TFF CHAPTER 28

210 8 0
                                    

[BRYLLE'S POV]

"Sino bang tinitingnan mo sa mga babaeng yan bro?" Nilingon ko si Frank na may ngiting makahulugan.

Napailing ako. "Tss. It's not what you think."

"O...kay?" Hindi niya parin inaalis ang ngiti niya.

"Okay sweetheart." Parang biglang nag-init ang ulo ko sa narinig ko mula sa isang lalaki, lalaking katabi kanina ni Sychie.

Bakit ba ako nagagalit? Nakita ko nalang ang sarili kong naglalakad palapit sa mesa nila.

"Pwede bang mahiram muna si Sychie?"

Bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat.

"Sige." Sagot nung isa sa mga kaibigan ni Sychie.

Tumayo na siya at agad ko ng hinila.

"Pasabi nalang kay Dave naabduct ako ng alien. Byeeee!" Yan ang paalam niya sa mga kaibigan niya.

"Oy may next class pa ako. Saan mo ba ko dadalhin? Ililibre pa ako ni Dave." sabi niya pagkalabas namin sa gate.

Tiningnan ko siya. Nakapout siya. Ang sarap na naman tuloy niyang pisilin sa pisngi.

Pigilan mo ang sarili mo Brylle. kausap ko sa sarili ko.

"Ako nalang manlilibre sayo."

"Talaga?" Namimilog ang mga mata niya. Ang hilig ng babaeng to sa libre.

"Dalawang oras break mo ngayon diba?" sabi ko. Nagulat siya.

"Bakit mo alam?"

[SYCHIE'S POV]

"Dalawang oras break mo ngayon diba?" Nagulat ako. Paano niya nalaman?

"Bakit mo alam?" tanong ko.

Kinuha niya yung cellphone niya sa bulsa at may pinakita siyang picture. Natawa ako bigla.

"Dinaig mo pa stalker ko! Hahaha." Yung picture lang naman na pinakita niya ay picture ng schedule ng pasok ko.

"Mas mabuti ng sigurado na hindi mo na ako matatakasan."

"Hindi na nga sabi ako tatakas. Ang kulit nito."

"Boyfriend mo yun?" Biglang tanong niya. Kinuha niya ang helmet at ibinigay sakin.

"Huh? Sino?"

"Yung lalaking kasama mo kanina." Ay si Dave pala tinutukoy niya.

"Hindi ko yun boyfriend. Kababata ko yun."

"Kelan pa naging sweetheart ang pangalan mo? Sa pagkakaalam ko Sychie ang pangalan mo, pinalitan mo na pala?" Natawa na naman ako.

"Hahaha. Trip lang niya yun." Sinuot ko na yung helmet at sumakay na sa motor niya.

"Tsk. Mas gwapo pa naman ako dun." Biglang sabi niya. Ano daw? Di ko narinig yung sinabi niya, pabulong kasi.

"Ano?"

"Maganda ka sana kaso ang bingi mo." Pinaandar niya na yung motor. Yumakap na ako sa may bewang niya.

"Maganda ka sana kaso ang bingi mo."

"Maganda ka sana kaso ang bingi mo."

"Maganda ka sana kaso ang bingi mo."

"Maganda ka sana kaso ang bingi mo."

"Maganda ka sana kaso ang bingi--

Hep! Tama na author. Unli eh.

Sinabi niyang maganda ako.

Sinabi niyang maganda ako.

Sinabi niyang maganda ako.

Sinabi niyang maganda ako.

Sinabi niyang maganda ako.

Nahawaan na ako ng author.

Kasi naman nakakakilig diba? Diba? Yung crush mo sinabihan kang maganda?

Nararamdaman ko na namang nag-iinit ang mukha ko. Kasi naman tong Brylle nato. Ang daling magpakilig.

Pasimple ko siyang inaamoy.

Gosh! Ang bango niya!

Ano kayang pabango nito?

"Yumakap ka sa bewang ko baka bigla ka nalang mawala sa likod ko." Sinunod ko siya. Kasi nga sabi nila, "Grab the oppurtunity." Ito na yun! Hahaha.

Wala akong ibang ginawa kundi amuyin siya hanggang sa makarating kami sa isang restaurant.

Ano ba yan. Nakakabitin naman.

Bumaba na ako at tinanggal yung helmet ko. Ganun din ang ginawa niya. Lumapit siya sakin at tsaka bumulong na ikinapula na naman ng pisngi ko.

Ito lang naman yun.

"Baka maadik ka sa bango ko. Mahirap yan. Hahaha." Humalakhak pa siya niyan.

At naiwan nga akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Nakakahiya ka talaga Sychie.

Alam niya pala.

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!

_______

Author's note:

Anong masasabi niyo sa chapter na to? Hmm. Comment na! Hahaha. :D

THE FACEBOOK FLIRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon