TFF CHAPTER 44

186 9 0
                                    

[SYCHIE'S POV]

Parang may nakayakap sa akin ngayon. Binuksan ko ang mga mata ko. Nagulat ako ng makitang si Brylle iyon. Oo nga pala siya nga pala ang kasama ko kanina. Teka, nasaan na ba kami ngayon?

Pareho kaming nakaupong dalawa. Hindi ko parin inalis ang pagkakayakap niya sakin baka bigla siyang magising. At syempre na rin dahil masarap sa pakiramdam.

Naguguluhan talaga ako ngayon. Maraming mga tanong ang nabubuo sa isipan ko pero siguro naman masasagot na ang lahat ng to pagkagising niya.

Inayos ko ang pwesto namin. Dahan-dahan kong inangat ang ulo niya na nakapatong sa ulo ko at ipinatong ko iyon sa balikat ko.

Pinagmasdan ko ang buong mukha niya. Namiss ko talaga ang pagmumukha niyang pinilit kong iwasang makita sa loob ng dalawang linggo.

Hindi parin ako makapaniwalang kasama ko siya ngayon at natitigan ko siya ng ganito kalapit. Ang amo ng mukha niya. Para siyang isang anghel. Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang pisngi niya. Baka kasi bigla siyang magising.

Hinaplos ko iyon. Ang kinis ng mukha ng lalaking to. Mahihiyang tumubo ang pimples sa sobrang kinis.

Agad napako ang mga mata ko sa labi niya. Napalunok ako ng wala sa oras.

His lips.

Parang nag-iimbita ito. Feeling ko ang sarap-sarap nitong halikan.

What am I thinking! 

Ang bilis ng pagkabog ng dibdib ko. Parang gustong kumawala ng puso ko. Ilang beses pa akong napalunok.

Pwede ko kayang hawakan ang lips niya? Hahawakan lang naman eh. Aalamin ko lang kung gaano kalambot.

Aish. Ang manyak mo na Sychie!

Pero nakakaakit kasi talaga yung lips niya. Please wag ka munang magising. Hahawakan ko lang talaga promise. Dahan-dahan kong inilapat ang daliri ko sa labi niya.

Malambot nga ito kagaya ng inaasahan ko at hindi ito dry. Ang sarap hawakan pero mas masarap sigurong...

Ano ba Sychie tanggalin mo na yang kamay mo! Mamaya mahuli ka pa! sigaw ng utak ko.

Akmang aalisin ko na ang kamay ko ng biglang may pumigil sakin at hinawakan ang kamay ko.

Nanlaki ang mga mata ko!

Hala! Don't tell me kanina pa siya gising? Shocks! Ano ba kasing pinaggagawa ko!

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang pisilin niya ang kamay ko. Nanatiling nakasara ang mga mata niya.

Mas lalo akong nagpanic. Anong sasabihin ko kapag tinanong niya kung bakit hawak-hawak kong labi niya? Gusto ko ng biglang magdisappear ng dahil sa kahihiyan.

Sa wakas ay idinilat na niya ang mga mata niya. Agad akong napaiwas ng tingin. Napansin kong umayos siya sa pagkakaupo pero hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Nang hihilahin ko na ito ay mas hinigpitan niya ang pagkakahawak dito.

Halos hindi na ako humihinga sa sobrang kaba. Ang isa niyang kamay ay pinadapo niya sa baba ko at dahan-dahan niyang itinuon ang atensiyon ko sa kanya. Sinalubong ko ang mga mata niya.

"Ang mga daliri mo, hindi dapat inilalapat sa labi ko..." sabi niya at pinisil ang mga iyon. Nanatili akong nakatitig sa kanya at biglang nawalan ng sasabihin. "Alam mo kung ano ang dapat?..." pagpapatuloy niya. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Ngayon ay nakatitig na siya sa mga labi ko. Patuloy ang bilis ng tibok ng puso ko. Yung kamay kong hawak niya ay inilapat niya sa may dibdib niya kung saan nandun ang puso. Ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso niya. Yung mga paru-paru sa tiyan ko nagwawala. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nakukuryente ako na ewan.

THE FACEBOOK FLIRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon