TFF CHAPTER 21

215 13 0
                                    

[SYCHIE'S POV]

Automatic na nanlaki ang mga mata ko pagkakita ko sa mukha ng taong humatak sakin.

Si Brylle!

"Sychie..." sabi niya ng mahina.

Hindi ako makasagot. Para akong biglang naestatwa.

Parang gusto kong paypayan ang sarili ko. Whoooo! Ang init!

Sobrang lapit kasi ng mga mukha namin. Amoy na amoy ko yung pabango niya lalo na yung bibig niyang amoy alak. Bat nga ba to umiinom?

"Sychie..." tawag niya ulit sakin. Titig na titig siya sakin.

"A-ah ba-bakit?" Anak ng tokwa. Bibig umayos ka naman!

Nalalasing ako habang tinititigan siya. Mas gwapo siya sa malapitan!

"Tulungan mo akong maibalik siya sakin. Please." This time yung boses niya ay may tonong pagmamakaawa. Nakikita ko sa mga mata niya ang matinding kalungkutan. At parang kumikirot ang puso ko habang tinititigan ko ang mga mata niya. May biglang tumulong likido galing sa mga mata niya.

Hala. Anong gagawin ko? Anong gusto niyang maibalik namin? I mean sino pala?

Awang-awa ako habang nakatitig sa maamo niyang mukha. Bigla siyang yumuko. Pagyuko niya, napapansin kong tumataas-baba ang balikat niya. Naririnig ko ang hagulhol niya kahit medyo mahina yun. Nakakulong pa din ako sa kanya at nakasandal sa pader.

"Uhm. B-brylle." Nauutal na naman ako.

Hindi niya inangat yung ulo niya. Patuloy lang siya sa pag-iyak.

"Please." Nakakadala yung boses niya. Parang ako yung nasasaktan para sa kanya.

"Please." Ulit niya.

"Nandito ka lang pala Brylle! I've been looking for you for about half an hour! Umuwi na tayo. Lasing na lasing ka na." sabi ng babaeng biglang sumulpot sa harapan namin.

Inangat niya ang ulo niya at muling nagtama ang mga mata namin. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Feeling ko biglang nanlamig pareho yung kamay ko. Ang lambot ng mga kamay niya. Mas malambot pa ata kesa sa akin eh. Parang ayoko na tuloy hugasan yung mga kamay ko. Pero hindi naman kasi pepuwede yun.

"Please. Please. Please." Pagmamakaawa niya ulit sakin.

"Ano ba Brylle! Tara na! Nakakahiya sa babae." Hinila nung babae ang mga kamay ni Brylle.

Aysh. Dapat di niya muna hinila. Nag-eenjoy pa ako.

Langya Sychie. Hindi to oras para lumandi.

Kj utak ko. Himala hindi sila triplets ngayon.

Bago sila umalis, humingi ng paumanhin sakin yung babaeng nagpakilalang kaibigan niya. Tinanguan ko lang siya tapos ngumiti.

Hindi pa ako nakakabalik sa puwesto namin kanina nang salubungin ako agad nung ateng kasama ni kuya Dj.

"Tara na daw sa labas. Kanina pa naghihintay yung kuya mo. Nag-aalala na siya kung napano ka na daw." Nginitian ko lang siya at sabay na kaming pumunta sa kotse.

"Kayo na bahala diyan. Uuwi na din kasi ako." Paalam samin ni ate.

"Okay ate---" Ay. Di ko nga pala alam pangalan niya.

"It's Xyrelle. Xyrelle Fermil." putol niya sa sasabihin ko.

"Saan ba uwi mo ate Xyrelle? Isasabay ka na namin ni kuya."

"No thanks. May kotse naman akong dala. Byebye." sabi niya nag nakangiti sabay tumalikod na siya samin at nagtungo na sa may pinagparkingan ng kotse niya.

Pumasok na ako sa kotse.

"Ang tagal mo babygirl."

"Sorry kuya."

"Saan pala natin dadalhin si kuya Dj?" tanong ko kay kuya na nagsimula ng paandarin ang makina.

"Hatid nalang natin sa condo niya."

"Okay." Hindi na nagsalita pa si kuya kaya tumahimik na din ako.

Naaalala ko tuloy yung mukha ni Brylle. Yung mga mata niyang malulungkot. Yung pag-iyak niya.

Mukhang kailangan ko nga talaga siyang tulungan.

Paano?

_______

Author's note:

Anong masasabi niyo sa chapter na to? Hmm. Comment na! Hahaha. :D

THE FACEBOOK FLIRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon