TFF CHAPTER 14

221 12 0
                                    

[WIL'S POV]

"Argggghhhhhhh! Ang tanga mo talaga Wil!"

Kanina ko pa sinesermunan ang sarili ko sa katangahang ginawa ko. Malalagot talaga ako nito kay master Brylle.

Buti na lang ang gwapo ko. Walang connect? Walang basagan trip. Gusto ko lang isingit ang kaguwapuhan ko.

Napasabunot ako sa buhok ko.

"Sh*t! Sh*t! Sh*t!"

Flashback

Sinend ko na yung message. Naghintay ako ng ilang sandali pero maya-maya ay bigla na siyang nag-out.

Ipinunta ko na lang sa timeline yung facebook ko. Magpopost ako ng "Ang gwapo ko." Paniguradong uulanin na naman ng likes at comments. Hahaha. Ganun talaga.

Pagkapunta ko sa timeline, laking gulat ko ng mukha at pangalan ni Brylle ang nakalagay. Doon ko naalalang facebook pa nga pala ni Brylle ang ginagamit ko at hindi ko pa nilalog out. Dali-dali ko naman itong nilog out. Pagkalog out, dun ko naalalang may chinat nga pala ako. Yung may-ari nung ID na napulot ko. Nako lagot talaga ako nito kay master kapag nakita niya yung conversation namin. Paniguradong malilintikan ako. Nakalimutan ko naman kasi. Ang tanga kong gwapo.Tsk. 

End of flashback

At yan nga ang katangahang ginawa ng gwapong si AKO.

Nandito ako ngayon habang paikot-ikot sa sala nila Brylle.

Hindi talaga ako mapakali. Lintek na yan.

Beeeep! Beeeep!

Author:
Pasensya naman sa effects. Tunog po yan ng paparating na sasakyan. Hahaha. Intindihin niyo na lang.

Bigla akong kinabahan.

Agad akong nagtungo sa may gate. Kung hindi si Brylle, sina tito at tita ang dumating.

Pagkabukas ko ng gate, bumungad sakin ang kotse ng mga magulang ni Brylle.

Pagkatapos nilang maipark ang kotse, naunang lumabas ang papa ni Brylle at pumunta ito sa may kabila kung nasaan ang mama niya at pinagbuksan ito ng pintuan ng kotse. Pagkababa ni tita ay agad na inilagay ni tito ang kamay niya sa palibot ng baywang ni tita. Ang sweet ng mga to.

KaPDA nga diyan. Hahahaha.

"O Wil! Nandito ka pala. Kanina ka pa ba? Si Brylle?" tita

"Ah tita wala po eh. Pinuntahan po si Macy. Masama daw kasi ang pakiramdam ni Macy." sabi ko habang nagkakamot ng batok.

Nagsimula na kaming maglakad papasok sa bahay nila.

"Ganun ba? Maalalahanin talaga yung anak natin dy, parang ikaw noon." Naiinggit na talaga ako. Authoooor pengeng chiiiiiix.

"Oo nga my. Ang demanding mo pa nga tuwing nagkakasakit ka." sabi ni tito at pinisil ang ilong ni tita.

"Bakit di ka kasi umaangal?"

"Alam mo na yun."

Nakikinig lang ako sa pag-uusap nila. Ayokong masira yung moment. Lakas makaPBB Teens ng mga magulang ni master.

"Bakit nga? Hindi ko kaya alam. Hahaha." tita

"Sus." tito

"Ano nga? Hinihintay ko yung sagot mo dy." tita habang nakangisi

"Mahal nga kasi kita my." Yun oh! Mas lalo akong nainggit sa mga to.

"Mahal din kita dy."

"Hinihintay mo pa ba si Brylle, iho?" tita. Sa wakas napansin din ako. "Huwag ka munang umuwi dito ka na lang kumain."

"Sige po. May kailangan din kasi akong itanong sa kaniya."

Yun nga kumain na kami.

Pagkatapos kumain ay pumunta na kaming tatlo sa sala. Binuksan ni tito ang tv at yun nga balita pa lang. 7:30 pa lang kasi eh. Mga hanggang 8:30 hihintayin ko si Brylle. Aayusin ko yung ginawa kong katangahan. Usap lang kami ng usap ni tito about sa business na ipapatayo nila papa habang si tita ay tutok sa panonood pero paminsan-minsan ay nakikisali rin.

Nagpaalam muna akong magsiCR.  

"Anak kumain ka na. Nandun yung pagkain mo sa mesa. Tinakpan ko." tita

"Kumain na ako mom kila Macy."

Nadito na pala si Brylle. Dinig ko kasi yung usapan nila kasi nandito ako sa kusina tumuloy pagkatapos kong magCR para uminom ng tubig. Naglakad na ako papuntang sala.

"Ganun ba. Kumusta na siya?"

"Ayos na mom. Akyat na ako sa taas."

"Sama bro."

"Nandito ka pa pala."

"Oo kaya nga nakikita mo pa ako eh." Sinamaan ako ng tinigin. Pikon talaga kahit kailan. Hahaha.

Umakyat na kami sa kwarto niya.

Kinakabahan ako. Tae.

"Bro pabukas naman ako ng fb mo."

"Huh?"

"Pabukas ng facebook mo."

"May facebook ka naman ah."

"May titingnan lang ako."

"Okay." Nang kukunin ko na yung cellphone niya, agad namang may tumawag sakin.

Sinagot ko naman agad.

"Hello?"

(Anak asan ka ngayon? *sniff* Umuwi ka na *sniff* agad. Bilisan moooo!) Bat naman naiyak si mama?

"Ha? Bakit? Sige ma."

Pinatay ko na agad.

"Anong nangyari bro?" Brylle.

"Ewan. Umiiyak si mama eh. Sige alis na ako."

"Sige matutulog na din naman ako. Balitaan mo ako."

"Ge."

Nagmadali na akong bumaba. Nandun pa din sina tito sa sala. Nagpaalam agad ako sa kanila at sumakay na sa kotse ko.

Sh*t! Hindi ko pa  nabubura yung message ko kay Sychie!

Bahala na mas importante ngayon sila mama.

_______

Author's note:

Anong masasabi niyo sa chapter na to? Hmm. Comment na! Hahaha. :D

THE FACEBOOK FLIRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon