The first thing na napansin ko after I open my eyes ay ang maliwanag kong kwarto. Tinatamad akong umupo sa kama at nag-iinat, tinakpan ko ng kanang kamay ang bibig kong naghihikab at kinuha ang alarm clock na nasa bedside table. It was 10:30 in the morning kaya naman maliwanag na. Nasanay na kasi akong bumangon ng alas-singko ng madaling araw dahil sa tagal kong mag-ayos tuwing papasok ako. Speaking of papasok, super late na ako at paniguradong absent na naman ako at isa pa. Tinatamad akong pumasok.
Tumayo na ako sa higaan, hindi sinasadyang napasulyap ako sa salamin para lamang mabigla sa isang dyosang nakatingin sa akin. Oh well, ang ganda ko talaga mapaumaga man, tanghali o gabi, parang food lang, breakfast, lunch, dinner yun nga lang walang expiration date ang kagandahan ko.
Naka-ilang pose pako sa harap ng salamin na akala mo ay model ng isang mamahaling brand ng damit. Hindi pako titigil kung hindi ko napansin ang isang note na nakadikit sa mirror, how come na ngayon ko lang napansin. Inuna ko pa kasing purihin ang kagandahan ko, next time I try to be humble.
My eyes widen when I realized it was a hand-written note from Grey saying:
Hey gorgeous, gudmorning, Sorry kung hindi na kita ginising , hindi kasi makaya ng konsensya kong gisingin ka, you looked so peaceful and so angelic. Kung pwede lang kitang titigan buong maghapon ginawa ko na but I can’t kailangan kong pumasok. Pinagluto kita ng breakfast hope you like it. Take care always and by the way you should smile more often it makes you more beautiful.
Handsome Grey J
Kinikilig na napasabunot ako sa buhok. Gosh I never thought that Grey has a sweetbone. Napatingin ako sa table na may pagkain as if on cue tumunog nalang ang etchosera kong tyan na kung hindi pa nakakita ng pagkain ay hindi pa magrereklamo.
I start eating my brunch , since ganitong oras na kong nagising. Nahinto ako sa akmang pagsubo ng biglang parang penikulang nagflashback sakin ang mga nangyari kahapon. Ang mga circus bitch, si jet at si GReY??.
Oh dammit!! napasabunot ako sa buhok ng maalala ang nangyari kahapon sa rooftop, sa sasakyan hanggang sa buhatin nya ako papasok ng bahay patuloy sa kwarto ko. My heart race just by thinking his handsome face.
Inalagaan nya ako, he was such a caring person. Talagang inasikaso nya ako kahapon , pinainom ng gamot, sinubuan sa pagkain, at binantayan magdamag. Akala ko panaginip lang na nakita ko sya sa couch na natutulog, but it was real. DEFINITELY!!
It was really unexpected or unbelievable. I mean we are like cats and dog that always fighting kaya hindi talaga ako makapaniwala na tutulungan nya ako o mag-aalala sya ng ganun sakin. At ngayon nga pinagluto nya pa ako ng breakfast, hindi kaya may lihim na pagtingin sakin si Gray?
I shooked my head trying to erase what I think, He was just a concerned citizen . Yeah just freaking concerned!!. Hindi dapat ako mag-isip ng mga kabaliwan na bagay, I should remind myself that GREy is GREY, that he is out of my list just like the rest of his company.
Napabuntong hininga nalang ako, Falling inlove with a playboy is like digging your own grave. The next thing you knew you are six feet under the ground.
Nabusog ako sa kinain ko, ubusin ko ba naman daw!! I looked at my phone 50 miscalls from Pauleng and Coby. Yung totoo anung trip nila? Wagas kung makatawag. Binuksan ko yung message ni Coby, I can’t help but to rolled my eyes. Kung hindi ba naman baliw , sabing wag ko daw syang ganung isipin dahil hindi daw sya makapagconcentrate sa pag-aaral. Akala mo kung sinong tunay na estudyante!! He said that he will stop flirting with others for the meantime basta alagaan ko daw ang sarili ko.
Next kong tinignan ang mga message ni Pauleng. As expected puro mura ang napala ko, So nandito na pala sya sa pinas. I texted her na magkita nalang kami sa Fae’s Café. Sinimulan ko ng tumayo papunta sa CR, nakakailang hakbang palang ako ng mapansin kong may mga cutted arrows made from paper sa sahig.
The next thing I knew sinusundan ko na ito, hanggang sa makarating ako sa may tapat ng pinto palabas ng mini terrace-- o kung anu man tawag dun-- na parte ng kwarto ko. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto , bigla nalang bumuhos ng petals of roses sa uluhan ko, pagtingala ko may basket at tali na konektado sa pinto ang nakita ko.
Once again, I smiled wholeheartedly with a handsome face of a man in my mind. Next time ko nalang irremind ang sarili ko, sa ngayon hayaan nyo muna akong kiligin ng BONGGA!!.
=======
The moment Paulina entered in Café , she already got everyones attention. She was walking towards my direction like a professional model. Every guys around can’t take their eyes off her. I can’t blame those guys because Paulina is one hell of a chick.
Kung gandang-ganda ako sa sarili ko and I called myself Dyosa. I must say that Pauleng is a Goddess of beauty, Guys considered her a trophy girlfriend. She’s ALMOST perfect. Beautiful, Have a body to die for, A heiress and a GENIUS.
Hindi sya kagaya ng ibang genius na nagpapaka-nerd, yung tipong nagtatago sa kapal ng salamin, aloof sa mga tao at higit sa lahat old fashioned. She was the exact opposite, para syang si yassmine ng Bratz. Sya yung tipo ng taong prangka, diretsyo kung diretsyo magsalita walang paligoy-ligoy. Masaktan ka man o Hindi She does’nt care ang mahalaga nagising ka sa katotohanan.
“ Are you listening? .” naiiritang sabi ni Pauleng . Hindi ko man lang napansin na nasa harapan kona pala sya at naka-order na ng pagkain.
“ Pardon?. . .” I try to used my signature smile para mabawasan ang inis nya sakin.
“ Dammit!!. Gusto mo bang sampalin kita just to get back your senses.” Naniningkit ang kanyang blue eyes habang nakatingin sakin.
“ Chill lang okey!!,” is that your way saying how much you miss your bestfriend?.” Tumatawang sabi ko, kahit kailan talaga napaka short tempered nitong bruha na to.
“ Ilang months lang tayong di nagkita kung anu-anung kalokohan na naman ang ginagawa mo Yassy. Kung isumbong kaya kita sa parents mo?.”
“ Whooo, Can you betray your own bestfriend? I can’t believe it!!.” Napahampas pako sa lamesa habang napapailing.
“ YASSMINE. .” she shout the hell out of me.
“ Alryt, I won’t joke, I’m serious you see.” Tinuro ko pa ang muka kong nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay.
“ You’re a hopeless case. Anyway nakita mo na ba yung mga pictures mo? It was uploaded sa official site ng university na pinapasukan mo. “
“ What pictures?. “ Na curious ako sa mga pinagsasasabi ng babaeng ito, agad nya naman ipinakita sakin. It was my pictures yesterday habang nakikipag-away. Nag-kibit balikat nalang ako at napilitang ikwento ang mga nangyari kahapon dahil paniguradong hindi nya naman ako tatantanan.
“ Nakipag-away ka ng dahil lang sa lalaki? .” di makapaniwalang sabi nya.
“ Oh come on, hindi ako ganun ka-cheap. Yung mga babae kasi na yun may mga attitude problem. Sakto naman na badtrip ako kahapon kaya ayan ang napala nila.”
“ Oh. I see. “
Alam na Alam nya kung panu magalit ang isang Yassy Chavez.
“ Oo nga pala, panu mo nakita yan. Kailangan ng account bago ka makapag-log-in sa website na yan ahh!!.”
“ Nothing is impossible to Paulina Andersonne. Ryt?.”
“ Tsk. Yabang!!.”
After namin sa café dumeretsyo na kami sa mall at namili ng kung anu-anu. Nagpa-spa at parlor narin kami. Infairness na miss ko tong bruha na to. We spend our time chatting, boy hunting and food trip.
BINABASA MO ANG
She's Limited Edition
AcakYassy is one of the best car racer and it's her dream to become an international one. Gustong-gusto nya ang pakiramdam na parang nakikipaghabulan kay kamatayan. She was free adventurues, and not afraid to explore something new and challenging. But w...