TFF CHAPTER 41

208 9 0
                                    

Author's Note:

Update ulit. Sorry ngayon lang nakapag-update. Busy parin kasi eh. Maintindihan niyo po sana. :(
Pinagrereplayan ko yung mga comments. Nakakatuwang basahin yung mga comments lalo na kapag mahahaba.
Salamat sa patuloy na pagbabasa mga babyloves. :*

[BRYLLE'S POV]

Kanina habang kinukuha niya ang bulaklak na gusto niya, hindi ko maiwasang hindi siya mapagmasdan.

Ang ganda niya pala talaga.

Ang ganda ng mga mata niya na pinaganda pa lalo ng mahahaba niyang pilikmata. Matangos ang ilong niya. Ang labi niya ay may kapulahan. Mahaba ang buhok niya na may natural na kulot sa dulo. Mukha siyang manika.

Dumadagdag sa kagandahan niya kapag namumula ang mga pisngi niya. Ang sarap pisilin.

Nabigla nga ako ng awtomatiko kong kunin mula sa kamay niya ang bulaklak at sinabing bibilhin ko iyon.

Ano ba tong mga pinag-iisip ko?

Tsk. Tsk. Tsk.

This is crazy. Really really crazy.

Sa dinami-dami ng pwede niyang magustuhan, bakit naman si Wil pa? Kahit kaibigan ko yun, hindi ko naman hahayaang masaktan si Sychie nang dahil sa kanya.

Isa na si Sychie sa espesyal na babae sa buhay ko.

Napakamasayahin niya at napakadaldal. Kapag pagmamasdan mo siya, mawawala ang kung anumang negatibong nararamdaman mo.

"Bro diba sa bahay tayo nila Macy? Lampas na tayo oh." Natigil lang ang pag-iisip ko ng kung ano kay Sychie nang magsalita si Wil.

Oo nga. Lampas na nga kami sa bahay nila Macy.

Ano ba to.

Inikot ko agad yung sasakyan at inihinto sa tapat ng bahay nila Macy.

Kinuha ko na yung boquet ng red roses at lumabas na sa kotse saka umikot ako para pagbuksan si Sychie ng pinto.

"Thank you ." sabi niya at ngumiti.

[SYCHIE'S POV]

Nandito na kami sa tapat ng bahay nila Macy. Ang ganda at ang laki nito kompara sa amin.

Pinindot na ni Brylle ang doorbell at agad namang binuksan ng isang katulong ang gate.

"Sir Brylle kayo po pala. Ano pong kailangan niyo?" tanong nito.

"Si Macy po manang Luz? Nandiyan ba?"

"Opo. Teka, tatawagin ko lang po."

Pumasok na ulit yung katulong para tawagin nga si Macy.

Lumapit ako kay Brylle at tinapik siya at pinilit kong pasayahin ang sarili ko para sabihan siya ng, "Goodluck." Nagthumbs up pa ako niyan.

Tumango lang siya.

Dakilang Masokista Award goes to

............

Tentenentenen!

............

Sychie Arielle Martin!

Haaaay. Bakit ba ang tanga ko? Alam ko namang masasaktan lang ako pero sumama parin ako dito.

"Hindi ka ba talaga nakakaintindi ng salitang break?! Ano na naman ba to Brylle?" Naiinis na bungad ni Macy pagkalabas niya.

"Magsimula tayo ulit Macy. Nandito ako para manligaw ulit sayo. Please Macy." Lumapit sa kanya si Brylle at ibinigay sa kanya ang boquet.

THE FACEBOOK FLIRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon