Prologue

3.5K 66 3
                                    

--Sacha--


"YOU ASSHOLE! I said, go back!--My brother needs me!
naghuhumiyaw na wika niya kay Fuji Taka.
Isa sa mga Hencher nya.

But, Fuji didn't listen to her as he continue driving so fast.
Fuck! I hate this man!

Nag-aalala siya para sa kakambal niya na si Zeki. Naiwan ito kasama si Hendrix, nagkaroon ng bulilyaso ang huling transakyon nila rito sa bansa.

Napaigik siya ng muling maramdaman ang tama niya sa hita at balikat.
Ang mga walang-hiyang LA EME, panigurado siyang LA EME ang may gawa nito.

Nangangalit na kinuyom nya ang palad.
Talagang hindi titigil ang LA EME na patayin silang magkapatid.

Mula nang mamatay ang mga magulang nila, tanging sila na ni Zeki ang humalili sa lahat ng negosyong hawak ng White Fence.

Ang White Fence ay isa sa mga kinatatakutan at malaking Mexican American Street Gang or Mexican American Mafia sa East Lost Angeles.
They do illegal businesses, drugs trafficking, guns, money laundering, kabilang din sila sa isang organized crime syndicate ang The Pacific Cartel.

Nagkaroon ng matinding sigalot sa pagitan ng La Eme o Mexican Mafia na nakabase sa bansang Mexico at Colombia. Nagsimula ang lahat ng patayin ng kanyang ina ang asawa ni Don Luis Horquez.

Hindi nila alam kung bakit nagawa iyon ng kanilang ina pero isa lang ang nasisiguro nya..may mabigat na dahilan ang kanyang ina. Kaya naman, pinapatay ni Don Luis ang kanilang magulang. Namatay ang mga ito sa brutal na paraan. Hindi niya matanggap. Gaganti siya, gaganti silang magkapatid. Kung kinakailangan ubusin niya ang lahat ng lahi ni Don Luis ang gagawin niya. Lalo na ang demonyong anak nito na si Judas Horquez.

Isang malakas na putok ang nagpabalik sa kamalayan niya.
Narinig niya ang pagmumura ni Fuji. Binilisan pa nito lalo ang pagmamaneho.
Bumunot siya ng baril at sumilip sa bintana at nakipagpalitan ng putok sa kalaban.

"Mierda! Mierda!--" usal na mura habang walang takot na nagpapaputok.

"You need to jump out of the car!"
sigaw na utos ni Fuji sa kanya.

Umayos siya ng upo at pinandilatan ito ng mata.
"Tarantado ka ba? Bat ko gagawin 'yun?"
sigaw niya.

Pabilis ng pabilis ang pag drive nito upang makalayo sila sa kalaban.

"You have to jump!--unless you want to die with me!"
galit na bulyaw din nito.

Mas ayaw niyang makasama itong mamatay. Kung mamatay man siya, mas gusto niya walang kasama kesa makasama ang Hapon na ito sa kamatayan.

Huminga siya ng malalim.

"When I say--jump. You jump! Save your ass--call Miranda. understand?"
paasik na utos nito habang nakatingin sa daan at mabilis na nagmamaneho.

"I understand!--ipagdasal mong mamatay ako ngayon dahil oras na makita kita, papatayin na--"

naputol ang iba pang sasabihin niya ng biglang huminto ito, mabilis na binuksan ang pinto ng kotse at sinipa siya palabas ng sasakyan. Pasadlak na natumba siya sa damuhan.
Napadaing siya sa sobrang sakit dahil sa impact ng pag sipa nito isabay pa ang tama ng bala sa katawan niya.
Punyeta!

Pinaharurot na muli si Fuji ang sasakyan. Mabilis siyang nakapagtago ng mapansin nakasunod na rin ang sasakyan ng kalaban.

Holy fuck!

Mariin napapikit siya dahil sa pagkirot ng sugat. Ilan minuto pa ang hinantay niya bago pinilit tumayo. Shit!

Nanlalabo na ang mga mata niya. No. Sacha! You have to survive this. You can't die.

REAL THING [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon