Chapter 16

19 1 0
                                    

Frustrated kong inihilamos ang dalawang kamay sa aking muka. What I did to yassy is unforgivable, ngayon ko lubusang napatunayan na napaka-gago ko talaga.

Naglakad ako palabas ng bahay at agad kong tinungo ang sports car ko, I start the engine and start driving kahit na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naisip kong pumunta sa bar para muling magpakalasing pero kakagaling ko lang doon kanina at baka magkaroon na naman ng riot tulad nalang ng nangyari kung saan nakipaglaban ako sa limang tao na pulos mayayabang.

Hininto ko ang sasakyan ng madaanan ko ang isang oval, hindi pa man ako tuluyang nakalalabas ng subdivision. Without thinking basta nalang akong lumabas ng sasakyan at hinayaan na mabasa ako ng malakas na ulan, nanginig ako sa pagdampi ng malamig na hangin sa aking balat pero nagpatuloy pa din ako sa paglakad, hanggang sa tumatakbo na ako, as if it was the best thing to do.

Naalala ko ang muka ni Yassy kanina, she was crying because of me. I did’nt mean to say those harshful words to her, it’s just that It came out of my mouth without thinking. Stupid me, for not controlling my emotions at siguro dahil na din sa spirito ng alak.

But whatever the reason is kailangan ko pa ding mag-sorry, which is hard for me to do and say. Heck, ni hindi ko pa naranasan humingi ng tawad kahit na kanino. So how do I start without embarrassing myself to her. Damn but I need to do it, I want to do it even if it will make me stupid, just for her. . just for yassy.

Huminto ako sa may puno ng acacia di kalayuan at doon prenteng umupo, gusto ko pa sanang tumakbo, but my body can’t run anymore, sumusuko na ito sa ilang oras ko na ding pagtakbo sa kasagsagan ng ulan.

Unti-unti ng pumipikit ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong gapiin ng antok.

-------

“ Tang’na. . .”

Napamura ako ng maramdaman ang pagsakit ng aking ulo, I looked around to find that goddamn thing na tumama sakin, napansin ko ang isang bola ng basketball sa tabi ko. Inabot ko ang bola, napamura na naman ako ng muli na namang sumakit ang ulo ko, this time hindi na dahil sa pagtama ng kung- ano. Kundi dahil parang malalaglag ang ulo ko sa sakit, nahihirapan din akong huminga dahil sa sipon. Damn bakit ba ng bigat ng pakiramdam ko!!

Wait a minute this is not my room, Fuck nakatulog nga pala ako kagabi sa sobrang pagod dito sa oval at ni hindi ko na naisip man lang na umuwi. Napangiwi ako sa putik na dumikit sa damit at balat ko. I badly need a shower!!

“ Hey. . bonehead tatanga ka na lang ba dyan!!.”

Napakunot ang noo ko at matik na nagsalubong ang aking kilay. Kahit medyo hirap akong tumayo, pinilit ko pa ding pantayan ang tao sa harap ko na walang iba kundi si Ace.

“ What are you doing here.” Maangas kong tanong kahit na medyo paos ako.

“ Ikaw anong ginagawa mo dito at ganyan ang itsura mo?.”

“ Anong pakialam mo?.”

Nagsukatan kami ng tingin, sa huli ako din ang sumuko ,ang sakit na talaga ng ulo ko at any moment parang magcocollapse na ako. So humakbang na ako palayo sa kanya, but I stop when he said something.

“ Subukan mo lang pakialaman si yassy at ako ang makakalaban mo Grey.”

Nainis ako sa sinabi nya at muli ko syang hinarap na ngayon ay hawak na ang bolang tumama sakin kanina. Napakuyom ang kamao ko, sinadya ata ng gago na tong batuhin ako ng bola sa muka.

“ Who the hell do you think you are?  Wala kang pakialam samin ni Yassy, So mind your own fucking business.”

“ You shoud say it to yourself, ng sinusundan mo kami kahapon.”

She's Limited EditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon