How can I say no sa san tambak na pagkain na nakahain sakin? Feeling ko nag sshinebright like a diamond yung mata ko at yung laway ko infairness konting shembot nalang tutulo na.
Grabe mas masarap talagang kumain lalo na kung libre. IMBA talaga ang mayayaman!! Pero dahil Patay Gutom ako na sinabayan pa ng kapal ng muka palalampasin ko daw ba ang desserts. Ofcourse It’s a big NO. .NO. .
So, ayun lafang dito, lafang doon hanggang sa makaramdam ako ng uhaw at inisang lagok ko yung baso ng red tea.
Napahinto ako sa pagsubo ng fruit salad ng makaramdam ako ng kirot sa tiyan ko. Feeling ko may nagrarally sa loob at konting-konti nalang sasabog na kaya naman bago pako abutan tumayo na agad ako at nagpaalam na pupunta sa powder room.
Kapag minamalas ka nga naman lahat ng CR na puntahan ko puro Out of Order na nanadya ba talaga ang tadhana o sadyang kinarma lang ako sa ginawa ko kanina.
Napapunas ako sa noo ko na pinagpapawisan ng matindi habang yung isang kamay ko naman na sa tyan ko. Fuck lahat na ata ng santo natawag ko wag lang akong abutan pero wa-effect pa din. Nagpunta ako ng 3rd floor , 4th, 2nd, 1st pati ground floor at rooftop napuntahan ko na pero ang tang-inang Arinola na yan ay puro out of order.
Nanlalambot na talaga ako sa tindi ba naman ng powers na ginamit ko mapigilan lang ang isang bomba na handang sumabog sa butt ko.
“ Looks like someone badly need a tissue. .”
Ang gwapong muka ni Grey na may malademonyong ngiti ang bumangad sakin. Nakarating na pala ako soccer field.
“ Get lost. .” Ako with natataeng tono.
Lalampasan ko na sana sya ng humarang sya sa daanan ko with matching hands sideward.
“ Not so fast sweety pie . . gusto pa kitang kausapin.”- Grey
“ Damn Grey pwede ba wag ngayun kitang ang sakit-sakit na ng tiyan ko.” –Ako
“ Your face is priceless seriously, Masarap ba yung red tea?.”
“ You!! Moron. May nilagay ka sa inumin ko. Argh, mapapatay kitang hayop ka.” –Ako
Tinanggal ko yung sapatos ko at pinagbabato ko sya pero ni isa wala man lang tumama. Habang siya tawa ng tawa ako naman nanlalambot na talaga. Sa sobrang inis ko binato ko sa kanya yung iphone 5 ko pero iba ang tinamaan.
“ Tang-ina naman yung ilong ko . Sinong gago yun!!.” – Jet
“ Tanga mo kasi panero ( Panyero) puro ka txt dika man lang tumingin sa paligid mo.”-jack
“ Nosebleed ka agad panero (panyero ) parang smartphone lang eh.”-coby
“Mga gago!!! Kayo kaya batuhin ko. Tangina makakatikim sakin kung sino man yun.”-jet
“ Lalo kang pumangit panero (panyero ) Di bale kapit mo naman. “-Grey
“ Aba ang hayop na to bigla-biglang sumusulpot. Tangna wag nyo nga akong tawaging Panyero kung aalipustahin nyo lang din ako. Magsolian na tayo ng kandila.” –jet
“ Galit ka naman agad panyero sadyang kami’y gusto lamang pagaanin ang iyong kalooban.”-Jack
“ panyerong coby ilabas ang itak at hanapin ang tulisan at bastusing batang gumawa nito sakin.” –jet
“ Nakakabobo mga panyero isang hilaw na labanos ang pilit nagtatagalog at isang duguan ang ilong dahil sa sariling katangahan ang nagsusumiklab ang damdamin.”- Coby
Tangna ang sakit na nga ng tiyan ko, parang gusto kopang matawa sa apat na nilalang na ilang hakbang lang ang layo sakin. My gwad mas gusto ko pang marinig na mag-english nalang sila kesa magtagalog ng malalalim puta!! Nakaka dugo ng ilong.
BINABASA MO ANG
She's Limited Edition
De TodoYassy is one of the best car racer and it's her dream to become an international one. Gustong-gusto nya ang pakiramdam na parang nakikipaghabulan kay kamatayan. She was free adventurues, and not afraid to explore something new and challenging. But w...