TFF CHAPTER 46

180 6 0
                                    

[SYCHIE'S POV]

What are you waiting for?
Call my number, knock on my door
Nandito lang ako
How I wish you'll le--

Dinampot ko na yung cellphone ko. Tumatawag si Brylle. Ang bilis naman ata niyang makarating sa kanila.

Sabi niya kasi tatawagan niya raw ako kapag nakauwi na siya sa kanila.

Sinagot ko na.

"Hello?"

(Hello.) Shet. Kinikilig ako sa boyfriend KO. Hahaha.

"Nakauwi ka na?"

(Yup. Matutulog ka na?) Ang sexy ng boses niya.

"Oo sana. Kaso sabi mo tatawag ka pa."

(Ano ng ginagawa mo ngayon myloves?) Mas lalo akong kinikilig kapag binabanggit niya yung endearment namin.

"Hmm. Nakahiga na. Ikaw myloves?"

(Kakahiga ko lang. Matulog na tayo myloves. Maaga pa pasok natin bukas.)

"Okay. Good night myloves."

(Kantahan mo ko.) Napangiti naman ako. Ang cute kasi ng pagkakabigkas niya. Parang bata.

"Okay. Bayang magiliw--"

(Ako ba pinagloloko mo Sychie Arielle Martin?)

"Hindi po Brylle Art Mendez." Humagikhik ako.

(Sige na matulog ka na myloves. Good night.)

"Good night din myloves.)

(Sweet dreams. I love you Sychie Arielle Martin.) Namumula na ako sa kilig.

"I love you too Brylle Art Mendez."

(I'm sure you're blushing right now.) He chuckles.

"Hi-hindi n-no."

(Hindi nga. Hindi ako nagkakamali. Hahaha. Where's my good night kiss myloves?) Gumulong na talaga ako sa kama ko. Habang pinipigilang tumili.

(Myloves? Still there?) Teka lang naman Brylle. Kinikilig pa ako.

"Yup." Kinagat ko yung pang-ibabang labi ko.

(Where's my good night kiss?) Heto na naman siya.

"Mwah!" sabi ko pagkatapos ay kinagat ko na naman ang pang-ibabang labi ko para hindi ako makatili.

(Very sweet. Here's mine. Mwaaaaah.) Ang sarap pala talaga ng feeling na may boyfriend.

"Matulog na nga tayo. Kinikilig na ako masyado. Hahaha."

(I don't think I can sleep now.) Ako rin Brylle.

"Bakit naman?"

(I can't stop myself from thinking of you.) Bakit ba ang keso ng lalaking to.

"Brylle naman ehhhh."

(I'm dying to see your blushing face right now. Hahaha.)

"Kasalanan mo to."

(I love you Sychie. I love you. I love you. I love you. I love you. I love you. I love youuuuuu.) Ano bang gagawin ko sa lalaking to. Sobra-sobra kung magpakilig.

"Ang kulit-kulit mo talaga. I love you too." Hangin please!

(Mahal mo naman. Hahaha. Ang hirap ipress ng end call. I love your voice Sy.)

"Eleven na po Brylle Art. We should sleep now if you don't want us to get late." Ang totoo niyan ayoko parin talagang matapos ang pag-uusap namin.

(Okay myloves. I love you.)

"I love you too myloves." sabi ko at kasabay nun ay ang pagkaputol ng linya.

Tama nga siya. Ang hirap matulog kapag tumatakbo siya sa isipan ko.

Naipakilala ko na nga pala siya sa pamilya ko. Tanggap na tanggap siya ng lahat. Though nung una gulat sila kasi biglaan daw at tsaka hindi man lang daw nila alam kong nanligaw ba si Brylle. Sabi ko naman sa kanila pwede naman akong ligawan ni Brylle kahit kami na. Sumang-ayon nalang sila.

Sa bahay na nga naghapunan si Brylle. Tatanggi sana siya kaso hinila na siya nila papa.

Alas diyes na nga siya nakauwi sa kanila dahil kinausap pa siya ni papa. Hindi ko nga alam kung anong pinag-usapan nila pero itatanong  ko nalang sa kanya bukas.

Ang sarap talagang maging girlfriend ngisang Brylle Art Mendez. Hindi parin ako makapaniwalang kami na talaga.

He's my first boyfriend and hope to be the last.

Bigla kong naalala yung kulitan namin kanina sa kotse habang hinahatid niya ako sa bahay namin. At hindi ko na naman maiwasang mapangiti.

Flashback

"Ang cute mo sa picture na to. Brylle." sabi ko habang hawak-hawak yung picture niya nung 3 years old siya na naliligo sa bathtub. Hawak-hawak siya ng mommy niya. Ang ganda ng ngiti niya dun at yung pisngi niya ang taba at mamula-mula. Hiningi ko iyon kay lola Aurora kanina.

Napatingin siya sakin habang hawak-hawak parin ang manibela. Nakahinto ang makina ng sasakyan dahil sa sobrang traffic.

"Patingin." Akmang kukunin niya sa kamay ko pero agad ko iyong iniwas sa kanya.

"Tingin lang di pwedeng hawakan." sabi ko at ipinakita yung litrato sa kanya.

Automatic na namula siya. Tinawanan ko siya.

"Give it to me Sy. Nakakahiya. Kita yung ano ko diyan." Mas lalong lumakas ang tawa ko. You heard it right. Kita yung junior niya dito. Ang liit. Hahaha.

"Ayoko nga. Bigay to sakin ng lola mo. Itatago ko to." Grabe parin ang pamumula niya. Halatang-halata ang pamumula niya dahil mestizo siya. Ang sarap niyang asarin.

"Ibigay mo na myloves. Please." Pinipilit niyang kunin pero mabilis kong iniiwas sa kanya.

"Ayoko parin kahit magpacute ka pa ng todo." Binelatan ko siya.

"Ayaw mo talaga?"

Umiling ako.

Palapit siya ng palapit sakin.

"Ayaw mo parin?" One inch nalang ang pagitan ng mga mukha namin. Nakangiti siya habang nakatingin sa labi ko.

"Gusto mo talagang mahalikan no?" Tumango ako. Mas lalong lumawak ang ngiti niya.

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinintay na dumapo ang labi niya. Pero lumipas na ang limang segundo wala parin kaya idinilat ko na.

Aba ang loko nagpipigil ng tawa.

"Nakakainis ka talaga."

"Hahahahahaha." Inirapan ko siya. Paasa eh.

"Sige sayo na yan." sabi niya nung natapos na siya sa pagtawa.

"Talagang akin na to."

"At akin na din to." sabi niya at hinalikan ako bigla. I get it. He's referring to my lips!

End of Flashback

Kinapa ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras.

Mag-aalas tres na! Ilang oras na siyang tumatakbo sa isip ko.

_______

Author's note:

Anong masasabi niyo sa chapter na to? Hmm. Comment na! Hahaha. :D

THE FACEBOOK FLIRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon