ako sa wattpad. May inaabangan kasi akong update ng story ni Alyloony na The Falling Game eh. Ang ganda ng story promise kaso on going pa lang. Okay lang, worth it naman paghihintay ko. Nag-update na siya ng panibagong three chapters. Nakakakilig talaga tong story na to.

Matapos kong mabasa yung story ay inioff ko na yung cp ko. Alas tres na pala. Kaya pala nagugutom ako ngayon. Makapagmeryenda na nga.

Bumaba na ako tapos nagpaalam kay mama na bibili lang ng meryenda sa labas. Tumango lang si mama kaya lumabas na ako.

Ano bang pwedeng kainin? Ahm. Bubog nalang kaya? Hahahaha.

Naglakad-lakad lang ako sa village namin ng mapahinto ako sa may bakery. Tinapay nalang bibilhin ko para sure na busog. Bumili ako ng halagang 30 pesos tapos bumili na din ako ng halo-halo sa tindahan katabi nitong bakery.

Ay yung limang piso ko nahulog. Nako naman oh. Agad kong pinulot at pag-angat ko ay may natapunan ako ng halo-halo. Di ba kasi nga may hawak din akong halo-halo.

Patay.

"Look what you've done miss! Argh!" Hala. Shunga mo talaga Sychie.

"A-ah ano. So-sorry. Sorry talaga." Baka ipakulong ako nito. Ay sira di naman malaki ang kasalanan ko dito eh.

"You ruined my date! Tsk. Clumsy b*tch!" sabi niya at sabay umalis na. Binangga pa niya yung balikat ko. Ang sakit pa naman.

Ang taray naman ni ate. Nagsorry na nga ako di ba?

Waaaaaaaah. Yung halo-halo koooooooo. Sayang yung 15 pesos ko. Fifty pesos lang dala kong pera. Wala nakong halo-halo. Tinarayan pa ako nung babae. Shunga ko kasi.

Ang sakit. Di ko man lang natikman yung halo-halo. Five pesos nalang pera ko. Ang liit lang ng halo-halo na mabibili ko nito. Ayokong mabitin. Kung hihingi naman ako ng pera sa bahay, tinatamad na akong bumalik ulit para bumili.

Nanlulumo akong umuwi sa bahay.

_______

Author's note:

Anong masasabi niyo sa chapter na to? Hmm. Comment na! Hahaha. :D

THE FACEBOOK FLIRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon