TFF CHAPTER 23

192 12 0
                                    

[SYCHIE'S POV]

Kinakabahan talaga ako ngayon.

Susunduin niya daw ako.

Halos hindi na tuloy ako makapakinig ng maayos sa professor ko. Naman eh.

"This is the format you will follow in making your position paper." sabi ng prof. namin habang may hawak na hand-outs na ipamimigay niya.

Ibinigay niya yung mga yun sakin kasi ako yung nasa malapit sa table niya.

"Distribute this." sabi niya sakin. Aysh. Tofu naman oh. Ito yung disadvantage kapag nasa unahan ka eh. Ikaw ang unang nakikita para utusan. Tumango lang ako.

Nagpaalam na siya sa klase at nagsimula na akong magpamigay ng mga hand-outs sa mga kaklase ko.

"Sino kayang sinusundo ni Brylle? Parang may hinihintay siya sa section natin eh." Narinig kong sabi ni Trina, isa sa mga kaklase ko.

Kinabahan na talaga ako. Nagpatuloy parin ako sa pamimigay. Lampas na sa kalahati yung mga nabigyan ko.

"Bye chichi." Macky.

"Bye goku." Nginitian ko siya.

"Ako yata." sabi ni Shiela.

"Ako kaya." Hanna.

Pinapakinggan ko lang yung usapan ng mga kaklase ko habang nagpapamigay.

"Edi sana nilapitan na kayo kung kayo nga. Tsk." Allysa.

"Oh my God! Papalapit siya sa direksyon natin!" Rinig kong sabi ni Hanna na nagpipigil tumili. Kalma ka lang Sychie. Tatlo nalang ang natitirang papel. Ibinigay ko na yun sa ibang wala pa.

"Nandiyan pa ba si Sychie?" tanong ni Brylle sa kanila. Ay anak ng tokwa talaga. Nagmamadali na akong suklayin yung buhok ko at nagpulbo.

"Maj, mauna ka na palang umuwi. Hindi kasi ako makakasabay sayo ngayon eh." Sabi ko kay Jamaira. Tumango lang siya at lumabas na ng room.

"Si Sychie pala yung hinihintay." Si Sheila.

"Nandun sa loob. Nagdidistribute ng hand-outs." si Allysa. "Sychie! Sinusundo ka na ng boyfriend mo!" Kahit kailan talaga yang si Allysa.

"Girlfriend bilisan mo naman!" Sabi ni Brylle na nakangising nakatingin sakin.

Baliw ba siya?

Lahat ng dugo ko parang umakyat sa mukha ko. Paniguradong pulang-pula ako ngayon sa hiya pero syempre pati na din sa kilig!

"Ayeeeee." Tukso samin ng mga kaklase ko.

Mas lalo akong namula. Parang nangangatog ang mga tuhod ko habang papalapit na ako sa kanya.

"Hi. Hehe." Para na naman akong baliw na nagpipilit ngumiti. Parang ganito ko rin siya binati noong araw na tinakbuhan ko siya.

"Tara na." Hinawakan niya yung kamay ko at hinila na ako paalis doon.

Huminto kami nung nasa may tapat na kami ng hagdan pababa. May kinuha siya sa bulsa niya.

Nagulat ako ng makita kung ano yun.

Isang posas.

Tiningnan ko siya ng may pagtataka. Aanhin niya yung posas?

Mas nabigla ako ng ipinosas niya yun sa mga kamay namin.

"Te-teka. Ba-bat may ganito?" Eto na naman ako at nauutal-utal. Malala na ang epekto niya sa akin.

"Para siguradong wala ka ng kawala sakin." Parang gusto kong matawa. Pft.

"Hahahahahahahahaha." Hindi ko na talaga mapigilan.

Napatingin siya sakin. Nakakunot yung noo.

"Bat ka tumatawa?" Tawa parin ako ng tawa.

"Ano kasi hahaha ang weird lang hahaha kasi." Talagang nagdala pa talaga siya ng posas.

"Tss."

"Tanggalin mo na. Hindi na ako tatakas promise kidlatan man yung kapitbahay namin. Hahaha." Tinaas ko pa yung right hand ko.

Napailing nalang siya. At tinanggal yung posas. Nagsimula na kaming maglakad

"Oy. Bat nga pala gegirlfriend-girlfriend ka pa sakin kanina? Baka maniwala yung mga kaklase ko." Yes! Hindi na ako nauutal. Medyo kumomportable na ako ng kunti pero kinikilig parin ako. Ang gwapo kasi ng kasama ko.

Pinagtitinginan nga kami eh. Mukha namang sanay na tong isang to at dedma na lang.

"Wala lang." Nagkibit-balikat siya. Tingnan mo to.

"Ah."

"Namula ka naman." Napansin niya pala yun.

"Hindi no." Deny pa Sychie.

"Oo kaya. Pulang-pula nga." Nandito na kami sa may labas ng gate.

"Oo na. Syempre nakakahiya." Palusot ko.

Tumingin siya sakin. Inilapit niya yung mukha niya sakin sabay sabing, "Nahihiya ba talaga o kinikilig ka?" sabayan pa ng kindat niya. 

_______

Author's note:

Anong masasabi niyo sa chapter na to? Hmm. Comment na! Hahaha. :D

THE FACEBOOK FLIRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon