TFF CHAPTER 16

198 13 0
                                    

[BRYLLE'S POV]

Nilog in ko yung facebook ko. Tiningnan ko agad yung message. Binuksan ko isa-isa at yun nga nakita ko yung conversation namin ni Sychie Arielle Martin.

Binasa ko lahat yun.

Sh*t! Who did this?! Wala akong alam dito. Kaya naman pala nakipagbreak si Macy dahil dito. Mukhang nahacked ata yung facebook ko.

May naalala ako bigla.

Flashback

"Bro pabukas naman ako ng fb mo." Wil

"Huh?"

"Pabukas ng facebook mo." Wil

"May facebook ka naman ah."

"May titingnan lang ako." Wil

"Okay."

End of flashback

Si Wil nga! Siya lang naman ang lalaking maraming baong pick-up lines.

Pinakaginagamit niya sa mga pinopormahan niya ay ang, "Miss chinese ka ba?" Sigurado na akong si Wil nga ang may gawa nito. Kaya pala gusto niyang makigamit ng facebook kanina.

Humanda talaga sa akin yun!

Tiningnan ko yung timeline nung Sychie. Wait parang nakita ko na yung mukha niya. Saan nga ba?

Tama! Siya yung may-ari nung ID. Kinuha ko sa drawer ko yung ID. Siya nga talaga. Humanda rin ang babaeng to sakin.

Nagtype ako ng message at sinend ko agad sa kaniya.

[SYCHIE'S POV]

"Awwww!"

Anak ng! Nahulog na naman ako sa kama ko. Ang likot ko ba talaga masyado?

Hinimas-himas ko yung pwet ko. Ang sakit. Huhuhu. Nakatulog pala ako agad kanina. Natulugan ko nga din yung facebook ko.

Tiningnan ko yung oras sa laptop. Ala una na pala. May mga nagmessage pala sa facebook ko. Laking gulat ko ng isa sa mga yun ay si Brylle myloves! Omg talaga!

Sychie kalma! Whoooooo!

Pinapaypayan ko yung sarili ko. Sa facebook pa yan, paano na kaya kapag nagkakilala kami sa personal.

Nang kumalma na ako, binuksan ko na. Nanlaki yung mga mata ko.

Oh my gulay! Baka naman nawrong send lang siya?

Pero sino bang niloko ko?

Chat tapos marowrong send?

Pero why?

Bakit ganito yung message niya?

Ito lang naman yung message niya.

Brylle Art

HUMANDA KA SAKIN BUKAS SA SCHOOL! ALAM KONG SIGURADONG PUPUNTA KA DAHIL ENROLLMENT YUN. MALAKI ANG GINAWA MONG KASALANAN KAYA SIGURADONG PAGBABAYARAN MO. MAGKAPAREHO LANG DIN TAYO NG SUBDIVISION KAYA HINDI MO AKO MATATAKASAN SYCHIE ARIELLE!

Sabihin niyo nga sakin. May natatandaan ba kayong naging atraso ko sa kanya? Wala di ba? Anong ibig sabihin nito? At tsaka magkapareho kami ng school at subdivision? Hala. Patay.

Pero wala naman talaga akong natatandaang naging kasalanan ko eh. Ang sweet niya pa nga sakin kanina. Nagpipick up pa siya. Baka nga mali lang ng napagsendan. Hindi naman siguro para sa akin yun.

Nagkibit-balikat lang ako.

Nagtype ako ng message para sa kanya.

Sychie Arielle

Namali ka ata ng pinagsendan. Hahaha.

Tiningnan ko lang yung ibang message. Nagmessage pala sakin yung mga kaibigan ko. Lahat sila pinaalalahanan akong enrollment bukas.

Natatawa nalang ako. Nilog out ko na yung facebook ko. Magbabasa nalang muna ako ng stories sa wattpad habang nagpapaantok ulit. Hindi naman maaga yung enrollment bukas. Mga 1pm. pa naman daw yung start kaya okay lang kung magpuyat ako ngayon. Mga 4am na nung makatulog ako ulit.

_______

Author's note:

Anong masasabi niyo sa chapter na to? Hmm. Comment na! Hahaha. :D

THE FACEBOOK FLIRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon