TFF CHAPTER 4

364 15 0
                                    

[SYCHIE'S POV]

"Ako din dapat ikiss ni ate."

Lah?

Emeged! This can't be!

Nilingon ko yung taong sumabat na ngayon ay nakadungaw sa bintana ng kotse. Bakit ko ba kasi binuksan yung bintana.

"Sapak gusto mo?"

"Ikaw talaga sweetheart. Ganyan ka ba talaga makamiss?" sabi niya sakin at ngumisi ng nakakaloko.

Ilayo niyo sakin tong lalaking toooooooooo! Please laaaaaaaang! Ilayo niyo si Dave Fernandez!

"Sino ba may sabing namiss kita? Bat ka ba nandito? Di ba nasa probinsiya ka?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"Huwag ka namang magpahalatang sobra mo akong namiss sweetheart. Dito na kasi ako mag-aaral. Dun sa West Point University." Aba talaga tong lalaking to. Dun pa sa school ko mag-aaral. Kill me now.

"Tigilan mo ako kakasweetheart mo! Lumipat ka ng school."

"Ang cute kaya pakinggan. Ayoko ng LDR sweetheart. Matagal na nga akong nahiwalay sayo tapos ayaw mo pang magkasama tayo sa iisang school." Nakapout pa siya niyan. Kadiri. Ang bakla.

Napalingon siya sa kapatid ko.

"Yan na ba yung sinasabi ni tita Shanine na si baby Brent? Ang laki na niya ah. Hi baby." Lumingon naman sa kanya yung kapatid ko.

"Sino siya ate?" tanong sakin ng kapatid ko. Sasagot na sana ako kaso naunahan ako ng unggoy nato.

"I'm your soon to be brother-in-law baby boy. Apir." Aapir na sana yung kapatid ko kaso agad kong nahawakan yung kamay.

"Baby wag mo siyang pansinin. Maglaro ka na ulit." sumunod naman sakin yung kapatid ko. Nilingon ko siya.

"Arggh! I hate you! Umalis ka diyan sa bintana kung ayaw mong mabali yang leeg mo pag sinara ko to." Nakakainis talaga. Nakakabv.

"I hate you more sweetheart. Sabi kasi nila the more you hate, the more you love. Ayieeee." Uulanin na naman po ako ng kakornihan ng unggoy nato. Kaasar.

"Gusto mo ba talagang maputol ang leeg mo o aalis ka diyan?"

"Oo na sweetheart aalis na." Pagkaalis na pagkaalis niya ay isinara ko agad yung bintana. Mahirap na. Tsk.

Magugulo na naman ang buhay ko. Nagbalik na siya. Nagbalik na si Dave Fernandez. Nakakaasar talaga.

Si Dave Fernandez ay kababata kong monggoloid. Ay mali, may sira sa utak pala. Magkapitbahay kami as in magkatabi lang yung bahay namin. Pinadala siya ng papa niya sa probinsiya nung maghighschool kami kasi napabarkada siya. Tuwang-tuwa nga ako nun kasi wala ng mangungulit sakin. Tapos ngayon? Tsk. Tsk. Tsk.

After 123456789 seconds, sa wakas dumating na din si kuya.

"So tara na? Kasama ko nga pala si Dave babygirl. Sm tayo." Ay anak ng tokwa naman. Di ko siya napansin.

"Hindi na kuya. Kayo na lang. Ihatid mo nalang ako sa bahay kasi marami pa akong rereviewhin." Palusot ko lang naman talaga yan. Kanina pa nga ako kating-kati magshopping eh kaso nandito yung mokong kaya wag nalang.

"Hindi ka sasama sweetheart? Nakakalungkot naman."

"Sama ka na babygirl. Kaya mo naman yang exams niyo eh. Dali na." Hay kuya sorry talaga.

"Hindi na kuya. Next time nalang."

"Okay sige."

"Hindi mo man lang kukulitin sumama yung kapatid mo kuya Clyde? Namiss ko kaya siya." Epal talaga.

"Sasama naman talaga yan kaso nandiyan ka kaya ayaw niya na. Hahahaha." Tama kuya!

"Ang hard niyong magkapatid. Tsk. Sige tayo nalang magdate kuya Clyde." Abnormal talaga to.

"Ang bakla mo Dave. Kadiri. Tsk."

"Joke lang. I mean tayo na lang gumala. Namiss kong gumala dito. Puro puno kasi nandun sa probinsiya. Di tuloy naeexpose kagwapuhan ko."

"Ayan napapala ng hindi nagtitino. Ngayon ba matino ka na?" Wag mo na tanungin kuya. Halata namang di pa din siya matino.

"Oo naman kuya."

"Magkwekwentuhan nalang ba kayo?" Umextra nako. Mapapahaba pa usapan nila eh.

"Sumakay ka na dun sa backseat Dave. Hatid muna natin sila ni Brent tapos diretso tayo sa mall." Sumunod naman siya agad kay kuya. Kwentuhan lang sila ng kwentuhan habang nakasalpak yung earphone sa tenga ko. Si baby Brent naman nakahiga sa lap ko. Inaantok na ata to. After a few minutes, nakarating na kami sa labas ng village namin.

"Ah kuya dito nalang kami ni baby Brent." Balak ko pa kasing dumaan sa ice cream parlor eh. Di ba nga ililibre ko yung kapatid ko. Kanina pa kasi siya nagkecrave. At ahem. Mabait kasi akong ate. Mag-agree kayo.

"Sure ka ba babygirl?"

"Mapapagod ka sweetheart."

"Dito na kami. May dadaanan pa kasi ako." Hindi ko na sinabing sa ice cream parlor kami dadaan kasi for sure sasama silang dalawa. Okay lang sana kung si kuya lang. Sama ko no?

"Okay sige." Maglalakad na sana kami papasok sa village nang tawagin ulit ako ni kuya.

"Babygirl! Teka lang!" Nilingon ko siya na nakadungaw sa bintana ng driver's seat. Nakalipat na pala sa tabi niya si Dave.

"Bakit kuya?" Wag mong sabihing sasama sila? Wag po please.

"Yung ID mo nga pala." Phew! Buti na lang. Kinuha ko na agad yung ID ko at nagpatuloy na kami ni baby Brent sa paglakad.

_______

Author's note:

Anong masasabi niyo sa chapter na to? Hmm. Comment na! Hahaha. :D

THE FACEBOOK FLIRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon